Your Love

144 5 10
                                    

Your Love

//...// -> flashback

------------

Sabihin na nating tanga ako, ang tanga tanga ko at sinaktan ko siya. Naunahan ako ng pride eh. Akala ko eh. Malapit na eh, nawala pa. Nasakanya na ang lahat, talents, brains, beauty, mabait at maunawain pa! Siya si Amethyst Jane San Jose. Ang nagiisang SUN, ng buhay ko. Oo, araw, na nagpapaliwanag sa madilim kong buhay. Sino ba naman ako para sabihan siya nun? Ako si James Dale Del Rosario, ang kaunaunahang nagpatibok kay AJ at pinaiyak si AJ.

"Ituloy mo lang ang pagkanta mo ah, sana makagawa kang sarili mong kanta tapos ikakanta mo siya sa araw ng buhay mo. Sa harap ng maraming tao!" Ang huling wish na sinabi ng nanay ko saakin bago siya mamatay.

Nagyon, nagsisimula na akong bayaran ang mga katangahan kong ginawa noon. Nagsusulat ng kantang, dedicated kay SUN.

You're the one that never lets me sleep

To my mind, down to my soul you touch my lips

You're the one that I can't wait to see

With you here by my side I'm in ecstasy...

//New Day, New School. Oo, new student ako sa Golden High(GH).

"Everyone, we have a new student." Sinabi ng Ms. Cruz bago siya tumingin sakin. "Hello, I'm James Dale Del Rosario or just JD from Silver High. Lets be friends." Sabi ko.

Napatingin naman sakin ang mga kaklase ko at nagsimulang magbulung-bulungan.

"Ang gwapo naman niya..." Di naman sa nagyayabang, nasa lahi namin ito. Most ng mga babae ay nagbulung-bulungan, hindi ko nalang ito papansinin. Bigla kong napansin ang isang tahimik na babae, hindi siya nakikipag bulungan. Derecho lamang itong nakatingin saakin, maya maya ay napansin na niyang nakatingin ako sa kanya, at bigla itong tumingin sa baba. Mahiyain ata siya. Medyo nagkainteres ako sa babaeng yun.

"Mr. Hernandez, please seat beside Ms. Aragon." Tinuro ni Ms.Cruz ang babae sa likod ng tahimik na babae. Di ko alam kung bakit ko sinabi ito...

"Pwede po bang yung sa katabi ng harap nalang niya?" Tumango naman si Ms. cruz at umupo na ako.

***

Next morning, ay maaga akong nagising which is really unusual. Feeling ko gusto kong makita at makilala ang babaeng seatmate ko. Di ko nga naitanong kung ano ang pangalan niya.

Mabilis akong nakadating sa school, sa di malamang dahilan ay nagtitipon ang mga tao malapit sa playground. Di naman ako tsismoso pero katawan ko ang nagdala sakin papunta sa playground. Nang makita ko, ang bigla akong sumaya, kumakanta pala ang tahimik kong seatmate. Agad din itong natapos at nagsialisan na ang mga tao. Nilagay niya na sa case ang gitara niya. Ako na lang ang natitira dito. Di ko alam kung bakit ko siya pinapanood. Paalis na siya ng malaglag ang 7 librong hawak niya plus ang gitara. Agad ko naman siyang nilapitan na ikinasaya ko.

Kinuha ko ang mga libro niya. "Kaklase namankita diba, sabay na tayo paakyat, dalhin ko na din itong gamit mo." Alangan namang ibigay ko pa to sakanya eh and dami na nga niyang dala.

"Salamat James." Natuwa pa ako ng malaman kong alam niya ang pangalan ko. Malamang, nagpakilala ako sa klase diba?

"JD nalang. Ikaw anong pangalan mo?"

"Amethyst Jane San Jose, AJ for short." Wow, AJ plus JD = AJD. Napatawa ako sa naisip ko nun sa aking isip. Sabay na kaming umakyat.//

I am all alone without you

My days are dark without a glimpse of you

But now that you came into my life

I feel complete

Your Love (One-shot)Where stories live. Discover now