18

24.1K 392 17
                                    

The Possessive : 18

ALASNE

" Talaga bang aalis kana? Okay kalang ba mag isa don sa titirahan mo? Mamaya-" napatigil ako sa pag sasalita ng pahintuin ako ni tiffany na abala sa pag iimpake ng mga gamit niya ngayon.

" Ang O.A mo naman alas. Diyan lang ako halos malapit sa st niyo oh " ani niya at umiling pa ito.

Ilang araw nadin ang nakakalipas at ngayon nga ay aalis na si tiffany dito sa bahay may nahanap na kasi siya na titirahan and may pasok nadin siya kinabukasan kaya ngayon ay nag lilipat na siya malapit lang naman samin bagong niyang bahay pero di ko padin maiwasan ang pag aalala. Siguro dala lang ng pag bubuntis ko kaya ako ganto.

Napatingin ako sa pintuan ng kwarto ng may kumatok dito. Si timothy at kert. Nilapitan ako ni timo at inakbayan si kert naman ay umupo sa kama malapit kay tiffany na busy sa pag aayos ng damit niya sa maleta niya.

Hindi ko alam kung ano naba meron kay kert at tiffany. Lagi na nandito si kert hindi ko ba alam sa dalawa nato na akala mo mas matagal pa mag kakilala kaysa saming dalawa ni tiffany.

" Are you hungry? " napatingin ako kay timothy ng mag salita ito. Agad naman akong tumango bilang sagot dito.

Hinawakan niya ang kamay ko at marahang hinila upang lumabas ng silid. Naiwan nalang si Tiffany at kert sa loob ayos lang yon. Close naman ata na sila.



Nandito kami ngayon ni timothy sa kitchen nakaupo ako habang pinag mamasdan si timothy sa pag luluto ng ng tinolang manok.

" Timo? " tawag ko sakaniya.

" Hmm " sagot niya pero sa niluluto niya padin ito nakatingin.

" Sa tingin mo kay kert at Tiffany anong meron sakanila? "

" Hmm. Hindi ko din alam " simpleng sagot niya at binitawan ang hawak niyang sandok at tinakpan ang niluluto at nag hugas ng kamay.

" Diba kaibigan mo si kert? Di ba siya nag kwekwento sayo? " tanong ko habang nakatingin sakaniya.

Nag punas siya ng kaniyang kamay at lumapit saakin at niyakap ako mula sa likod.

" Hayaan na natin sila. Kung anong meron sila sila lang nakakaalam non. Matanda na silang dalawa kung may problema naman mag sasabi din ang dalawa na yun kaya wag muna silang intindihin " sabi niya at hinalikan ako sa pisngi sabay bumalik sa niluluto niya.

Napahinga nalamang ako ng malalim at tumayo upang kumuha ng cheese sa ref.
Pinabili koto kay timothy kanina hinahanap kasi ng panlasa ko.

Naupo ako sa dining table at pinapak ang cheese na hawak-hawak ko habang tinatap ang cellphone ko.

Maya-maya pa ay lumapit na si timothy saakin at nilapag ang isang bowl na may lamang tinola nilapag nadin niya ang dalawang plato na may lamang kanin. Isang sandok lang yung akin sakaniya dalawa. Hindi daw kasi ako pwede sa madaming kanin nakakalaki daw ng bata.


Nilapag ko muna ang cheese na hawak ko at tinikman ang luto niya.

" How is it? " tanong niya.

" Ang sarap mo talaga mag luto " sabi ko ng nakangiti sakaniya.

" I love you " sabi niya.

Sasagot na sana ako ng tinawag si timothy isa sa katulong dito sa bahay.

" Sir timothy may nag hahanap po sayo si Zia daw po nasa sala na po siya. Ang kulit po e kaya pinapasok ko na tsaka sir girlfriend mo daw po siya " sabi nito kay timo na kinatingin ko.

" What? Zia? Shit. " sabi ni timo at lumabas ng kitchen sinundan ko naman siya. 


At tama nga ang sabi ni yaya nasa sala na ito at nakaupo isa sa mga couch nang makita niya si Timothy ay agad itong tumayo.

" Timothy honey. " ani nito at niyakap si timo.

Tinignan ko si timothy na wala man lang ginawa. Kumunot ang noo ko sa sunod na ginawa nito hinalikan niya si timo sa labi sa harapan ko mismo. Umiinit ang ulo ko parang gusto ko manapak ngayon padabog akong umakyat sa taas at di pinakinggan ang tawag ni timothy.


Dumaretsyo ako sa kwarto kung nasan sila tiffany at nilock ang pintuan nito. Sumandal ako sa pintuan na kina kunot noo nila kert habang nakatingin sakin.

" Oh! Anong nangyare? " Tanong ni tiffany at doon na nga pumatak na ang luha ko at daretsyo-daretsyo na akong umiyak.


Ang sakit naman kasi non sakin. Girlfriend? Niyakap? Hinalikan?


" Anong nangyari? " nag aalalang tanong ni tiffany habang yakap ako. 

Narinig kong may kumatok sa pintuan at tinawag ang pangalan ko. Si Timothy. Bubuksan na sana ni kert ang pinto ng pigilan ko siya.

" Subukan mong buksan yan at papatayin kita " banta ko.

" Ano ba ang nangyayari? Ayos naman kayo kanina ah " si kert.

" Baby, let me explain " si timo na patuloy padin sa pag katok sa pintuan.

" Wag mo akong kausapin please lang. Wala ako sa wisyo ngayon at baka mapatay kita Timothy Rouchless kaya please lang umalis kana diyan at babain mo yung Girlfriend mo sa baba " sabi ko. Naka kunot-noo naman sila kert habang nakatingin saakin

" Please baby. Hindi ko siya girlfriend kaya please hayaan mo ko mag paliwanag " sabi nito.


Hindi ko na ito sinagot at naupo sa kama.


Hinayaan ko lang siya kumatok at mag wala ng mag wala. Maya-maya ay tumigil na ang pag katok mula sa labas akala ko napagod na siya kaya tumigil pero ayun ang akala ko. Biglang bumukas ang pinto at niluwa noon ay si timo na may hawak na susi sa kaniyang kamay.

The Possessive - Timothy Rouchless (COMPLETED) Where stories live. Discover now