3.2

45.1K 743 10
                                    

Gabi na ng makauwi na sakaniyang bahay ang binata (timothy) sinalubong siya ng kaniyang taohan tsaka inabot nya dito ang susi ng kaniyang kotse upang ito ang mag parada ng kaniyang sasakyan sa garahe.
Sinalubong naman siya ni manang fe tiyaka ng isa pang katulong sa bahay niya si Lea na nasa likod lang ni manang fe.

" Hijo ginabi ka ata "  si manang fe, kinuha nito ang dala niyang paper bag at ang bag nito at inabot kay lea upang ipasok sa loob.

" Yeah, ahmm pag tapos kasi nung trabaho ko nag punta ako kila justine manang then after that tumawag sakin si Mang Bert yung nag babantay ng farm may costumer daw na gustong bumili ng madaming strawberry galing mismo sa farm ko "

" Ah ganon ba hijo sige kumain kana ba? Teka, ano ba yung nasa paper bag na dala mo? " tanong ni manang fe sakaniya.

" Ahmm, yeah dumaan ako sa isang restaurant kanina doon na ako kumain. That's for alasne yung laman ng paper bag yung favorite niyang lasagna. " ani niya dito na kinatango naman ni manang fe.

Naunan nang pumasok si manang fe sa loob sumunod naman siya. Nasa pintuan palang siya kitang kita niya na ang dalaga na nakatalikod sakaniya nakaupo ito sa sofa habang naka bukas ang tv pero tila hindi ito nanonood kasi nakatingin ito sa baba. Dahan dahan siyang lumapit dito napahinto siya ng marinig niyang nag salita ito.

" Gutom kana ba? Ahmm, kakain lang natin baby ah? Hahah " hawak-hawak ng dalaga ang tiyan nito. Akala niya una siya ang tinatanong ng dalaga kung gutom na siya ayun pala ang nasa tiyan nito. Napangiti naman siya at hindi gumawa ng kung ano mang ingay upang di marinig ng dalaga.

" Yung daddy mo, medyo gagabihin siguro yun no? Alam mo naman yung daddy mo madaming inaasikaso, pag lumabas kana kaya gaya kadin ng daddy mo? Hays! Sorry baby ah, sorry kung pag labas mo hindi agad kompleto ang pamilya mo hindi naman kasi pwede si mommy at si daddy eh sorry kung kagaya ka ng ibang bata na may broken family hays! Ayaw naman ni mommy mangyari sayo yun kaso..  " napabuntong hininga ang dalaga at di na muli nag salita. Hinihintay niya ang mga sasabihin muli nito ngunit hindi na nag salita ang dalaga at pinatay na ang tv at dahan-dahan tumayo.

" Oh! Andiyan kana pala " ani ng dalaga sakaniya ng makita siya nito.

" It's already 8PM alas, you better go to sleep " ani niya.

" Kaya nga, aakyat na ko " sabi ng dalaga tiyaka ito umalis na sa harapan niya ng pigilan niya ito sa pamamagitan ng pag hawak sa kamay nito.

Napatingin naman si alasne sakaniya. May mga pag tataka sa mga mata nito. Kinakabahan siya, ngayon lang siya kinabahan ng ganto hindi niya alam kung ano ginagawa niya. Nag wawala ang puso niya.

Napatingin siya sa labi ng dalaga. Naalala niya ang kanilang nakaraan. Gusto niya muli matikman ang labi ng dalaga, napalunok siya at nag salita.

" Ahmm, i brought you something na kay manang fe puntahan Muna lang" ani niya at tinalikudan na ang dalaga.

The Possessive - Timothy Rouchless (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon