Napapikit ako ng dalawa kong mga mata. At inalala ang huling sinabi ni Zezi bago siya tuluyang nawala sa akin.

"I am happy to be your personal servant. Even in my next life, I am gadly to serve and protect you again, Princess Euphemia."

"May masakit ba sa'yo my wife? Saan? Kiss ko para mawala."  nagpa-panic na sabi ni Aldrich na hinalikan ang dalawang mata ko.

Pagdilat ko ay bumungad sa akin ang maliwag naming kuwarto. Nang tingnan ko si Aldrich ay sobra ang pag-aalala nito habang pinupunasan ang luha ko at maging ang pawis ko gamit ang towel na kinuha niya sa shower.

"Walang masakit husby, may naalala lang."  sagot ko habang inaabot ng kanan kong kamay ang kanyang nag-aalalang mukha.

"Anong walang masakit? Hindi kita nakitang umiyak."   sabi niya ng damhin ang kanang kamay ko sa mukha niya gamit ang kaliwa niyang kamay.

"Naalala ko lang si Zezi, my personal servant in the palace. Namatay siya habang pinoprotektahan ako."  sabi ko na may kaunting kirot na naramdaman sa dibdib ko. Parang may punyal na tumurok sa puso ko.

Nagitla ako nang hilahin niya ako at yakapin ng mahigpit habang tinatapik ang likod ko.

"Mas malulungkot si Zezi kung makikita ka niyang ganyan kung na saan man siya ngayon."

Nagulat ako sa katagang narinig ko kay Aldrich. Hindi ko inasahan na magsasabi siya ng ganoon para pagaanin ang loob ko.

Ngumiti ako.  "Tama ka, malulungkot nga siya."  tugon ko habang gumaganti ng yakap sa kanya.

Zezi said before that, she really like my smile that can gives warmth like the sun.

NAPANGITI ako ng lumabas si Aldrich para pagbuksan ako ng pinto ng kanyang sasakyan. Hinatid niya ako sa Misaki's Hospital kung saan ako nagtatrabaho.

"Salamat."  sabi ko matapos bumaba ng sasakyan.

"Walang anuman, masaya akong pagsilbihan ang aking magandang asawa."  nakangiting sabi ni Aldrich na nakuha pang kumindat at halikan ang kanang kamay ko.

Naramdaman ko ang mga matang nakatingin sa amin. Napailing na lamang ako dahil mukhang sinadya ni Aldrich na halikan ang kamay ko.

"Minamarkahan ko lang kung ano 'yung sa akin lang."  nakangusong sabi niya matapos ko siyang tingnan ng masama.

"Alam naman nilang may asawa na ako at ikaw iyon. Kaya hindi mo na kailangan na mag-PDA sa harap ng hospital."  paliwanag ko sa kanya dahil nakikita ko na naman ang nagseselos niyang mukha.

"Kahit na!"   napahalukipkip siya at tumingin ng masama sa likuran ko na entrance ng hospital. Kung na saan nakatayo ang mga taong nakatingin sa amin.  "Mahirap ng maagawan, ayokong magpasiguro lalo kung ikaw 'yung aagawin sa akin."  mariing sabi niya.

"Dinner date tayo mamaya!"  pag-iiba ko ng topic sabay kindat sa kanya.

Bakas sa mukha niya ang gulat at biglang lumiwanag ang mukha at ngumiti ng malapad.

"Okay, my wife. Susunduin kita mamaya."  paalam niya na tumungo na sa kanyang sasakyan. Hindi na siya nagtagal sa takot na magbago ako ng isip.

Wala ngayon ang tatlong anak namin. Isang linggo na rin silang nasa palasyo dahil gustong-gusto silang makasama ng aking amang hari at inang reyna. Masaya ako na tanggap din nila si Yohan kahit na ampon ko lang ito. Hindi naging iba ang trato nila.

"Good morning Dra. Stadtfeld."

Nilingon ko ang tumawag sa akin matapos kong sundan ng tingin ang sasakyan ni Aldrich.

Kahit na kasal na kami ni Aldrich ay Stadtfeld ang ginamit kong itatawag sa akin bilang doctor. Dahil sa ayokong maging issue ang surname niya. Lalo pa't C.E.O. si Aldrich ng kanyang kompanya na minana niya kay Johnny na kanyang ama. Sikat at kilalang business man na siya ngayon ng bansa.

"Good morning din, Nurse Rose Ann."  ganting bati ko.

Sabay na kaming naglakad papasok ng hospital. Habang sinusundan kami ng tingin.

"Ganito pala ang feeling kapag maganda ka, parang nasa taniman ka ng pinya. Ang daming matang nakatingin sa'yo."   natatawang komento ni Nurse Rose Ann habang nakatingin sa akin. Kahit hindi niya sabihin ay alam kong ako ang pino-point niya.

"Disadvantage lang ay maraming may galit sa'yo."  tugon ko habang kinukuha sa coat ko ang cellphone kong nag-vibrate.

Napatalon ang puso ko ng mabasa ang sweet message ni Aldrich.

________________________________________

My wife, love kita hindi dahil kay Mcdo.
Mahal kita na parang dagat na sobrang lalim.
Handa ka bang malunod sa pagmamahal ko?
________________________________________

Pagpasok namin sa elevator ay nakita ko ang mga doktora sa Cardiology Department na ramdam kong may galit o inis sa akin.

"Ang mga hunyango."  mahinang sabi ni Nurse Rose Ann matapos tingnan ang mga ito.

"Ang ganda na sana ng umaga ko, may masamang hangin pang dumating."

"Kailangan nating mag-spray ng pabango para mawala ang masamang hangin."

"Sinabi mo pa! Kung puwede lang na mawala ng tuluyan 'yon mas masaya pa!"

Napahawak ako sa ilong ko matapos kong malanghap ang matapang na pabangong ini-spray sa loob ng elevator na kakasara lang.

Nakita kong napakuyom ng kamay si Nurse Rose Ann na akmang magsasalita sana pero pinigilan ko ito.

"Do not level yourself on them. Whatever you heard, do not mind them."  madiing sabi ko na ikinatahimik nila.

"Bakit biglang lumamig?"

Narining kong tanong ng isang tao sa likuran ko. Pagbukas ng elevator sa 6th floor ay lumabas na kaming dalawa.

"Good morning Director Han."  bati ni Nurse Rose Ann sa taong nakasalubong namin.

"Good morning,"  tugon nito. Pagtingin sa akin ay akmang yuyuko ito para batiin ako ng senyasan ko siya at binigyan ng nakakamatay na tingin.  "Good morning Dra. Stadtfeld."   tense na bati niya sa akin.

Ilan lang ang nakakaalam na ako ang may-ari ng Misaki's Hospital. Ang tanging nakakaalam lang ay ang mga member ko sa gang noon na nagtratrabaho ngayon dito.

"Good morning din, Director Han."  I gave him a deadly glare once again. Bago ko siya  nilagpasan.

Madalas ay nakakalimutan nitong naka-low profile ako. Akala ng mga doktorang inis sa akin na inaakit ko si Director Han. Dahil isa ito sa heartthrob ng hospital na kinababaliwan ng mga doktora at nurse maging ng pasyente.

"Grabe, ang guwapo talaga ni Director Han. Bakit kaya wala pa siyang asawa o girlfriend man lang? Baka, baka ako na 'yung destiny niya. Ako siguro 'yung soulmate na hinintay niya."   kinikilig na sabi ni Nurse Rose Ann habang nakasunod sa akin.

Lihim nalang akong napangiti sa pagdi-daydream niya.

She's The GANGSTER I Love 2Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu