Chapter 10..

2.2K 27 0
                                    

Short update lang po ito. :)

Clancy POV

Sinama ako ni Alex sa celebration ng mga kaibigan nya, pero ayos lang nag enjoy naman ako eh. Masaya silang kasama, naastigan nga ako sa mga kaibigan nya kasi parang sobrang close talaga sila. Ang yabang talaga nung unggoy na yun, pero sabagay maganda naman talaga ang boses nya para talaga syang lalaki pati sa pagkanta. Naalala ko, ngayon lang pala ulit ako kumanta simula nung magbreak kame ni mel. Ewan ko ayoko na kasing gawin yung mga bagay na dati kong ginagawa noong kami pa ni mel. Ayoko lang siguro maalala sya. Nakakamiss din palang kumanta.

After nung party na yun, back to normal nanaman kame. Hospital sa umaga, susunduin si Alex sa trabaho nya, ihahatid sa bahay. At ang walang sawa nyang pang aasar, ibang iba talaga sya sa mga kaibigan nya. Siya lang yung natatanging nangaasar sa akin. Akalain mong araw araw akong nakakarinig ng mga pang aasar nya. Dagdag sya sa stressors ko. Minsan pa nga..

Flashback...

 Malapit na kame sa may baclaran, pero bigla syang lumiko papunta sa may Mall of Asia.

“oh saan mo nanaman ako dadalhin.” Sabi ko. Kasi naman bigla bigla nalang to kung saan saan napunta na hindi ko alam.

“nagugutom ako.” Yun lang ang sagot nya.

“oh eh ano naman kung nagugutom ka?”

“kakain tayo.” Tipid nyang sagot. Gutom na nga ata to kasi ang tipid na sumagot.

“okay” yun nalang ang sinabi ko. Napatingin sya sa akin.

“oh bakit?”

“wala, himala ata hindi ka nagreklamo.” Sabi nya

“hindi ako nakapag lunch kaya nagugutom na din ako.”

“sobrang bc?hindi nakakain”

“oo sobrang bc ko, kaya kelan ba magagawa yang sasakyan mo huh 3 araw nalang isang buwan na?”

“ewan ko eh, tawagan nalang natin mamaya”

Nagpark lang kame sa MOA at sumunod lang ako kung saan sya pupunta.

“saan mo gusto kumain?” tanong nya. Napaisip ako. Ummh saan nga ba masarap? Naalala ko may discount coupon pa ako ng Mcdo. Tama doon nalang para tipid.

“ummmhh. Sa MCDO” sabi ko. Pero bigla syang tumawa ng malakas.

“oh bakit? Anong meron sa MCDO? Tanong ko na nakataas ang kilay.

“bata ka ba?? Bakit sa MCDo mo gusto?.”

“may discount coupon kasi ako, sayang naman yun.”

“hahahahaha, ayoko don. Tara sa Kenny rogers” naglakad sya. Parang walang kasama. Tsssiii medyo mahal pa naman dun. Sana pala sa Hospital canteen nalang ako kumain. Grrr..

Habang inaantay namen yung order namen na dumating, tinawagan namen yung Auto repair shop. Ako ang kumausap.

“hello, kuya Oscar.. si Clancy po ito yung nagpapagawa ng Volvo”

“oh ikaw pala.”

“itatanong ko lang po sana kung okay na po yung sasakyan?

“naku Mam Clancy hindi pa po eh, siguro po mga isa hanggang 2 linggo pa.”

“POOOOO??? TWO WEEKS PA PO???? Napalakas kong sabi, napatingin tuloy yung mga tao sa akin. Si alex naman nag sign na wag ako magingay. Tapos tumatawa sya.. grrrr. Natutuwa pa ba sya na two weeks pa syang magaantay ng sasakyan nya??

“Sige po mang Oscar, itext nyo nalang po kame thank you po.” Call ended. Nanlumo ako. Two weeks ko pang pagtitiisan tong unggoy na toh?? Grrrr..

“two weeks pa daw?” tanong nung unggoy.

“unluckily yes.. tsssii.. 1-2 weeks pa daw.” Naiinis talaga ako. Ang tagal naman nila gumawa. Ganon ba talaga kahirap gawin yun… eto namang unggoy na ito tumango tango lang parang wala lang sa kanya na matagal pa nyang makukuha yung sasakyan nya. Sabagay ako lang naman talaga ang nahihirapan eh.

Dumating na din yung order namen. Nawala ako sa mood kumain. Sya naman parang gutom talaga. Dami nyang inorder. Pero naubos ko din naman yung order ko. Konting pahinga then nag bill out na din kame.

“tara na.” naka smile pa sya. Ako naman nakasimangot.

End of flash back.

Bring out the best in youWhere stories live. Discover now