25

20.9K 366 14
                                    


ALASNE


— 5 MONTHS LATER —



LIMANG buwan na ang nakakalipas and today is Baby Theo Day. Saktong limang buwan na siya ngayong araw kaya naman nag paparty kami dito sa bahay pero puro kaibigan at family lang ang imbetado. Ang gusto ko nga sana ipag luto at bilhan nalang ng cake si baby theo kaso ang sabi ni timothy minsan lang naman daw ganyan din ang sinabi niya nung 1st hanggang 4th ni baby theo. Kaya ngayon palang nakikita ko nang spoiled na spoiled na ang anak namin.




" Hey My Grandson, You really resemble your dad when he was young " Sabi ni Mama Amanda kay Baby Theo na kagat-kagat ang hintuturo kong daliri pinag lalaruan niya ito at nandon lang ang atensyon niya.

Maya-maya pa ay nag sawa na si Theo sa daliri ko kaya inabot ko ang tissue sa table na kaharap namin at pimunasan ang bibig at daliri ko na basa ng laway niya. Tahimik lang si baby theo na akala mo matanda na at di nag kukulit.

" Similar ma similar talaga sila ng daddy niya "

" Nako! Hindi lang po mukha similar pati ang ugali ng daddy niya kuhang-kuha niya po " ani ko kay mama na kinatawa niya.

Kahit baby palang si theo kuhang-kuha niya na ang ugali ng daddy niya. Tahimik lang ito at akala mo pinag lihi sa sama ng loob gaya sa daddy niya.








ZIA



Papunta ako ngayon sa mansyon ni Timothy nang galing ako sa mansyon ng rouchless sa side ng mommy and daddy ni timothy nag baka sakali akong nandon sila Tita Amanda pero sabi ng mga katulong nasa mansyon daw ito ni timo at nag punta sa party ng grandson nila.

Nasa Main Gate na ako at ng makilala ako ng Guard ay agad ako pinapasok.

Mahaba ang daanan kaya buti may kotse akong dala. Mayamaya pa ay nakita ko ang malaking garden nila kung saan na gaganap ang party. Nag park ako at bumaba na.

Sinulyapan ko ang buong paligid mukhang walang nakapansin sa pag dating ko well edi kukunin ko ang atensyon nila. Hinanap ng mata ko si timo ngunit wala ito kundi sila kert lang na busy sa pag iinoman. Nag lakad ako ng masipat ng mata ko si Tita Amanda na naka upo at may kausap na babae na may hawak na baby. Napangisi ako ng napag tantong si Alasne ito.





" Hi Tita " bati ko kay tita amanda dahilan para mapalingon siya at manlaki ang mata.


ALASNE



Busy kami sa pag-kwentuhan ni mama ng may biglang mag salita. Tumingala ako upang makita kung sino ito and then nawala lahat ng ngiti ko kanina.

" Zia! What are you doing here? " tanong ni mama amanda dito.

" Binibisita kayo? " Ngiting sagot nito at dumako ang tingin saakin at kay baby theo


" So ito naba yung anak ni timothy? Aww ang cute kamukhang-kamukha niya " ani nito at walang ano-anong kinuha si Baby Theo sakin at kinarga niya.

" Zia! " Saway ni mama sakaniya.

" Why Tita? Wala naman akong ginagawa masama " nakangising sabi nito at pinag masdan si baby theo.

The Possessive - Timothy Rouchless (COMPLETED) Where stories live. Discover now