Kabanata [2]

0 0 0
                                    

PAGKARATING KO sa may tulay pumuwesto ako sa may rehas at doon umupo habang ibinitin ang mga paa sa may gilid ng tulay kung saan ang ilog saka kinuha ang libro at nagsimulang mag-basa

Inilipat ko sa sunod na pahina ang aklat na binabasa para mabasa ang sumunod na magaganap ng biglang may nagsalita sa kung saan ''Hey!'' nabigla ako sa tinig kaya napatalun ako ng kaunti sa kina-uupuan ko dahilan para mabitawan ko ang libro at mahulog sa tubig

''Huh!'' napasinghap ako ng makita ang libro kung unti-unting kina-kain ng tubig. Hind! hindi pwede! Bulong ko sa isipan at tumayo sa pagkaka-upo para kunin sana ang libro ng makadinig ako ng isa'ng wisik na tinig

yung estranghero tumalun pala sa tubig. Hindi naman kasi iyun ganun ka lalim. Hanggang hita lang ng lalaki ang tubig. Nakita kung dumungo ito kung saan nahulog ang libro ko at isinulo'ng doon ang kamay at ng mag-angat ito nakita kung hawak na nito ang libro ko

Napasinghap ako ulit at agad na kinuha iyun sa kamay niya para makita ang kalagayan ng libro ko. Hay. Basa'ng-basa na talaga ito. Napunit nadin ang iba'ng pahina. Luma na kasi ito kaya madali nalang mapunit. Yung iba nga'ng pahina dinikitan ko nalang ng tape para mabuo ulit.

Napa-bunto'ng hininga naman ako habang nakatitig sa libro ko ''I'm sorry about your book. Hindi ko ginusto'ng biglain ka dahilan para mahulug mo ang libro. Gusto ko lang bumati'' sabi ng isang baritono'ng tinig sa may likuran ko

Oo nga pala. Yung estranghero. Bumaling naman ako sa gawi niya ng maalala siya. Napasinghap na naman ako uli ng makita ko ang itsura niya. Basa na ang sapatos nito at ang pantalun hanggang hita ''Huh! nabasa ka'' yun agad ang lumabas sa bibig ko saka dali-dali kung kinuha ang panyo ko para punasan ang basa sa damit niya at sa mukha ''Sorry'' mahina kung sabi habang pinupunasan siya

Nadinig ko namang tumawa ito saka hinawakan ang may pulsuhan ko sa kamay na nagpupunas sa kanya dahilan para maka-ramdam ako ng iba'ng pakiramdan na dumaloy sa buo kung sistema

''Haha yea but its ok. I'm fine. Mas ako nga ang dapat humingi ng pasensya sa iyo dahil nahulog ang libro mo'' sagot naman nito sa akin dahilan para mai-angat ko ang mukha sa kanya at doon ko sa malapitan nakita ang mukha niya. Maputi ito. Matangos ang ilong. Makapal ang mga kilay. Mapula ang manipis nito'ng mga labi. At ang mata niya. Kulay asul ito. Gusto ko ang kulay ng mga mata niya

Ngumiti ito sa akin na na nagpa-bilis bigla ng tibok ng puso ko sa di ko malamang kadahilanan. Napasing-hap ako uli ng maalala ang ginagawa ko. Hindi ko dapat siya hinahawakan kaya agad kung ibinawi ang kamay ko sa hawak niya ng maibigay ko na ang panyo saka ulit tinuun ng pansin ang nabasa'ng libro

Sinubukan ko ulit ito'ng inilipat ang mga pahina ngunit napunit lang ito. Hay. Wala na talaga. Kahit ilang beses ko na ito'ng nabasa gusto ko padin ito'ng ulit-ulitin. Maganda kasi ang kwento. Napaka-romantiko

''I'm sorry ulit'' hingi niyang paumanhin ulit sa akin na di ko namalayang naka-lapit na pala siya sa tabi ko. Ngumiti naman ako ng kaunti sa gawi niya ''Di ayos lang yun'' tugon ko sa kanya habang nakatitig padin sa harapang parte ng aklat kung saan mababasa mo ang pamagat nito

''Midnight sun?'' patanung niya'ng sabi. Mukhang nabasa niya ang unahang parte nito. Tumango naman ako sabay sagot ''Hmm by Nicholas Sparks''

''May mga libro pala siya?'' tanung niya uli sa akin dahilan para mapabaling ako sa gawi niya ''Kilala mo siya?'' nagtataka kung tanung sa kanya. ''Yea pero not as a writer. Yung kapatid ko kasi mahilig manuod ng mga romantic movies at ang alam ko lang ay ang halos paburito niya'ng mga pelikula ay gawa ni Nicholas Sparks so i conclude that he is a director'' kwento niya dahilan para matawa ako

''Ahh haha. Hmm balita ko nga ngunit ang totoo niya'n writer si Nicholas Sparks kaya lang dahil bestselling na ang mga nobela niya ginawan na ang halos gawa niya ng mga pelikula'' sagod ko naman sa kanya

Natawa naman siya sa sinagot ko ''Ahh haha now i know'' yun lang ang tugon niya sa akin bago agad pumayani ang katahimikan sa amin. Ngunit hindi naman nagtagal iyun dahil nagsalita siya muli

''So you are a fan?'' tanung niya ulit na tinanguan ko naman ''Hmm. Parang ganun na nga…'' tugon ko lang habang nakatitig na ngayon sa ilog na patuloy lang sa pag-agos sa ibaba ng tulay

''Panung 'parang'?'' tanung niya ulit. ''Eh Gusto ko yung mga nobela niya. Kaya lang hindi ako naka-basa. Ito'ng Midnight sun lang ang nabasa ko sa mga nobela niya at nagustuhan ko naman kaya mukhang naging idulo ko nadin siya'' sagot ko sa kanya

''Ngunit nabasa ko pa ang kaisa-isa'ng libro'ng galing sa paburito mong author'' mahina niya'ng sabi dahilan para bumaling ako sa gawi niya na ngayon ay naka-dungo na na para ba'ng naghihinayang siya

''Anu ka ba. Ayos lang yun at tyaka luma narin to mukha'ng kailangan ko ng palingat. Ngunit aabutin pa nga lang ako ng mga ilang taon bago ko mapalitan ito pero ayos lang talaga'' sabi ko sa kanya para maibsan ang kunsensya niya at mukhang gumana naman dahil ibinaling niya sa akin ang mukha niya

Tumitig muna siya sa akin dahilan para mapatitig din ang mga mata ko sa kulay asul niyang mga mata. Maganda talaga ang mga mata niya. Gusto kung titigan lang ito buong araw. Unti-unti namang gumuhit ang isa'ng tunay na ngiti sa mga labi nito. Hindi ko namalayang nahuhulog na pala ako sa lalim nga mga mata niya dahilan para pati ang puso ko tumibok ng napaka-lakas. Naging-agresibo ang pag-tibog nun sa di ko malamang kadahilanan.

* * *

Don't forget to Vote/Comment/Share

P E A R L

The Glum Cloud |✔Where stories live. Discover now