Dalawapu't-walo

23 3 4
                                    


            Ilang araw na ang nakalipas mula ng magbalik si Alex sa opisinang pinagpapasukan niya bilang OJT. Sinadya niya talagang bumalik sa mismong araw ng pag-alis ni Nickylyn. Gusto man lang niya makita ito bago talaga sila maghiwalay.

            Sa nakalipas na isang buwan ng kanyang pag-iwas at paglisan pansamantala, hindi pa din nawala ang nararamdaman niya para dito. Kaya kahit masakit ay pinipilit niyang ipagtanong o kumuha ng mga impormasyon mula dito ng hindi niya nalalaman. Oo, alam niyang ang stalker, creepy o ano pa mang nakakatakot na tawag para sa taong nagtatanong-tanong ng impormasyon tungkol saýo, lalo na kung lalaki pa siya.

            Alam niyang ilang araw lang makalipas ng pag-amin niya sa mga kaibigan nila at kaopisina, ay sinagot na agad ni Nickylyn ang bestfriend nito na matagal na niyang gusto. Di niya alam kung matutuwa ba siya para dito, dahil sa wakas ay nakuha na rin nito ang lalaking matagal na niyang gusto at sa pagtulong pa niya mismo o maiinis at malulungkot dahil nakuha na nga ni Nickylyn ang lalaking gusto niya at sa pamamagitan pa ng pagtulong niya.

            May mga bagay talaga na minsan hindi mo malaman kung matutuwa ka ba na nangyari dahil sa pagtulong mo o maiinis dahil tinulungan mo nga siyang makuha ang gusto niya sa pagtulong mo.

            Gusto niyang matuwa para sa dalawa pero hindi niya mapigilan isipin na sana di na lang siya tumulong. Baka kasi, kung hindi siya tumulong at sinabi lang niya dati pa kay Nickylyn ang lahat, baka, baka lang naman nagkaroon na sila ng pagkakataon maging sila.

            Tahimik ang atmospera ng opisina kahit na nagbalik na si Alex. Wala na ang maingay at magulo na Alex. Ang bagong dating o balik na Alex ay isang tahimik at seryosong tao na. Oo, minsan nagbibiro at nakikipagbiruan siya pero mas madalas na tahimik lang ito at ginagawa lang ang mga naiwan niyang proyekto pati na din ang mga bagong kabibigay lang sa kanya.

            Hindi mapigilan ng mga katrabaho niya na tignan siya at magtaka sa laki ng pinagbago niya. Maging si Cassandra na dati ay gustong-gusto siya, ay hindi din mapigilan ang mapatitig at mapailing sa direksyon niya.

            Maging sa  tanghalian at kahit magkakasama sila ay parang wala rin si Alex sa tabi nila. Tahimik lang itong kumakain at ng matapos na ay nagpaalam na ito at sinabing madami pa siyang kailangan gawin. Nagtinginan lang ang mga kasamahan niya at sabay-sabay na lang na napailing. Ang Alex na makulit at napakaingay ay nawala na ng tuluyan.

            "Anak, bat ang tamlay mo nitong mga nakaraang araw?"tanong sa kanya ng kanyang mama pagkauwi niya mula sa trabaho.

            "Po? Hindi naman ako matamlay ah?"sagot niya habang pumupunta sa tabi ng ina at hinalikan ito sa noo bilang paggalang. Napabuntong-hininga ang kanyang ina at tinapik ang upuan sa tabi niya bilang senyales ng pagpapaupo kay Alex.

            "Anak, kilala kita at anak kita. Sabihin mo, ano bang nangyayari saýo?"tinitigan siya ng taimitim ng ina kaya pinilit ni Alex ang sarili na tumawa  ng nakakaloko at ngumisi pagkatapos.

            "Akala ko ba ma, gusto mo na kong maging seryoso?"nakangising saad niya. "Oo nga pero," sagot ng ina niya pero pinutol niya. "Heto na nga oh, seryoso na ko tas ngayon parang ayaw mo na. Tanda pa yan ng pagtanda mo ma?"hinampas lang siya ng kanyang ina at pareho silang natawa sa sinabi ni Alex. Pero kahit na nakikitawa ang kanyang mama, ay alam nitong may problema ang anak kaya iginiya niya ito sa kanya at niyakap habang hinihimas ang likod na parang sinasabi na, "Okay lang yan anak, andito lang si mama."

            Hindi napigilan ni Alex ang maluha kaya nagpaalam na siya sa kanyang ina at nagsabing magpapahinga na muna siya dahil napagod siya sa kanyang trabaho. Tumango lang ang kanyang ina at sinabing sasabihan na lang siya kapag kakain na.

            Tahimik na nilandas ni Alex ang daan papunta sa kanyang kwarto at ng makapasok na siya roon ay hindi na siya nag-atubili pang buksan ang ilaw bagkus ay dumiretso higa na lang siya sa kama at inilabas ang kanyang cellphone.

            Kinalikot niya iyun hanggang sa makarating sa isa sa mga hidden folders niya at binuksan ito. Mga kuha at litrato ni Nickylyn at siya. Minsan ay kinukuhaan pala sila ng katrabaho nila kaya ng sinabi nito sa kanya iyun ay agad niyang kinuha ang mga litrato kapalit ng panglilibre sa kaibigan.

            May picture na tahimik lang at seryoso sa paggawa ng mga drafts si Nickylyn, mayron ding nagtatawanan sila habang sabay-sabay na kumakain. Yung picture habang kumakanta si Alex, nung nasa karaoke hub sila, habang si Nickylyn naman ay nakangiti lang habang nagtetext. May mga litrato din sila habang nagbabangayan, si Alex na nakangisi habang si Nickylyn na pikon na pikon.

            Di niya mapigilan ang mapangiti sa mga litrato. "At least kahit papano may mga memories ako mula saýo." Tinignan niya ito muli at pinatay na ang cellphone pagkatapos habang sinasabi sa sarili na, "Okay. Babalik na ulit ang dating masayahin at gwapong-gwapo na si Alexander the Great."

Your RainbowWhere stories live. Discover now