Muntik na akong mapaluha, buong akala ko ay wala talagang kaibigan itong si Wayto. But here they are, the Ferells. They're willing to cover him.

I suddenly admired them.

Ah, friends. Through thick or thin. I'm so touched and happy for my babe. Sa kabila nang pagiging smuggler niya, mayabang at mas gwapo sa mga Ferell, naging kaibigan niya pa rin ang mga ito.

Patuloy pa sana akong hahanga sa mga kaibigan ni Wayto pero nang marinig ko ang sinabi ni Nero Ferell, pinagsisihan ko lahat ng pinagsasabi ko sa kanila.

"Y-You deceived me, Dwight. Buong akala ko ay pareho tayo ng prinsipyo..." Nero said with his voice full of disappointment.

Muntik na akong matumba sa kinatatayuan ko. What the fuck?!

"You told me that he's like us, Nero! We even introduced him to LG! You know how we valued woman's—" hindi itinuloy ni Tristan ang sasabihin nito na parang nahihirapan siya.

Kung kanina ay natulala na sa akin si Wayto, ngayon parang kaunti na lang ay mawawalan na ito ng malay.

"Waiting is everything..." sunod ni Aldus.

"H-How could you lie to us? I thought we're friends, Dwight. Malaki ang tiwala namin sa'yo. Just her fingertips... it's enough, kaunti na lang tayo... kami... you disappointed us." Umiiling na sabi ni Owen.

"Condom is a sin... if you truly love her—you should--" nanghihinang din ang boses ni Troy.

Kumuyom na ang mga kamao ko. Mga walang hiya! Nilalaglag nila si Wayto! I hate them! Mga wala silang kwenta, nilaglag nila kami ng babe ko.

I was about to ruin their performance, when we were abrupted by the heavy thud on the table. Buong akala ko ay mahuhulog maging ang mga tasa at plato.

Malakas na humampas sa lamesa si Don Ferell at naniningkit ang mga mata nito kay Wayto.

Putlang-putla pa rin si Wayto.

"Young man! Alam mo ba ang pwedeng mangyari sa'yo sa sandaling malaman ito ng mga Olbes? They will kill you!"

"They will, definitely." Sabat ni Nero.

Lalong kumulo ang dugo ko sa limang magpipinsan, pinanlisik ko ang mga mata ko sa kanila. But they answered me with their expression like this, "It's your fault."

"LG-" Troy was cut off.

"Silencio, Alvisio!" napaupo pabalik si Troy sa sofa.

At nasundan ito ng apat pang natitirang Ferell. Halos hindi nila masalubong ang mga mata ni Don Ferell, kapwa na ang mga ito nakatungo na parang mga tuta na napapagalitan ng kanilang inahin.

"Akala n'yo ba ay maloloko n'yo ako? Nagsisimula pa lang kayo, pabalik na ako! At naghanap pa kayong lima ng kapareho n'yo! Isa pang Arellano!" mas lalong yumuko ang mga Ferell nang humkbang papalapit sa kanila si Don Ferell.

What is really happening?

Kasalukuyan nang nagda-dial sa kanyang telepono si Don Ferell, habang sa kanyang likuran ay nagsisihan ang kanyang mga apo. I silently raised my dirty finger in front of them without being noticed by Don Ferell.

"Athena, I need you here."

"Si Ate? Bakit?" tanong ni Aldus.

Nang sulyapan siya ni Don Ferell ay nanahimik ito bigla. Matapos ang tawag ay naupo ulit si Don Ferell, nag-aalangan akong umupo sa tabi ni Wayto, hindi man lang ako nito pinansin.

"LG, we can explain-" sinubukan ulit ni Nero pero nang muling humampas sa lamesa ang matanda ay mas lalong natahimik ang magpipinsan.

Kalahating oras ang lumipas bago dumating si Athena na siyang kapatid ni Aldus.

The Prince Who Bit The Poisonous Apple (Prince Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon