Chapter 17. First Date <3

2.4K 37 7
                                    

eto na po ulit ang next chap. 

Happy reading

ALex's POV

Im on my way sa work ko. Nagcommute lang ako. nasanay na din akong  magtaxi kasi minsan hindi talaga ako naihahatid ni Sam sa work. 

sa tatlong araw na pagmumukmok ko sa unit ko, pinipilit kong intindihin at tanggapin lahat ng mga nangyayari. pero hindi ko talaga kaya eh, sa tuwing naiisip ko yung nangyayari hindi ko mapigilang magalit. Hindi ko alam kung dahil ba sa hindi ako ang pinili ni Sam o dahil niloko ako ni Jed. hindi ko alam bakit ako galit na galit sa mga kaibigan ko. dahil ba nilihim nila sa akin yung about kay Sam at Jed o dahil pakiramdam ko boto sila sa relasyon nung dalawa. AAAAAAAAAAAAAAAHHHHHH.. ewan ko. pinilit kong pagconnect connectahin ang mga nangyari.. yung mga bagay na madalas kong napapasin, katulad nung sa tuwing pupunta kameng hospital bigla silang nawawala, o kaya naman sabay sila pupunta sa hospital, tapos yung birthday ni Ann sabay din silang pumunta. nakita ko nun na nakahawak si Jed sa bewang ni Sam pero hindi ko yun binigyan ng malisya. Noong tumawag ako kay Sam at kay Jed parehas silang may pupuntahan. nagkita sila non. nakita ko yung picture nila facebook. Ang bobo ko. hindi ko napansin na may something na pala sa kanila.

"Sir andito na po tayo" sabi nung taxi driver. bigla akong bumalik sa katinuan. di ko namalayan na nasa Makati na pala ako. Iniabot ko lang ang bayad ko at naglakad na rin papunta sa office ko.

"Welcome back sir, tagal nyong nawala ah." bati noong mga empleyado. OO sir ang tawag nila sa akin dahil yun ang gusto kong itawag nila akin.hehe. nginitian ko lang sila.

Anak ako ng may ari ng company na toh kaya mataas ang tingin ng mga empleyado sa akin dito. :) 

Pagpasok ko sa office, tambak ang gawain ko. inumpisahan ko agad yun para maaga akong matapos. 

OO nga pala, magdidinner kame ni Lance.

Eto nanaman si Lance pumasok nanaman sya sa isip ko.

Ano bang merong itong babae na toh. sa tatlong araw na yun ang daming text ng text sa akin yung iba alam kong importante pero hindi ko sinasagot pero sya. hindi ko mapigilang hindi sya replyan. ang wierd noh. tsaka see?? nandito ako sa work ko kahit ayaw ko pa din pumasok, dahil yun sa kanya dahil pinilit nya ako. meron syang power na mapasunod ako. 

Sa mga simpleng text nya, sa mga pangangamusta nya... ewan ko pero napapangiti ako. nakakalimutan ko si Sam. ang gulo.. 

tumungo nalang ako desk ko. di ko namalayan na nakatulog pala ako. 

Pag gising ko 4pm na. nag ready na ako kasi nga may date daw kame ni Lance. haha.. :) first date namen toh. excited ako pero ayaw ko yun ipahalata. :) 

5:00 na. wala pa rin sya. grrrrr.. ang tagal ko na nagaantay.

yown.. nakita ko na yung sasakyan nya. kunwari naiinis akong lumapit.. 

binaba nya yung window nya. isang nakangiting muka ang tumambad sa akin. MY GOD.. ano bang muka yan bakit ang ganda. nagpapacute ba sya sa akin??? 

"ilang beses ko bang sasabihin..........."

"oo na.. ayaw mo na nag aantay." putol nya sa pagsasalita ko..

"alam mo naman pala eh bakit lagi ka pa din nalelate??" kunwari naiinis ako. haha syempre hindi ko pwedeng ipahalata na nakakapanghina ang kagandahan nya. haha

"alam mo ang dami mo nanaman sinasabi, sumakay ka na nga lang." naggrinned sya. ang kyut.

"oh baba na." sabi ko

Bring out the best in youDonde viven las historias. Descúbrelo ahora