Tatlumpu't - apat

3 0 0
                                    


Napapansin ni Carlo na parang balisa si Nickylyn kung kaya't naisip n'yang dalawin ito sa kanila at dalhan ng munting surpresa. 'Siguradong ngingiti na s'ya ulit.' ngingiti-ngiting sambit sa sarili.

Pumunta muna s'ya sa kabisera para bilhin ang mga kailangan niya. Hindi naman ito ang unang beses na gagawin n'ya ito kay Nickylyn. Sa loob ng sampung taon na pagiging matalik na kaibigan ay madalas din naman n'ya itong surpresahin. At kada gagawin n'ya iyon ay agad na napapangiti si Nickylyn kaya sigurado s'yang hindi ito papalya.

Nang mabili na niya ang lahat ng kailangan niya ay dumiretso na siya sa bahay ng dalaga ng may ngiti sa labi.

"Ate may bisita ka!" sigaw ni Nessy mula sa sala. Napakunot-noo naman siya dahil hindi sinabi nito kung sino. Nagkibit-balikat na lang s'ya at lumabas ng kwarto kahit nakapadyama pa s'ya sa oras ng tanghali.

"Naku neng, baka gusto mo magpalit." komento ng lola n'ya ng makita s'ya nito palabas ng kwarto. "Bakit 'la? Sino ba yung naghahanap sa'kin?" tanong niya ngunit bilang sagot ng matanda ay magbihis nga s'ya. Wala na siyang nagawa kundi ang sumunod dito. 'Bat parang kakaiba mga tao ngayon? Yaan na nga.'

Makalipas ang limang minuto ay nakapambahay na siya at tuluyan ng pumunta sa sala ng makita si Carlo na nakaupo sa sala kasama ang kapatid at mga tito niya. 'Si Carlo pala. Eh sanay naman na yun makitang nakapadyama lang ako.' yun man ang nasa isip ay ngumiti s'ya at nilapitan ang mga ito.

"Carl! Bat andito ka?" tanong niya ng paupuin siya sa tabi nito. Nagkibit-balikat naman ito bilang sagot. "Bakit nga? Namiss mo ko no?" tatawa-tawang biro niya ng hindi siya sagutin nito ngunit napalitan ng ubo ng walang mintis na oo ang sagot ng binata.

"Okay ka lang Nicks?" may pag-aalalang tanong ng binata ng halos mamula na si Nickylyn sa kakaubo.

"Okay lang yan kuya. Kinilig lang yan kaya ganyan." Bale-walang sabi ni Nessy habang nakatutok pa din sa tv ang mata.

"Hoy Carlo! Hindi porque kayo na ni Nicky ay pwede mo na siyang hawakan ng ganyan sa likod dito sa pamamahay namin." sambit ng tito ni Nickylyn ng makita itong hawak ng binata ang dalaga sa likod. Papunta itong kusina para magkape dahil kagigising lang kaya hindi niya alam na nandoon pala ang binata.

Para namang napaso ang kamay nito kung kaya't agaran niyang tinanggal habang si Nickylyn naman ay halos wala ng ipupula pa sa mga sinabi ng tito at kapatid niya.

"Hayaan niyo na ang mga bata. Parang hindi naman kayo dumaan dyan." pagtatanggol ng lola niya at agad namang nagsisalungat ang mga tito niya.

"Hindi pwede yun nay! Babae si Nicky!"

"Wala namang kaso sakin pero wag namang parang walang ibang tao."

"Nay, bata pa ang Nicky natin!" sabay-sabay na sabi ng tatlong tito nito na ikinailing na lang ng lola niya. Habang ang magkasintahan ay tahimik lang na nakaupo at nakikinig sa kanila.

"Kumain ka na ba?" tanong ni Nickylyn sa binata at ng umiling ito ay agad sanang kukuha ng makakain sa kusina ngunit pinigilan siya nito.

"Tara. Kain tayo sa labas." simpleng aya nito. Kinakabahan siya dahil baka ayaw lumabas ng dalaga. 'Bakit nga ba ngayon ko lang iyon naisip? Maaring marami s'yang gagawin o kaya naman tinatamad siya o kaya naman...' naputol ang pag-iisip niya ng ngumiti ito at sinabing mag-aayos lang.

Kahit wala na ang dalaga sa harap niya at nakatulala pa din siya at di mawala sa isip ang ngiti nito.

Samantalang, habang naglalakad si Nickylyn papuntang kwarto niya ay hindi niya mapigilan ang mapangiti. 'Si Carlo inaya ako ng date!'

Mabilis siyang kumilos at wala pang tatlumpong minuto ay tapos na siya at handa ng sumabak sa gyera, ang date nila.

"Ang ganda mo." wala sa sariling banggit ni Carlo ng makitang nakangiti si Nickylyn na papunta sa kinauupuan niya. Namula ang dalaga sa sinabi ng binata at hindi maapuhap kung ano ba ang dapat sabihin.

'Dapat ba sabihin kong siya din? Ay mali ibig sabihin nun maganda din siya. Dapat bang sabihin kong ang gwapo niya? Kaso nakakahiya. Hala. Di ko alam ang gagawin ko.'

Bago pa man makaisip ng sasabihin si Nickylyn ay agad na siyang iginiya ni Carlo palabas at agad na hinawakan ang kamay niya pagkalabas ng pinto. Hindi na nakapagpaalam si Nickylyn dahil sa gulat ngunit mas nagulat siya ng makitang walang pumigil kahit ang mga tito niya.

Ngumiti siya at humarap kay Carlo. "San tayo pupunta?" parang batang binigyan mo ng kendi ang ningning ng mga mata niya kaya imbis na makasagot agad ay napahigpit ang hawak ni Carlo sa kamay niya. "Carlo?"

"Ah. Eh wala. Malalaman mo din." sagot ng binata na ikinanguso ng dalaga.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 25, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Your RainbowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon