At the hospital

2.5K 29 0
                                    

Clancy POV

Nakarating na nga ako sa hospital. Nilagay ko lang ang mga gamit ko sa doctors lounge at dumaretso na din ako sa office ni Dr. Santos.

Dug tug dug tug dug tug.....

Nasa labas palang ako ng pinto pero halos tumalon na ang puso ko sa kaba. Alam ko kung paano magalit si Dr. Santos para syang dragon.

Tok.. tok.. tok.. marahan kong binuksan ang pinto.

“G-o-o-d morning po Dr. Santos” nauutal kong sabi.

Tinigil nya ang ginagawa nya at tumingin sa akin pero hindi sya nagsasalita.

I was about to explain kung bakit ako nalate pero.....

“ Do you want to be a Doctor? “ tanong nya.

“ yes Dr.” Sagot ko.

“ but i think it doesn’t fit you.” Seryosong sagot nya.

“ sorry Dr.” Nakatungo kong sagot.

“ Sorry doesn’t belong to Doctor’s vocabulary”

Nakatungo lang ako....

“How come you call yourself a doctor when you cant even do you responsibility. Huh Ms. Franxa?”

Naiiyak na ako sa mga sinasabi nya. T_T hindi tlaga ako sanay ng pinapagalitan at sinisigawan.

“ Get out.  I don’t need an irresponsible Doctor here.” Sigaw nya.

Wala akong nagawa kundi lumabas. Wala rin kasing pumapasok sa isip ko na pwedeng sabihin eh. Tanging nagawa ko lang ay umiyak. Pumunta ako sa doctors lounge.

Habang nasa doctor’s lounge.

Nakaupo pa rin ako at umiiyak pa din. Hindi kasi ako makaget over sa mga sinabi ni Dr. Santos.

Biglang my pumasok. Si Dra. Alvares, senior intern din sya. Isa sya sa mga pinakakasundo ko sa mga intern,  marami din syang alam about sa akin kasi matagal tagal na din kasi kameng magakasama.

“ Dra. Franxa, ayos lang yan. Bawi ka nalang sa susunod.”  Sabi nya habang hinahaplos ang likod ko.

Nginitian ko lang sya at pinunasan ko ang luha ko.

“ ayos na ako, thank you.  Di lang tlga ako sanay nang sinisigawan at pinapagalitan. Kasalanan ko naman talaga kasi iresponsable ako.”  Sabi ko.

“ Ano ba kasing nangyari?” tanong nya.

Biglang pumasok si Carly.

“ Dra. Anong nangyari?” agad nyang tanong. Umupo din sya sa tabi ko.

“ Nakabangga kasi ako eh, eh hindi ko naman matakbuhan. Buti nga pumayag na makipag areglo nalang” sabi ko.

“ Buti nga at sasakyan lang ang nabangga mo hindi tao kasi kung tao mas malaking problema pa.” Sabi ni Dr. Alvares

“oo nga girl, buti wala ring nasaktan sa nangyari” sabi naman ni Carly.

“ tingin ko hindi naman sila nasaktan. Pero mahal na sasakyan yung nabangga ko kaya siguradong malaking bayarin din yun.” Sabi ko.

“buti pumayag na makipagareglo yung nabangga mo. Maswerte ka pa din” sabi ni carly.

“ oo nga eh. Pero hindi ko din masyado gusto magsalita yung nabangga ko. Muka kasing my ugali. Pero salamat na din at pumayag nga sila.” Sabi ko

Biglang my nagpage. “ Dra. Alvarez please go to the ICU. Dra. Alvarez please go to the ICU” sabi nung sa information.

“ Sige girl, una na muna ako huh. Carly una na muna ako.” Sabi nya. Tumango si carly.

“ Sige thank you ah.”

“ Nga pala mag rarounds pala kayo ni Dr. Lim sa medical ward mamaya. After lunch”

“ Sige, ayusin ko na din yung mga data. Thank you.” Ngumiti sya at umalis na.

Eto naiwan kame ni carly.

“ hoy anong sabi nung nabangga mo? Lalaki ba?” usisa nya. Ganito kame magusap pag kameng dalawa lang.

“ tsssiii.. ayun mejo mayabang ang dating nya kasi tingin ko mayaman sya tlga. Hindi sya lalaki.” Sabi ko

“babae din?”

“hindi din”

“huh? Hindi lalaki hindi babae?? Tao bat oh?

“sira ka. Ewan ko. Mixed ata sya.” Sabi ko.. nakita ko na parang nagiba ang ngiti ni Carly.

“aayyyyy teh... parang ex mo bat oh????? Hahahaha” natatawang sabi nya.

“sira!!!! Ewan ko sayo” tumalikod nalang ako kasi ayokong pagusapan.

“ teh, baka ayan nay an.. yan na yung sign para buksan mo ulit ang heart mo.”

“baliw ka talaga noh??  NEVER ever.. umalis ka na nga. Hahaha my gagawin pa ako.” Ang kulit tlga nitong bestfriend ko. Totoo naman ang sinabi ko ayoko nang mainlove  lalo na sa isang katulad nanaman nya,.

“hahaha, jan ka na nga. Pero malay mo teh?? Hahaha”

“baliw.” Umalis na din sya. Sigurado ako na tumakas lang din yun sa ward nila para lang makapunta ditto.

 Inaayos at aaralin ko na din ang mga data ng px namen kasi mag rarounds kame mamaya

Bring out the best in youWhere stories live. Discover now