Chapter 20

21K 470 140
                                    




Daniella Selene

"Wag mo kong titigan ng ganiyan daniella, kinikilig ako."

Napatigil ako sa sinabi niya? What? Umiling na lamang ako at ngumiti ng bahagya, kahit kailan talaga hindi siya nagsasawang bwisitin ako.

"Evans naman, lubayan mo muna ako. Madami pa akong ginagawa." Bahagya ko siyang itinulak. He chuckled.

"Hey, don't push me away. Even if you try to, I will not let that happen." Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan. Inangat niya ang tingin niya sa akin. Napaiwas naman ako ng tingin.

"S-Stop that evans, hindi ka nakakatawa." Binawi ko ang kamay ko kay evans. Ngunit mahinang pagtawa niya lamang ang narinig ko.

Napailing na lang ako. He is Evans Jimenez. Transferee siya, pero nakuha niya na agad ang atensiyon ng karamihan, lalo na ang kababaihan but I'm not one of those. Nagulat na lamang ako ng lumapit siya sakin at nakipagkilala.

2 weeks had passed since that happened. Wala na akong balita kina trey at steve which made me more comfortable. Pilit ko na din ibinabaon sa aking isipan ang mga nangyari noon.

The first day of being discharged from the hospital was so hard for me. Lagi akong nakatago sa loob ng kwarto ko habang umiiyak. Ayoko ng may papasok sa kwarto ko except kina kuya pati kay gyla.

I'm very thankful to my brothers and gyla, hindi nila ako iniwan sa panahong nag re-recover pa ako. They tried to replace my bad memories with new and good ones.

Ngunit pilitan ko man maging masaya ay hindi ko magawa. Mom is still unconscious, nababahala na kami dahil magi-isang buwan ng walang malay si mommy. All I do everynight at her hospital room is to cry.

Sinisisi ko ang sarili sa nangyari kay mommy. Kung hindi ako nakuha nina trey noon ay hindi ito mangyayari.

"Hey, let's go. Ihahatid na kita, malapit na magsimula ang klase niyo." Evans smiled at me. I stared at him, his smile has that effect on me. Argh! No! Ginugulo niya lang ako kaya ganito.

Tinaasan ko siya ng kilay. "How did you even know my schedule evans? Tell me, are you stalking me?" Kunot noong tanong ko sa kaniya.

He chuckled lowly.

"Daniella, bilang manliligaw mo ay dapat alam ko lahat ang nangyayari sa'yo, besides." Kinuha niya ang kamay ko at hinawakan. "Hindi ko makakayang mapapahamak ka, i-it will kill me baby."

I shivered when he said that. Binawi ko agad ang kamay ko, ugh this man. Hindi ba siya napapagod?

"Evans.... why, why are you doing this?"

Saglit siyang tumigil sa paglalakad at humarap sakin. I saw his thick eyebrows, his tantalizing eyes which i admired the most the first time I saw him. Humakbang siya papalapit sa akin.

"Daniella, I like you. Kahit na patigilin mo ako ay hindi ako titigil. I will do everything for you to be mine." He whispered.

Napatitig ako sa mga mata niya. It was hypnotizing, umiwas agad ako ng tingin. Ngunit narinig oo naman ang mahinang pagtawa niya.

"You're blushing hmm?"

Agad na nanlaki ang mga mata ko. W-Wait? I-I'm blushing? No, this can't be! Hinawakan ko agad ang pisngi ko. Nagi-init ito. Napaiwas ako ng tingin at napakagat sa labi ko. Ugh nakakainis talag siya.

"B-Bahala ka nga diyan evans!" Hinampas ko siya sa braso ngunit hindi man lang siya nasaktan. Patuloy siyang tumatawa.

Tumakbo agad ako para hindi niya ako maabutan. Ugh, i hate that man! Lagi niya na lang ginugulo ang buhay ko.

Heartthrobs' Possession  [COMPLETED]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang