Chapter 13. :)

2.3K 36 3
                                    

Alex POV.

Yehey bati na kame ni Lance. Noon ko lang sya natitigan ng ganoong kalapit. Ang kinis ng muka nya, ang ganda ng mata nya, ng ilong, ng bibig. Nararamdaman ko ng sobrang mapagmahal syang tao. Kung paano nya ako pakainin, alagaan. Haixt lahat ng girlfriend materials nasa kanya. Ang swerte ng taong mapapaibig sya. Nung hinawakan ko yung kamay nya, meron akong naramdaman na hindi ko maintindihan parang tumigil yung mundo ko nun,yung puso ko parang naddodoble ang tibok. Pero bakit kailangan ko maramdaman yun? Hindi pwede si sam ang gusto ko. Nadala lang siguro ako.haixt.

Narinig ko yung mga sinasabi nya sa mama nya, narinig ko din na parang pinaguusapan nila ako. Kilala ba ako ng family nya? Siguro puro negative ang kinuwento nya sa family nya. Yung paguusap nila na yun, ramdam na ramdam ko kung gaanong kabuting anak si lance, I also heard when she said the word Iloveyou. I never said that to my mom even to my dad. Nahihiya kasi ako pero sya parang ang dali daling sabihin yun. Sa totoo lang naiingit ako sa ganoong family, never kasi akong nakaranas ng masayang family. Sila Wensy lang gumaganap sa salitang family sa akin.

Maaga akong nagising, nagulat ako na sa sahig pala natulog si Lance. Hindi nya pala ako iniwan magisa ditto sa kwarto. Tinitigan ko muna sya, ang himbing pa din ng tulog nya.. sobrang amo ng muka nya, kahit tulog ang ganda nya pa din.

Dahan dahan akong tumayo at naglakad palabas ng room. Naisipan ko kasing ipagluto sya ng breakfast makabawi man lang ako. Tinignan ko kung anong meron sa refrigerator. Egg, bacon and hotdog ang iluluto ko, magsasangag nalang din ako ng rice.

Natapos na akong magluto pero tulog pa din sya. Naisipan kong libutin ang condo ng ate nya. Yung ate nya pala, kahawig nya pero tingin ko mas maganda pa din si Lance. Napansin ko na ang daming picture ditto sa condo ng ate nya. Ang gaganda ng kuha, parang professional yung kumuha. Siguro photographer yung ate nya.  Bawat litrato na tinignan ko parang punong puno ng mensahe.

“anong tinitignan mo jan?” biglang may nagsalita sa may likuran ko. Gising na pala sya.

“oh lance gising ka na pala, tamang tama nagluto ako ng breakfast.” Sabi ko. Sya naman nakatingin lang parang nagtataka.

“bakit? Hehe oo kasama toh sa peace offerings ko.tara kumain na tayo.”

Kumain na din kame. Habang kumakain bigla syang nagsalita.

“so, marunong ka pala magluto?” Sabi nya

“haha, oo naman noh. Wala naming pwedeng magluto sa akin eh. Pero basic lang yung mga alam kong lutuin.” Tumango tango lang sya at sumubo ulit.

ah nga pala mahilig yung ate mo sa mga photographs noh.?” Napatingin sya sa akin. Hindi nya ako sinagot. Patuloy lang sya pagkain.

“Photographer ba ate mo?” tanong ko ulit. Ang tagal nyang sumagot.

“hindi” tipid nyang sagot tapos sumubo ulit sya.

“ah, pero alam mo ang gaganda ng mga pictures, parang professionals yung kumuha, bawat litrato parang punong puno ng meanings. Parang ang saya saya ng kumuha ng litrato” sabi ko. Bigla syang napatigil sa pagkain at tumingin sa akin. Yung tingin nya parang niinis. Hmnp may nasabi ba akong masama.

“alam mo ang ingay mo!! Pwede ba kumain ka nalang.”

“PMS??” biro ko. Haha inirapan nya lang ako.

Ako na ang nagligpit ng pinagkainan namen. Nauna syang naligo, tapos sumunod ako.

Ilang minute lang. paalis na din kame. Ihahatid nya lang ako sa condo ko tapos balik na din sya sa hospital.

Isang lingo na din matapos akong magkasakit. Ako nalang ang pumupunta sa Hospital tapos saka nya ako ihahatid sa Condo. Oo hindi na ako nagpapasundo sa work. Para makabawi ako tsaka hindi na rin sya masyado mahirapan. Inaasar asar ko pa din sya pero hindi katulad ng katulad ng dati. mEdyo nalang. Hehe ang kyut nya kasi asarin. Minsan sabay na din kameng nagdidinner sa MOA. Kumpara dati mas okay kame ngayon. Hehe.

Eto ako ngayon nakaupo sa may hagdanan ng Hospital entrance. Ditto ako nagaantay. Tagal nya kasi lumabas.

Malayo palang nakita ko na sya, pero kunwari hindi ko sya nakita. Nakatingin ako sa iba pero sa totoo lang nakikita ko sya sa peripheral view ko. Nakita ko na may hawak syang phone, pero yung pagkakahawak nya yung parang may pinipicturan. Lumingon ako at bigla nyang tinago yung phone nya.

“kanina ka pa?” tanong nya.. pero tinaasan ko sya ng isang kilay.. hehe

“bakit?” tanong nya.

“pinipituran mo ba ako huh?” medyo nilapit ko ang muka ko sa knya. Napaatras naman sya.

anong pinipicturan ang pinagsasabi mo jan, hindi noh. Asa ka.”  

“talaga lang huh?? Patingin nga ng cellphone mo??”

“ayoko nga, bakit ko ipapatingin sayo toh.” Tinalikuran nya ako/

“hoy saan ka pupunta huh??”

“tara na, andito ako nakapark.” sumunod nalang ako.

Clancy’s POV

Waaaaahhh.. muntik na ako dun ah..  nahalata nya pala na pinipicturan ko sya. Kainis. Pinicturan ko lang naman sya kasi  ang ganda ng pagkakaupo nya sa hagdan, yun lang wala naming ibang ibig sabihin yun eh.

Nasa loob na kame ng sasakyan.

“oy, kain muna tayo bago mo ako hatid.” Sabi nya.

‘sige.” Napapadalas na kameng ganito yung sabay mag dinner. Simula nung nagkasakit sya nag bago sya ewan ko ba dahil siguro un sa lugaw na pinakain ko. Haha pero mabuti na din toh kahit na minsan inaasar nya pa din ako pero hindi na tulad ng dati.

yan yung picture ni alex. nasa may gilid. :)

Bring out the best in youWhere stories live. Discover now