9

38K 614 13
                                    

Inisip ni alasne kung ano ba ang ginagawa ni Timothy at nung secretary ni timo ngayon. Sa kakaisip ay nakatulog na siya.

Kinabukasan maagang nagising si Alasne 6AM palang ay gising na siya bumaba siya sa baba dahil nagugutom na siya ng nakita niyang nakatayo si timothy sa pintuan at may pinipirmahan ito tsaka inabot sa lalaki. Napatingin naman siya sa sala at napatango naman ng makita niya ang mga gamit na pang baby na binili nila kahapon.

' Ang aga naman ata nagising ng lalake na to '  sa isip ni alasne. Napairap nalang siya sa hangin at mag sisimula na sanang pumasok sa kusina ng mag salita si Timothy. 

" Good Morning Sunshine " Bati nito sakanya ng nakangiti pa. Sinong sunshine?

" Hindi ako si sunshine " pag susungit niya sabay tinalikudan ito at nag tungo sa ref ng kusina tsaka kumuha ng kanina niya pang gusto kainin ang mansanas na green.

Wala siya sa mood ngayon di niya alam kung sa pag bubuntis niya ba o sadyang nag seselos lang talaga siya don sa sinabi ni Timothy na may nagugustuhan na ito tsaka,  sinong sunshine naman yun? Gusto niya alamin kung sino bang sunshine yun pero ayaw nya talaga kausapin si Timothy dahil badtrip siya dito.

Nag babalat siya ng mansanas ng pumasok si Timothy sa kusina. Tinarayan niya lang ito at nag focus sa kaniyang pag babalat na akala mo malaking prutas dahil tinatagal niya talaga ang pag babalat dito. Ayaw niya kausapin si Timothy. Ayaw na ayaw.

Napailing na ngiting-ngiti si timothy ng nag lakad si alasne papuntang kusina. Mukhang wala ito sa mood mula kahapon pa. Hindi ba nito alam na siya ang tinutukoy ni Timothy na sunshine?

Naabutan niyang nag babalat ng Green apple si alasne sa kusina. Tumingin lang ito sakaniya saglit at inirapan at bumalik ang tingin nito sa binabalatan niya.

Galit ba to sakaniya?  Gusto niya itanong ito sa babae pero di niya magawa.

" Let's eat. Nag handa na si manang fe for our breakfast " ani niya dito. Pero di padin siya nito pinapansin. 

" Alas " ani niya. Ngunit wala padin hindi padin siya nito pinapansin.

" Hey. Kahapon kapa ganyan ah. May problema ba? May nagawa ba ako? "

Nilapag nito ang kutsilyo na hawak at tumingin sakaniya.

" Tanongin mo yung secretary mo at yung sunshine mo baka alam nila " ani nito at sabay lumabas ng kusina.

Napa nga-nga naman si Timothy sa sinabi nito at di katagalan ay napangiti. Gusto niya isipin na nag seselos ito pero baka hindi naman pero sana nga ganon nga.

Pasalamat naman si alasne dahil walang timothy na ang gumulo sakaniya pumunta ito sa farm niya sa baguio. Gusto siya nito isama pero umayaw siya dahil ayaw niya itong kausap at kasama ngayon pero saglit palang nawawala si timothy ay hinahap niya na ito. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya pag andyan si timo badtrip siya dito pag wala naman ay hinahanap hanap niya.

" Manang fe, ano po ba ibig sabihin pag nakikita mo yung isang tao tas badtrip na badtrip ka sakaniya tapos pag wala hinahanap mo naman? " tanong niya kay manang fe. Tinanong niya na ito dahil di na niya mapigilan ang sarili malaman ang sagot bakit ganon.

" Baka hija ang taong tinutukoy mo na kinakainisan mo pag nasa tabi mo at pag wala naman ay hinahanap mo ay pinag lilihian mo. Si Timothy ba ang tinutukoy mo? " ani ni manang fe na busy sa pag luluto.

" Ah. Hindi po sige po salamat sa sala po muna ako " ani niya.

" Sige sabi mo eh " ani naman ni manang fe.

Baka nga pinag lilihian niya si timothy natural lang naman yun. Ayos lang naman sakanya kung si Timothy ang kamukha ng baby niya gwapo naman ito eh. Tsaka baka kaya sobrang badtrip siya kay Timothy ay may halong pag seselos din siya sa mga babae nito? ' Mga babae? '. Di niya na itatago sa sarili niya na nagugustuhan niya na ang binata.

Napahawak siya sakaniyang tyan at napabuntong hininga.

" Sana totoo yung mga nasa tv o kaya sa libro anak no? Para naman hindi mo maramdaman na mag isa ka ayoko naman na lumaki kang broken pero wala naman magagawa si mommy baby eh kung meron lang eh hays " ani ni habang hinihimas himas ang tiyan.

" Oh hijo! Kailan ba manganganak ang asawa mo? " tanong ni mang bert kay timothy na nakaupo sa kubo dito sakaniyang farm. Umupo nadin si mang bert sa tapat nito at nilapag ang meryenda na hinanda niya para dito.

" Mang Bert, alasne is not my wife haha " si timo.

" Doon din ang punta niyo hijo kaya hayaan muna " ani naman ni mang bert.

" How i wish that haha "

" Gusto mo naman siya diba? " tanong nito kay timo.

" Oo gusto ko si alasne higit pa sa gusto "

" Edi mahal muna nga siya hijo " ani nito.

" Yeah. Pero I Don't know kung saan ako mag uumpisa paano ako aamin sakaniya kinain ko ang sarili kong rules ang sarili kong sinabi " ani niya.

" Hijo ganyan talaga pag nag mamahal handa ka labagin lahat ng sinasabi mong rules nayan para lang sa taong mahal mo. Bilisan muna mamaya may aaligid aligid dyan maganda pa naman si alasne " ani ng matanda.

" My Sunshine. No akin lang siya hindi pwede basta akin lang siya " ani niya. 

" Nagiging possessive kana ata hijo haha"

" Basta pag dating sakaniya mang bert " ani niya dito.

The Possessive - Timothy Rouchless (COMPLETED) Where stories live. Discover now