Chapter 14.. "you have the same gender with her ex.

2.3K 31 5
                                    

here the next chap. enjoy reading.. vote, comment recommend.. thank you.. :)

Alex POV

Tinatamad akong gawin ang office work ko kaya napagdesisyunan ko na maaga nalang umuwi. Tinawagan ko si Sam gusto ko kasi sana sya makita, tagal nanameng hindi nagkikita. Pero may pupuntahan daw sya kaya eto hindi ko alam saan ako pupunta. Naalala ko si Jed, matawagan nga sya.

Siguro naka 5 rings bago nya sagutin.

“hello, ang tagal mo namang sagutin. Ano bang ginagawa mong kababalaghan dyan huh?”

“ulol ka, nagbibihis kasi ako. Ano bang problema mo bakit napatawag ka.”

“wala akong magawa eh, tara mang chicks.” Biro ko sa kanya. Hehe hindi ako chickboy no este chickgirl pala.

“pare wrong timing ka, may pupuntahan ako eh.”

“saan ka naman pupunta? Si Sam hindi din pwede, may pupuntahan din daw sya.”

“ah ganon ba, eh next time nalang tayo magkita.”

“teka, baka naman magkikita kayo ni Sam huh, walang talohan pare.haha” biro ko sa kanya.

“oh cge na, bye na magaayos pa ako.” Call ended. Haixt ang weird ni Jed actually ang weird nila parehas ni Sam.

So eto, magisa ako ngayon.walang mapuntahan. Naisipan ko na pumunta nalang sa Hospital, antayin ko nalang si Lance. Sya lang naman ang taong pwede kong asarin at kulitin eh. Nag taxi ako papuntang hospital.

Siguro mga 30 mins na akong nagiintay ditto sa may hagdan. Alam ko naman na matagal talaga akong magaantay kasi ang aga ko dumating 4:30 palang andito na ako.

“hey.” May nagsalita mula sa likuran ko. Si Miss. Nurse pala.

“hey wazzup?” bati ko.

“aga mo ata. Tagal pa bababa si Dra. Franxa”. Sabi nya

“oo nga eh, pero naboboring na rin kasi ako sa office so nagpunta nalang ako dito” tumango tango lang sya.

“eh ikaw? Off mo na?” tanong ko.

“ah oo, kaso nagtext yung boyfriend ko late nya akong masusundo.”

“ganun ba? Tara doon muna tayo sa may hagdan. Sigurado akong kanina ka pa nakatayo.” Nagsmile ako sa kanya. Nag smile din sya.  Naupo kame sa hagdanan.

“ummh. Miss. Nurse kamusta ang pagiging nurse?”

“haha, Carl. You can call me Carl.” Sabi nya.

“ummh. Im alex, nice meeting you Carl” nag shake hands kame. Haha may formal na kameng pagkakakilan kilan.hehe

“haha, baliw ka. Bakit mo natanong ang pagiging Nurse?”

“wala naman, pakiramdam ko kasi once na nasa medical field ka ang hirap.” Sabi ko

“medyo, mahirap sya. Pero kung mahal mo yung ginagawa mo mageenjoy ka naman eh.” Tumango tango lang ako. “eh ikaw? Ano bang trabaho mo?”

“engineer.”

“wow, bigaten ka pala.” Kinabig nya ako sa balikat. Natatawa ako sa kanya kasi parang ang cool nya kasama.

Bring out the best in youHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin