Tatlumpu't-isa

17 1 5
                                    


            "Ang sweat. Tama na please?" biro ng trainor nila ng makita si Cassandra at Alex na magkatabi sa upuan habang nagtutulungan tapusin ang draft na pinapagawa sa kanila. Sobrang dikit sa pagkakaupo ang dalawa na wari mo'y hindi nakaupo sa magkaibang upuan. Nakapatong ang kamay ni Alex sa kamay ni Cassandra habang hawak-hawak nito ang mouse ng computer.

            Namula si Cassandra sa sinabi ng trainor nila at hindi maiwasang mapangiti. Habang si Alex naman ay nilingon pa ang kanilang trainor at ngumiti ng napakalawak. "Mag-girlfriend ka na kasi boss. Mawawala ka na sa kalendaryo pero gang ngayon NGSB ka? Come on." biro ni Alex na siyang ikinatawa ng lahat ng tao sa department nila.

            "NGSB ka dyan. Nagkagirlfriend na ko!" nakangiting pagtatanggol ng trainor nila sa sarili. Samu't saring reaksyon ang natanggap niya mula sa mga kaopisina. May mga di makapaniwala at may mga naniniwala. "Talaga? Nakailan ka na sir?" tanong naman ng isa. "Kailangan ba bilangin ko pa? Baka abutin tayo ng bukas niyan." sagot nito.

            Iiling-iling na lang si Alex at binulungan si Cassandra. "Wag kang maniwala dyan. Kahit isa di pa nagkaroon yan." na siyang ikinahagikhik ng dalaga. Pinandilatan naman ng mata ng trainor niya si Alex at nagkunyari naman ang binata na walang nakita at tinuloy na lang nila ang paggawa.

            Maya-maya ang biruan ng dalawa at animo'y parang bagong kasal na hindi mapaghiwalay. Maging sa tanghalian ay magkatabi sila at sinusubuan pa ni Alex si Cassandra. Nahihiya man ang dalaga at tumatanggi ay wala siyang magawa dahil mapilit si Alex.

            "Buti na lang wala na si Nickylyn kundi..." hindi naituloy ang sasabihin ng kasamahan nila nang makita nito na nakatingin sa kanya ang lahat at nandidilat ang mata maliban sa dalawang magkasintahan.

            "Speaking of Nickylyn, inimbitahan ko nga pala siya sa end of ojt party niyo dahil isa din naman siya sa mga kasabayan niyong ojt. Yun nga lang ay nauna siyang natapos dahil mas onti lang ang oras na inirequire ng eskwelahan nila." natahimik ang lahat sa sinabi ng kanilang trainor. Lumipas man ang maraming araw at lingo ay hindi pa din natatapos ang isyu tungkol kay Alex at Nickylyn. Kahit pa sabihin na si Alex at Cassandra na at may boyfriend ng iba si Nickylyn.

            "Talaga boss? Kelan naman ang party na yan at bakit ngayon ko lang nalaman. Ikaw ha. May balak ka palang isurprise kami." biro ni Alex na siyang ikinatingin sa kanya ng lahat, maging si Cassandra na natahimik din dahil sa sinabi ng trainor nila. Oo, sila na nga ni Alex pero alam niyang pag bumalik si Nickylyn ay talo siya. Talo siya sa laban kahit na wala pang ginagawa si Nickylyn.

            Ningitian lang niya si Alex at hinawakan sa kamay. Ginantihan naman siya ng ngiti ni Alex at hinalikan sa noo, na para bang sinasabing "Okay lang ang lahat Sand. Wag kang mag-alala." Nagsipulan ang mga lalaki at nag-ayie naman ang mga babae sa ginawa ng dalawa. Nagngitian muna sila bago ulit bumalik sa pagkain.

            "Pupunta ka ba ate?" tanong sa kanya ni Nessy ng sabihin niya ang text ng dati niyang trainor sa kanya. Napabuntong-hiniga lang siya bilang sagot. "Bawasan mo yang kakabuntong-hininga mo at baka mag-iba na ang amoy ng kwarto natin."

            Napatitig lang siya kay Nessy dahil sa sinabi nito. Hindi niya maiwasang isipin si Alex at maalala nanaman ang ganoong eksena sa kanilang dalawa noon sa opisina. Inaamin niya, lagi pa ding niyang naiisip si Alex at ang mga ginagawa nitong pang-iinis sa kanya noon. Pero ngayon kada maalala niya yun ay natatawa na lang siya sa sarili dahil di niya malaman kung bakit ang dali niyang mapikon dito eh simpleng pang-aasar bata lang naman ang mga ginagawa nito.

            "Iniisip mo siya no?" nakatitig na tanong sa kanya ng kapatid. "Sino?" tanong niya. Umiling ang kanyang kapatid na para bang sinasabi na, "Wag mo kong lokohin ate. Alam kong alam mo kung sino ang tinutukoy ko." Kaya't napayuko na lang siya at humiga sa kama.

            "Oo Ness."pag-amin niya. "Napakasama ata kasi ng ginawa ko sa kanya. Hindi ko maiwasang maguilty at makaramdam ng pagkainis sa sarili. Tapos, okay na eh. Kami na ni Carlo at hindi ko na siya makikita, si Alex. Pero mali pala ako dahil magkikita nanaman pala kami."

            "Ni minsan ba hindi mo naisip na sana magkita kayo ulit, magkausap at magkalinawan? Alam mo na, closure kumbaga."

            Napaisip si Nickylyn sa tanong ng kapatid niya at hindi alam ang isasagot niya. Hindi niya alam kung dapat ba siyang umamin o magsinungaling. "Kalimutan mo na lang." saad ng kapatid niya bago pa man siya makapagsalita.

            "Minsan." marahang sagot niya. "Pero maigi na ding wag na kami siguro magkita." tinitigan siya ng maigi ng kapatid niya na para bang nababasa nito ang isipan niya.

            "Okay sabi mo eh. Pero magkikita pa rin kayo sa ayaw at sa gusto mo. Di ka naman duwag para di pumunta sa end-party niyo diba?" binalik na nito ang tuon at pansin nya sa librong hawak-hawak at binabasa niya bago pa man pumasok ang ate niya sa kwarto nila. Hindi na niya inantay pa ang sagot ng ate sapagkat kilalang-kilala niya ito.

Your RainbowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon