Chapter 39: UNVEIL

Magsimula sa umpisa
                                    

Ang hirap…

“Don’t say that, you are the only princess of Montenegro at hindi magbabago yun”

Napasimangot naman si Pam at saka bumaba sa likod ko. Ayaw na ayaw nyang tinatawag syang princess dahil mukha daw syang bata at mahina.

“If I’m the princess then Lyra will be the Queen since sinabi mo dati na sya ang pakakasalan mo…”

Lumapit ako sa kanya at ginulo ang buhok nito.

Yeah I remember the time ng sinabi ko yun at gusto kong panghawakan ang bagay na yun. Pero sa mga nangyayari ngayon, parang napakahirap ng abutin ang bagay na ito.

“Lyra and I broke up!”

“What?”

Bakas sa mukha nya ang pagkagulat, kahit naman siguro sino. Although masakit mas ok na ito kesa sa sinabi nyang syya si Bloody Maria. Kapag nangyari yun, baka tuluyan na akong masiraan ng ulo.

Hindi ko alam ang gagawin ko.

“Hindi sa ayaw kong maging kayo but then… you love each other, right?”

Napangiti na lang ako kay Pam at hinawakan ang picture ni Liam.

“Aside from love, I want to know the truth Pamela… Ayokong humarap at bumalik sa kanya na sira ang pagkatao ko.”

KYLE POV

“Lyra Salcedo. Nagaral sya Wimbledon under sa course na accountancy. Exchange student lang sya doon. Sa Ateneo De davao talaga sya nakaenroll”

Tiningnan ko ang papel na nakuha ng tauhan ko at binasa ito bago dumako ang mga mata ko sa picture nya sa unahang bahagi.

“Before that…”

Saglit syang tumigil at inilipat sa next page ang hawak nitong papel. Tahimik nya munang tiningnan ito bago nagsalita.

“She studied at Italy at anak sya ng isa sa mga business tycoon ng bansa. Lumipat lang sya dito sa Pilipinas at the middle of her Highschool year. Solong anak. Mataas din ang grades at maganda ang record nya”

Rich Kid. Brat. Kaya siguro ganun kalakas ang loob na gumawa ng gulo dahil maimpluwensya ang pamilya. Pero kung ganun kaganda ang record nya, bakit naman sya gagawa ng gulo?

Ibig sabihin nun, walang nakakaalam sa ginagawa nya o walang ideya ang magulang nya sa kung sino ba talaga sya.

Isa pa…

“Answer me this. Bakit ang isang anak ng isang tycoon ay magiging exchange student ng Wimbledon? Kung mayaman ang pamilya nya, hindi na nya kailangan ng school program. Kayang kaya nyang pumasok doon and to note na galing syang Italy…” lugar ng mga Mafia  at,

Apostle Thirteen: The Return of the QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon