Chapter 16

401 23 0
                                    

Chapter 16

"You seem in a good mood. Did something good happen?"

Napalingon ako kay Kelly at nakita siyang nakasandal sa locker niya habang nakangiti sa akin.

I rolled my eyes. "Wag kang makichismis. Wala kang makukuha sa akin."

"You sure? Because your expression says it all." She hummed and winked at me.

Napailing nalang ako at hindi siya sinagot. Bumalik ako sa pag-aayos ng locker ko at kinuha ang mga libro na kakailanganin ko. Nang matapos ako ay nagpaalam na ako kay Kelly at naglakad paalis. I walked towards the library and went to the second floor. Humanap ako ng pwesto at inilapag ang mga libro ko sa mesa.

The exams are fast approaching. May mga klase pa kami pero halos lahat ng professor ay hindi na umaattend sa klase at hinahayaan nalang kaming magreview.

"I was looking for you. Nandito ka lang pala."

Napatigil ako sa pagsusulat nang marinig ang boses ni Clove sa gilid ko. Nilingon ko siya. Inilapag niya ang mga libro sa mesa at naupo sa tabi ko.

I looked at the books he's carrying awhile ago. "I didn't know that you actually study."

"That's harsh, baby." Humawak pa siya sa dibdib niya na parang nasaktan talaga. "I won't be on the top if I don't actually study."

Mahina akong natawa. "I'm just teasing you."

Clove shakes his head. Pumangalumbaba siya at tinitigan ako. "After the exams, let's go somewhere together."

"Where?"

"I'm still thinking of a place. I just let you know so you can get ready."

Kumunot ang noo ko. I'm sure it's just the two of us. Pero saan kami pupunta? Clove doesn't like planning ahead of time so it's confusing on my part. Is he planning something?

Napailing ako at ipinagsawalang bahala nalang ang naisip. Bumalik ako sa pag-aaral at tahimik na nagbasa. Hours have passed but Clove and I are still studying. Nagtatanong ako sa kanya tuwing may hindi ako maintindihan at hinahayaan siyang ituro sa akin yun. We've been like that for the past hours. We're like study partners that time actually.

Ala una kami nagsimulang mag-aral at nang matapos kami ay alas sais na ng gabi. I heave a deep sigh. Hindi ko manlang napansin ang mabilis na paglipas ng oras.

"Saan mo gustong kumain?" Tanong ni Clove nang makalabas kami ng library.

Napaisip ako. "Let's just go to the dining hall. I'm sure the downtown is packed with students today."

Tumango siya. Dumiretso kaming dalawa sa dining hall at tulad ng ineexpect ko, hindi gaanong karami ang tao dun. I'm sure nasa downtown ang karamihan dahil mas gugustuhin nilang tumambay doon kapag gabi na.

Naglakad ako papunta sa usual na table namin at doon hinintay si Clove. Hindi naman nagtagal ay dumating na siya dala ang pagkain namin.

"Sila Denver? I haven't seen them. Nasaan sila?" Tanong ko sa kanya. Inilibot ko ang tingin sa dining hall pero hindi ko nakita ang mga walangya.

"Downtown. Denver called me earlier. He said they're going to have some fun."

I rolled my eyes. I know what fun means in their vocabulary. Paniguradong maghahanap na naman ng gulo ang mga 'yon.

"Hindi na nagbago." Napailing ako at bumalik nalang sa pagkain.

Nang matapos kami sa pagkain ay hindi na nag-aya pa si Clove na umalis. Mukhang napansin niya na pagod na ako kaya naman dumiretso na kami sa dorm para magpahinga.

Deal with the Bad BoyWhere stories live. Discover now