7

39.7K 657 29
                                    

ALASNE

" May gagawin kaba ngayon? " wika ni timothy sakin habang inaayos ang suot niyang Necktie papasok na kasi siya sa trabaho ngayon.

" Wala naman dito lang naman ako lagi sa bahay diba? " ani ko at tumingin sa tv na patay naman.

" Gusto mo bang sumama sakin sa opisina? " tanong niya na kinalaki ng mata ko.

Si timothy gusto ako isama? Himala.

" Wag na mamaya ano pang kamalasan ang dalhin ko sa kompanya mo " ani ko ng pataray.

" Hahaha. Go upstairs and change your clothes sasama kita " ani niya.

Totoo ba tinatawanan ako ng isang timothy? First time ko siyang nakita at narinig na tumawa since tumira ako dito.

Napahawak ako sa dibdib ko ng bumilis ang tibok ng puso ko.

" What? May problema ba? " tanong niya ng nakatingin sakin.

" Wala " ani ko at tumayo na ng mabilis sabay tatakbo sana ako ng hawakan niya ang kamay ko upang pigilan.

" Do not run remember you're pregnant right? " ani niya ng nakangiti. Tumango ng wala sa sarili at nag lakad papuntang elevator papuntang kwarto ko upang mag bihis.

Ang bilis ng tibok ng puso ko hindi ko to maintindihan bakit ba ganto ang nararamdaman ko? Hays. Ewan ko.

" Ano bang nakain mo at gusto mo ako isama? " tanong ko kay timo habang nag dridrive siya.

" Naisip ko na boring nga sa bahay always nalang sila manang fe ang kasama mo kaya naisip ko naman isama ka then later after ng work ko bibili tayo ng gamit ni baby. For Our baby haha. " ano daw? Our? May mali talaga dito kay timo eh.

Napatingala ako sa taas ng building ng kompanya ni timothy nasa labas palang kami. Malapit sa entrance pinag titinginan na kami ng nga epleyado niyang papasok sa loob.

" Good morning sir " ani ng security guard na nag babantay sa entrance.

" Good morning din ho ma'am " ngumiti naman ako ng batiin nito.

Naiilang ako sa mga tumitingin samin kaya naman yumuko ako pero saglitan lang yun dahil hinawakan ni timothy ang kamay ko kaya napa angat ako ng tingin sakanya.

" Don't mind them alright? " ani niya ng nakangiti saakin tsaka hinila ako papasok ng elevator ng nakahawak padin sa aking kamay.

Holding hands ganun ayun ang tamang tawag doon.

Binitawan lang ni Timothy ang mga kamay ko ng makarating kami sa opisina niya.

Nakaupo lamang ako sa couch ng opisina niya at nanonood ng tv habang siya nasa lamesa niya at may binabasang folder. Napatingin naman ako sa pintuan ng marinig kong bumukas ang pintuan nito.

Isang magandang babae ang pumasok may magandang hinaharap ito mahaba ang buhok nito na hanggang bewang niya lamang. Ang kulay ng kaniyang buhok ay blonde kung tatawagin at may pag ka kulot ito sa dulo. Tumingin ito saakin sabay tinaasan ako ng kilay tsaka maarting lumapit kay timothy. Problema ng babae nato?

" Hi sir good morning ito na po yung files ng mga bagong laruan na deniliver sa New York kahapon " maarting ani nito na kinataas ko ng kilay si timo naman ay nakatingin padin a folder niya.

" Iwan muna lang diyan. Gutom kana ba? " ani ni timo. Aba! Ano bang meron sila ng babae nato at tinatanong niya pa?

" Yes sir actually gusto ko sang kumain kasam-" naputol ang sinasabi nung babaeng blonde ang buhok ng mag salita muli si timo.

" I'm asking you alasne are you hungry? " this time nakatingin nadin siya saakin.

" Ah. O..o " sagot ko.

" Okay. Dalhan mo kami ng makakain dito. Anong gusto mo kainin? " ani ni timo.

Sumagot naman ako kasi sakin siya nakatingin.

" Cravings ako sa fries at Burger ngayon bg jollibee ayun gusto ko "

" Alright. I-order mo kami sa jollibee " ani ni Timothy.

" O.. O-kay s-ir " sabi nung babae. Akala ko siya ang tinatanong ni timo kung gutom naba siya ayun pala hindi.

Bago lumabas ang babae tinignan ako nito at tinarayan. Buset kumukulo ang dugo ko sakaniya ah.

The Possessive - Timothy Rouchless (COMPLETED) Where stories live. Discover now