Chapter 48: My jacket

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ayan ka na naman!"

"Joke lang!" Tumayo siya at lumapit sa akin. Nakakawindang! Pisilin ba naman ang mukha ko! Waaaah! Ang sakit!

"Araaaa— ouch! Ang chakiiiiit!"

Pagkatapos ay pinagtawanan pa ako ng walangya. Hinawakan ko 'yung mukha ko na pinagtripan niya. Huhu! Feeling ko namumula na ito.

"Siguro kaya nagawa ni Nathan 'yun dahil ang pangit mo?"

"Anong sinabi mo?!"

"Tapos iyakin ka."

Hindi ko alam kung alam ni Tristan ang mga nangyari sa 'min ni Nathan. Mukhang nakahalata na siya pero alam din kaya niya ang paghahalikan nila ni Andrea? 'Di ko kasi sinabi ang bagay na iyon sa kanya.

"Bawiin mo ang sinabi mo!" Tumayo ako at itinulak siya ng sobrang lakas. Hindi ko naman alam na pagkatulak ko ay may basahan pala na nakakalat sa sahig kaya nadulas siya.

"Aray! Ahh! Grabe ka!"

"See how I fell for you? Masakit." At pagkatapos nun ay tumawa na naman siya. See, nagawa pa niyang magbiro kahit nasasaktan na siya? Kinuha ko 'yung kamay niya at tinulungang makatayo.

"Ikaw kasi eh!"

"I'm just kidding."

"Alam ko, pero nakakainis pa rin," sabi ko sabay crossed arms. Pinagpagan niya 'yung pants niya kaya naman tinulungan ko siya. Hinawakan niya ang kamay ko. Pareho kaming napatingin sa mga mata ng isa't isa. Hawak pa rin niya ang kamay ko pero walang kumikibo.

"Napag-isipan mo na ba ang sinabi ko?"

Agad kong tinanggal ang aking kamay mula sa pagkakahawak niya. Ano ba naman ito? Na-conscious tuloy ako. Hindi ko na ata kayang tumingin pa sa kanya.

"Hindi ko alam."

"Kung ganun, may-pag asa," sabi niya.

"Talaga bang umaasa ka?"

"Oo. Umaasa ako. Hinihintay pa rin kita."

Nakakarinidi ang katahimikan. Matapos ng sinabi niya ay hindi ko magawang umimik. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong isagot.

Hinawakan niya ang balikat ko. Nasa likuran siya. Iniharap niya ako sa kanya at hinawakan ang aking mukha.

"Okay lang na hindi mo ako mahal sa ngayon, pero huwag mo naman sanang pigilan na mahalin kita." Nagsimulang pumatak ang luha sa mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit. Pinunasan niya iyon gamit ang kanyang kamay. "Ssshhh... Everything will be alright. I love you. Just let me prove it."

Patuloy akong umiiyak habang nakatingin sa mga mata niya. He gave me a warm smile then held my face again. 'Yung isa niyang kamay ay pumunta sa batok ko.

Marahan. Marahan niya akong hinalikan sa aking mga labi. Halik ng pagmamahal ang mararamdaman mo sa mga labi niya. At kahit sa paghalik, napaka-gentle pa rin nito. Nanatili akong nakamulat habang nakapikit naman ang mga mata niya. Ilang sandali lang ay tumigil na siya sa paghalik sa 'kin. "I will prove how much I love you..." Ginulo niya ang buhok ko.

Hinawakan niya ang kamay ko at saka ako dinala papunta sa pinto. "Sige na, matulog ka na. Kailangang mahaba ang tulog mo ha? Tsk. Pero paano ka nga ba makakatulog nyan kung hinalikan ka ni Tristan Dela Rosa?" Humalakhak na naman siya. Alam kong pinapaganda lang niya 'yung atmosphere. "Oh, sige na."

Hinawakan niya 'yung door knob pero pinigilan ko siya.

"P-pwede bang dito ako matulog?" sabi ko sa kanya.

Hindi ko alam pero... Gusto kong maramdaman kung paano siya magmahal. Kung paano mahalin ng isang Tristan Dela Rosa. Buong buhay ko ay para kong inidolo si Nathan. Ako lagi ang nagbibigay. Ako lagi ang naghahabol at sumusuyo. Gusto kong maramdaman ang mga bagay na iyon. At... maibibigay ba talaga niya ang gusto ko? Mamahalin ko rin kaya siya?

"Ta-talaga?" Nagulat siya.

"Oo," mabilis kong sagot.

Hinawakan ko ang dibdib ko at nakapa 'yung kwintas na bigay sa 'kin ni Nathan. Alam kong ikaw pa rin talaga ang laman nito pero kailangan kong subukang limutin ka.

Mukha namang natulala si Tristan kaya hindi siya makagalaw-galaw sa pwesto niya.

"Hoy! Ano ba? Tara na nga't matulog. Antok na ako!" Kinuha ko ang braso niya at hinila sa sofa.

"Oh, dyan ka sa sofa ha! Sa kama ako! Bleh!" sabay dumila ako sa kanya.

Mukha pa rin siyang wala sa sarili kaya naman hinayaan ko na lang siya. "Haay nako! Dito na nga ako matutulog pero parang walang makausap. Dyan ka na nga."

Akmang aalis na ako pero hinawakan niya ang kamay ko.

"Pwede ba kitang... yakapin?" sabi niya. Nanlaki naman ang mga mata ko sa gulat.

"Kahit sandali lang?" dugtong niya.

"Sus! Niyayakap mo nga ako pag naiyak ako—" Hinila niya ang kamay ko kaya bumagsak ako sa dibdib niya. Niyakap niya ako nang sobrang higpit.

Naiyak na naman ako. Ang iyakin ko talaga.

"Mahal na mahal kita," sabi niya habang nakayakap sa 'kin.

Iyak lang ako nang iyak. "T-Tristan, sana mahalin kita... sana," sabi ko habang patuloy na humihikbi.

"Sana nga, Mika. Kung umaasa ka. Mas umaasa ako." Paulit-ulit niyang hinahagod ang likod ko.

Sa sobrang tagal ng pag-iiyak ko sa loob ng kwarto niya, hindi ko namalayang nakatulog na pala kami sa ganung posisyon. Para lang akong batang nawawala sa gitna ng snow.

At si Tristan?

Si Tristan ang jacket na bumalot sa 'kin.

�����

Book1:Courting my Future Husband (CMFH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon