Chapter 18

343 23 3
                                    

Chapter 18

It's been almost two weeks since the accident happened. The doctor finally allowed me to be discharged a week ago and eversince then, I practically lived at the hospital. Madalas ay hindi ako umuuwi sa bahay at kung uuwi man ako ay sasaglit lang para kumuha ng gamit at magpahinga.

Nakalabas na sa ICU si Clove. Thankfully he was transferred to a VIP room and he's been improving since then. He still hasn't regained conciousness but I was still thankful. Para sa akin ay sapat na na malaman ko na unti-unti nang nagiging maayos ang lagay niya at wala na siya sa kapahamakan. It's already enough for me. I will wait until he wakes up. Sisiguraduhin kong nasa tabi niya ako kapag nagising na siya. I have to be by his side when that happens.

"Where are you going?"

Napatigil ako sa paghakbang nang marinig ang boses ni Riley sa likuran ko. Nilingon ko siya at nakita siyang nakasandal sa pader malapit sa kusina habang nakataas ang kilay na nakatingin sa akin.

"I'm going to the hospital." Sagot ko sa kanya.

"With an empty stomach?"

"I will eat there---"

"No." Sinamaan niya ako ng tingin dahilan para maitikom ko ang bibig ko. "Follow me."

"But---"

Riley cuts me off. "I can't hear anything else, Nara. Sumunod ka sa akin kung ayaw mong mawala ako sa mood."

Nang maglakad siya paalis ay hindi makapaniwalang sinundan ko siya ng tingin. I scoffed. Did she just threaten me? Damn. I know Riley. Alam kong kapag nawala siya sa mood ay hindi ako makakalabas ng bahay na 'to.

Napairap ako. Kahit na labag sa loob ko ay wala parin akong nagawa kung hindi ang sundan siya papunta sa dining room.

Nang makalabas ako sa ospital ay dito na ako sa bahay tumira ulit. Si Riley ang kumuha ng mga damit at importanteng gamit ko sa academy kaya hindi na ako nahirapan pa. Since mom and dad are rarely here, kaming dalawa ang palaging magkasama. Siya ang sumasama sa akin madalas kapag pumupunta ako sa ospital dahil ayaw niyang umaalis ako ng mag-isa.

"I told you I will eat in the hospital instead." Nakasimangot na saad ko nang makapasok sa kusina. Hindi ako pinansin ni Riley, sa halip ay umupo lang siya dun at nagsimula nang kumain. Ni hindi manlang niya ako dinapuan ng tingin na siyang kinainis ko.

I mentally rolled my eyes. Believe it or not, we became close. Hindi ko alam kung paano nangyari 'yon at posible palang mangyari 'yon but it did. We fixed our issues and she came clean. She admitted that she was jealous of me when we were kids. But she wasn't like that when we grew up. Hindi niya lang daw alam kung paano ako pakikisamahan pagkatapos nun since we both started wrong.

"Did you cook these?" I asked Riley while getting food.

Umirap siya. "You think I cooked that? Baka masunog ang bahay natin kapag sinubukan kong magluto." Sarkastiko niyang saad.

Mahina akong natawa at umiwas ng tingin sa kanya. Oh, right. I forgot. Riley is a helpless cook. She's a hopeless case, actually. She can really burn down a house if she tries to cook. Ganun siya kalala at walang future sa kusina. Ngayon palang ay naaawa na ako sa taong pakakasalan niya. She is a handful.

"Will you take the bus again?" Riley asked. Napatigil ako sa pagkain dahil sa naging tanong niya at napakagat lang sa pang-ibabang labi ko.

"H-how did you know that?" Nauutal na tanong ko sa kanya. "Pinasundan mo na naman ba ako?"

"You think I don't know?" Napabuntong-hininga siya at tumigil sa pagkain. "Why would I hire someone to tail you when I can do it myself? I'm always watching you, Nara. Kada umaalis ka, sinusundan kita kaya alam ko lahat ng ginagawa mo. Eversince you came home, you always take the bus whenever you go out. When I saw you looking at one of our cars yesterday, I saw fear in your eyes. Like some memory just popped in your head. It wasn't a good sight, lil sister. Ayokong nakakakita ng takot sa mga mata mo. It's not good."

Deal with the Bad BoyWhere stories live. Discover now