Pangpito

29 4 10
                                    

            Isang malamlam na liwanag ang nagpagising sa mahimbing na pagkakatulog ni Nickilyn. Gusto pa niyang natulog kung kaya’t umikot s’ya at dumapa ng bigla syang napabangon at mapansing hindi niya iyon kwarto. Tumingin-tingin s’ya sa paligid at muli niyang naalala ang lahat ng nangyari kanina. Unti-unting nanlaki ang kanyang mga mata at napatingin sa kanyang relos ng wala sa oras. “Hala ka. Lagot ako nito kay lola.”

            Agaran s’yang tumayo at palabas na ng kwarto ng maalala niya ang kanyang cellphone. Bumalik s’ya sa kama at nagbaka-sakali na makikita ito sa bedside cabinet at hindi nga s’ya nabigo. Kinuha niya ito at tuluyan ng lumabas.

            “Gising ka na pala.” Bungad sa kanya ni Alexander ng mapansin s;ya nito sa baba ng hagdan. “Hindi. Tulog pa ko. Kitang nakatayo na ko dito eh. Tss. Slow.” Pero hindi na niya ito pinansin at tuluyan ng lumabas ng bahay. Habang nasa labas ng bahay ay nanlulumo s’yang napatingin sa kalsada. “Pano na ko makakauwi nito. DI ko alam palabas dito.” Bulong niya sa sarili ng maalala na hindi pala niya alam kung saang lugar s’ya naroroon. At kung inaakala niyang may makikitang s’yang dumadaan na jeep o ng kung ano mang sasakyan ay nagkakamali s’ya dahil nasa loob pala sila ng isang village.

            “Tss. Ihahatid na kita.” Nagulat s’ya sa nagsalita kaya bigla s’yang napalingon dito. Muntik na s’yang matumba kung di lang s’ya nasalo ni Alexander. Itinayo s’ya nito ng maayos at umalis. “Tss. Ang sabi ihahatid ako.”

            “Anong iniintay mo dyan, milagro? Sakay!” napalingon s’ya sa kotse kung saan may isang lalaking sumigaw at hindi s’ya makapaniwala sa nakikita. Si Alexander, nakaupo sa driver’s seat. “Siguro, totoo nga yung sabi nila. Ang mga engkanto, mayayaman talaga.” Hindi niya mapigilan ang mapabungisngis habang sumasakay sa kotse. Hindi naman s’ya pinansin ni Alexander bukod sa tinging nagsasabing, “Baliw ka?”

            Tahimik silang bumabiyahe. Si Alexander, abala sa pagmamaneho at s’ya abala sa paghahalungkat ng mga mensahe. Di s’ya makapaniwala sa dami ng text at missed call na natanggap niya mula kay Carlo. Tinungo niya ang una nitong mensahe at binasa.

            “Chutz, dinner tayo after ojt.” Napangiti s’ya sa kanyang nabasa at hindi niya mapigilan ang kiligin. Ang kanyang Chutz, nag-aaya ng date. Date, para sa kanya. Pero unti-unti din itong nawsala at nakaramdam s’ya ng panlulumo at inis ng maalala ang lahat ng nangyari kanina. “Kung di dahil sayong engkanto ka. Edi sana nagsasaya ako kasama ni bestfriend. Tss.”

            Binasa pa niya ang ibang mensahe. Mababasa sa mga mensahe nito ang pagtataka sa di niya pagreply at ang concern nito sa kanya. Pero napakunot-noo naman s’ya sa huli nitong mensahe. “Sino yang lalaking kasama mo? At anong ginagawa niyo!” nagtataka naman s’ya kung paano nito nalaman na may kasama s’yang lalaki pero kahit ganoon ay hindi niya mapigilan ang kiligin at mapangiti. “Baka naman nagseselos lang tong si bestplen.”

            “Bumaba ka na nga!” nagising s’ya mula sa kanyang paged-daydream ng biglang sumigaw si Alexander sa tabi niya. Tinignan lang niya ito ng masama at walang sabi-sabi na bumaba. “Tss. Tignan mo tong babaeng to. Di man lang nagpasalamat.” Iiling-iling na sabi niya habang nagmaniubra ng sasakyan.

            “Anong oras na bata ka. Bat ngayon ka lang umuwi?” di pa man s’ya nakakapasok ng bahay ay rinig na niya ng sigaw ng kanyang lola. “Overtime la.” Di makatingin ng diretsong pagdadahilan niya. “Overtime. Ayos-ayusin mo lang Nickilyn.” May pagdududang sambit nito.

            “Oo nga la! Grabe kaya yung supervisor namin. Puro na lang utos tapos s’ya wala ng ginagawa. Maya-maya pa ang utos tapos madalas di man lang niya sinasabi kung ano ang dapat gawin.” Sunod-sunod niyang saad na mukhang naiirita. Totoo naman kasi ito kung kaya’t hindi siya nahirapan na magmukhang naiirita at naiinis.

            “O’sya. Magbihis ka na at kumain ka na doon.” Pagkasabi noon ng kanyang lola ay tsaka lang s’ya nakahinga ng maluwag. Dali-dali s’yang naglakad patungo sa kanyang kwarto ng makita niya ang kanyang kapatid na nakangisi sa kanya. “Overtime pala ha.” Pangangantyaw nito. “Tumigil ka nga dyan.” Pinandilatan niya ito ng mata at aalis na sana ng biglang nagsalita muli ang kapatid niya.

            “Oo nga pala, dumating kanina si kuya Carlo.” Bigla naman s’yang napahinto ng marinig ang magic word na Carlo. “Bakit daw?” tanong niya at nagkibit-balikat lang ang kanyang kapatid habang sinasabi na, “Di ko alam. Ang sabi niya sabihin ko na lang daw sa’yo na dumaan s’ya.” Napakibit-balikat lang din s’ya at tutuloy na sa paglalakad ng magsalita ulit ito.

            “Ay tinanong pala niya kung sino yung lalaking kasama mo kanina.” Bigla naman s’yang napalingon dito. Tinignan niya ng maigi ang kanyang kapatid kung nagbibiro ito ngunit mukha naman intong seryoso kaya nanlaki ang kanyang mga mata. “Kaya ba, ganun ang huli niyang text?”

        “Hahaha! Nakakatawa naman yang itsura mo ate. Akala mo totoo yung sinabi ko no? Hahaha. Asa ka namang may lalaking sasama sayo. Hahaha.” Tuloy pa din sa pagtawa si Nessy habang nakahawak na sa tiyan. “Kahit kailan ka talaga. Akala ko totoo na eh. Tss. May araw ka rin sa’kin.” Sa isip niya at tuluyan ng nagpunta sa kwarto.

Your RainbowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon