Prologue

236 7 16
                                    

A/N: Sorry no cover yet.

        "Hoy ano ba yang ginagawa mo?" Andito nanaman tong asungot na to. Kailan ba to mawawala sa buhay ko? Sa isip-isip ni Nickilyn habang tuloy lang sa kanyang ginagawa. Nasa OJT kasi sila at may pinapagawa sa kanila ang kanilang supervisor. Habang gumagawa s'ya ay may isang lalaking kinaiinisan niya ang patuloy na nang iinis sa kanya. Hindi niya alam kung bakit pero kada makikita niya ito ay nanggagalaiti s'ya at nag-iinit talaga ang kanyang dugo.

        "Sungit." Hindi na lang niya ito pinansin at nagpatuloy na lang s'ya sa paggawa. Mayama-maya ay narinig niyang nagring ang phone niya kaya agad niya itong kinuha para basahin ang mensahe na natanggap niya. Napangiti s'ya sa pangalan na bumungad sa kanya. Si Carlo, ang bestfriend niya. May mahalaga daw s'yang sasabihin kaya agad-agaran ang kanyang reply na, ano yun?

        Hindi niya namalayan na nasa likod lang pala niya ang kasama niya at nabasa nito ang palitan ng text sa kanilang dalawa ni Carlo. "Tsk." hindi na lang niya ulit ito pinansin at nagmamadali s'yang binuksan ang reply. "Kami na." Simpleng text ni Carlo na may kasama pang smiley.

        Sa simpleng text na yun, sa sobrang kasimplehan niya, hindi alam ni Nickilyn kung anong irereply niya. Gusto man niyang magmaang-maangan at tanungin ito kung anong ibig sabihin noon ay alam niyang magmumukha lang s'yang tanga. Alam niyang slow s'ya pero tanga hindi.

        "Congrats." Simpleng reply lang din niya. At ang simpleng reply na yun ang pinakamasakit na reply na nagawa niya sa buong buhay niya.

Your RainbowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon