"Ahh... Sorry," Ngumiti lamang ito sa akin. Nakatulog pala ako.

Nang bumaba na ako ay sumalubong sa aking mukha ang napakalamig na hangin.

Sa pagkakaalam ko 'di ganito ka lamig ang temperatura sa lugar na ito. Kung tutuusin ay sobrang init ng klima dito kumpara sa States. Mukhang sinadya niya talagang guluhin ang isipan ko para makabalik dito. Kung sinuman ang nilalang na ito ay kailangan ko siyang makita.

Agad na akong lumabas sa airport at sakto namang may humintong taxi sa harapan ko. Sumakay na agad ako.

"Manong Lurca 14 St. Division."

Hindi na ako nag atubling tingnan ang driver. Muli kong minasahe ang aking sentido at napahinto nalamang ako sa aking ginagawa nang may marinig ako.

"Kim..."

Hindi ko ito pinansin.

Buti nalang mabilis magpatakbo si manong at nakarating narin. Agad na akong nagbayad at binitbit ang aking maleta. Nang lumisan na ang taxi ay saka ko lang tiningnan ang mansion namin kung saan kami nakatira noon. 'Yung nag aaral pa ako.

Many things changed. Pero parang wala namang pinagbago ang hitsura nang mansyon.

Sandali akong napatigil nang mapadako ang aking mga mata sa may bintana. Napakunot ang aking noo. Bakit may babaeng bata dito sa loob?

Sa pagkakaalam ko wala nang nakatira dito. Nasa Spain si lola Carla kasama ni tita Aireen, si Eric nagtayo ng sarili niyang bahay malayo sa Division na ito kaya imposibleng may nakatira pa dito.

Mabilis kong hinatak ang aking maleta at binuksan ang malaking gate. Buti nalang may spare key ako sa lahat ng pintuang meron dito.

Nang tingnan ko muli ang bintana ay naroon parin ang babaeng bata. Nasa pitong gulang pa yata ito.

Seryoso itong nakatitig nang diretso sa aking mga mata na tila hinihigop nito ang aking kaluluwa.

I don't believe in ghost. At alam kong walang multo ang mansyong ito!

Pero bakit ko nga ba mas inuna ang pagpunta dito kesa ibalita kay Eric na bumalik na ako?

Dahil nararamdaman kong nandito ang nilalang na siyang dahilan kaya ako binabagabag ng aking isipan.

Binuksan ko narin ang entrance door at sumalubong sa akin ang napakadilim na hallway. Diretso na akong pumunta sa lokasyon kung saan ang switch ng mga ilaw.

At sa pag 'on' ko nito ay lumiwanag ang buong parte ng mansyon. Tiningnan ko ang bintana kung saan naroon ang bata kanina pero wala naman akong nakitang pigura.

Huminga ako ng malalim. All of it were just my hallucination. Pagod lang ito sa trabaho.

Tumungo na lamang ako sa may balkon at umupo sa couch doon.

Curse Resurrection (Complete)Where stories live. Discover now