Kabanata [1]

1 0 0
                                    

''PUT*NGINA NAMAN Marry oh sabi ng hindi ko nga ginawa yun!'' dinig kung sigaw ni Papa kay mama ''Eh panung nangyari't  naubos agad ang pera! hah?! tignan mo nga ang sarili mo! ang lasing mo tapos sasabihin mo'ng hindi mo ginawa. Saan ka ba kumuha ng pera dyan sa pag-iinum at pagsusugal mo Kaloy! hah?!'' pabulyaw ding sagot ni Inay kay papa.

Dahan-dahan naman akung bumaba ng hagdan saka dumeretso sa may pinto palabas ng kabahayan. Ipinasok ko ang mga kamay sa bulsa ng jacket ng maramdaman ko ang pamilyar na lamig ng gabi

''Eh t*ngina ka naman pala eh!'' nadinig kung bulyaw ulit sa loob ng bahay ngunit di ko nalang iyun pinansin at naglakad nalang papasok sa kagubatan

Tinahak ko ang pamilyar na daan. Ang tanging nagbibigay lang ng ilaw sa dinadaanan ko ay ang maliwanag na buwan at ang tanging nadidinig ko lang ay ang mga inggay ng mga palaka at iba pang hayop sa gabi

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa isa'ng pamilyar na lugar kung saan ako palagi'ng tumatambay

Gaya ng nakasanayan walang tao dito. Lalo na gabi gaya ngayon. Naglakad pa ako hanggang sa maka-tungtung ako sa lumang tulay na gawa sa matitibay na kahoy

Dumeretso ako ng lakad hanggang sa mapunta ako sa gitna ng tulay saka lumapit sa may rehas ng tulay kung saan matatanaw mo ang maganda at mapayapang agos ng kulay asul na tubig

Umangat naman ang mukha ko sa kalangitan at makikita mo doon ang sandamak-mak na iba't-ibang laki ng mga bitwin na kumikinang sa maitim na kalangitan at ang napaka-bilog na buwan

Ito ang pinaka-magandang tanawin na nakita ko simula ng makita ko ang lumang tulay nato noon. Kaya nga palagi na akung pumupunta dito. Kahit dis-oras na ng gabi ay wala akung paki-alam basta ba ito ang makikita ko pagkarating ko dito

Hindi ko namalayang naipikit ko na pala ang mga mata at naka-angat ang mukha habang ninanam-nam ang lamig ngunit mapayapang simoy ng hangin sa gabi

''Beautiful'' Napasing-hap ako ng may nadinig na nagsalita sa may kanan ko kaya agad ko namang naibuka ang mga mata at bumaling sa gawi niya. Una kung nakita ang suot ng estranghero. Itim na pantalun. Sapatos. Simpleng kulay asul na t-shirt at isang itim na jacket na may hood. At ang estranghero ay isang lalaki

Hindi ko kilala ang binata. Sa tagal ko ng nakatira dito sa probinsya ng bakulod ngayon ko lang nakita ang mukha niya. Napatitig pa ako sa kanya na nakatitig din sa akin ngunit noong akmang lalapitan niya ako agad akung tumalikod sa kanya at nagsimulang mag-lakad paalis

''Teka miss! sandali lang!'' Nadinig ko pa siya'ng tinawag ako ngunit di nako huminto o lumingon sa gawi niya at dumeretso lang sa paglalakad pabalik ulit sa bahay namin.

.

.

.

HINATAK KO PATAAS ang tali sa may balon ng maramdaman bumikat na ang timba doon. Ng mai-angat ito kinuha ko ang maliit na timba saka ibinuhos sa may balde na nasa paanan ng balon. Ng mapuno ito binitawan ko ang maliit na timba para dumungo sa ibaba at binitbit ang balde doon

Naglakad ako papuntang bahay habang dala ang isa'ng katam-tamang laki ng balde na may lamang tubig. Ng makarating sa bahay tumuloy ako sa may likod at doon ibinuhos ang tubig sa malaking galon saka ibina-ba ang balde para magpatuloy sa pag-lalaba ng mga damit

Ng matapos kinuha ko ang isang basket na puno ng mga basang damit saka lumipat malapit sa may mga tali para ma-simula'ng isampay ang mga ito

Sa kala-gitnaan ng pagsampay ko napabaling ako sa gawi ng kakahuyan kung saan ang dereksyon patungong lumang tulay. Naalala ko tuloy ang nangyari kagabi

Sino kaya yong estranghero. Taga dito ba yun at bago'ng lipat lang. Ano kaya ang pangalan nun. O baka naman kasali siya sa mga mayayaman dito. Ang alam ko kasi mga mayayaman daw ang  nakatira sa kabilang parte noong tulay. Kaya wala'ng pumupunta doon para hindi magtagpo ang mga katulad namin sa mga mayayaman.

Tyaka nagsalita ang estranghero kagabi. Sabi nito 'Beautiful' Ingles yun. Ibig sabihin maganda. Mayayaman lang naman ang gumagamit ng ingles dito eh. Anu kaya ang ibig ipahiwatig ng beautiful niya. Baka ang tanawin dahil kaagaw-pansin naman talaga ang gandang taglay ng tanawin sa may tulay lalo na pag-sapit ng kadiliman

''Mika!'' Dinig kung tawag ni Inay sa akin dahilan para mabalik ako sa realidad ''Po!'' sigaw ko ding tugon kay Inay na andun sa loob ng bahay ''Abay! Pakibilisan na diyan Mika para makapag-luto kana ng panang-halian!'' sagot naman ni Inay ''Opo!'' yun lang ang tugod ko saka ulit nagpatuloy sa pag-sampay

Hay. Anu-anu nalang ang ini-isip ko ayun tuloy nahuli na sa mga gawain bahay. Bakit ba kasi di mawala sa isip ko ang mukha ng estranghero'ng yun. Hay.

* * *

Don't forget to Vote/Comment/Share

P E A R L

The Glum Cloud |✔Where stories live. Discover now