Chapter 29

403 18 0
                                    

Chapter 29

Nang makabalik kami sa loob ng rest house nila Jia ay nakita namin sila Denver na nag-iinuman sa may salas. I rolled my eyes at the sight of them. Lumapit ako sa kanila at kinuha ang baso ng alak na hawak hawak ni Clove at ibinalik sa mesa.

"That's enough, baby." I warned him. "Halika na, magpahinga na tayo."

"I'm not drunk." He said.

I made a face. Kinurot ko ang tagiliran niya dahilan para mapa-aray siya. "Alam ko. Pero tama na, anong oras na kaya."

Hindi ko na siya hinayaan pang makasagot at hinila siya patayo. Napatingin ako kila Denver at napabuntong-hininga. Maayos pa silang nakaupo pero alam kong may mga tama na sila. Sa tinagal-tagal ba naman namin sa labas, malay ba namin kung ilang bote na ang naubos nila.

Nilingon ko sila Kelly. "Kayo nang bahala sa kanila. Mauuna na kami sa taas."

"Sige. Goodnight." The three of them smiled at me.

Nang talikuran ko sila ay hinawakan ko si Clove sa kamay at hinila paakyat sa hagdan. Tahimik lang siyang sumunod sa akin at hinayaan akong hilahin siya paakyat sa kwarto namin.

"I'll just take a shower." Bulong ni Clove nang makapasok kaming dalawa sa kwarto. Tinanguan ko lang siya at binitawan ang kamay niya.

I went straight to bed. Naupo ako dun at isinandal ang likuran ko sa headboard ng kama. Ilang minuto ang lumipas bago lumabas si Clove sa banyo na nakabihis na. Tumabi siya sa akin sa kama at isinandal ang ulo niya sa balikat ko.

"Hindi ka pa ba inaantok?" Tanong niya habang isinisiksik ang sarili niya sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at pinagsiklop ang mga daliri namin.

Mahina akong natawa. "Hindi pa. Ikaw ba?" Tinignan ko siya. "Bakit ba kayo uminom nila Denver? I thought you want to rest earlier?"

"Hmm. They needed that." Sagot niya. "Sinamahan ko lang sila at nung pumasok kayo sa loob, I just started drinking. I swear."

"Why did they drink then?" I asked him. "Hindi naman nila ugaling maglasing kaya bakit lasing ang tatlong 'yon?"

Clove sighed. Umalis siya sa pagkakasandal sa balikat ko at inipit ang mga takas na buhok sa likod ng tenga ko. "Well, we heard the four of you."

Kumunot ang noo ko. "Did you eavesdrop again, Velasquez?" I glared at him.

"It was an accident!" Itinaas niya ang dalawang kamay na parang sumusuko. "Aayain lang sana namin kayong magmovie-marathon nalang pero narinig namin kayong seryosong nag-uusap kaya nagtagal kami sa labas."

"Did they hear everything?" I asked him.

Tumango siya. "From Jia to Calli? We heard all of them. Hindi niyo kami napansin dahil seryoso kayong nag-uusap nung mga oras na 'yon. We left after that and that's why they drink. Hindi man halata, pero nasasaktan parin ang tatlong 'yon hanggang ngayon. And maybe, after hearing what the girls just said, the pain came back again. More painful this time."

"Do you think they're going to be alright?" Nag-aalalang tanong ko. I'm worried about the girls but I don't know why I'm more worried about the boys.

It might seem impossible, pero alam kong mas malakas sila Jia kila Denver. Not physically, but mentally and emotionally. They are the type who will easily breakdown and that's what I fear the most. Matagal na nilang kinikimkim ang lahat ng sakit na nararamdaman nila sa sarili nila. The three of them tried to hide it among themselves and I don't know how they are coping right now after hearing everything from the girls. I know that they are not handling it well.

Deal with the Bad BoyWhere stories live. Discover now