Poe-try

51 6 0
                                    

Gabi na naman,
Nakatingala ako at naksulyap sa uniberso.
Sa kalawakang taglay nito,
Hinahanap ka sa latag ng mga bituin.

Gabi na naman,
Nakatingala ako at nakasulyap sa uniberso.
Sa kabuaang taglay nito,
Hinahanap ka sa latag ng mga bituin
sinisiyasat ang pigura mo.

Gabi na naman,
Nakatingala ako at nakasulyap sa uniberso.
Sa karikitan nito
Hinahanap ka sa latag ng mga bituin
Nirarabisa kung ikaw ba ang pinaka malayo
Tinitignan kung maabot ka ba ng mga palad ko.

Gabi na naman,
Nakatingala ako at nakasulyap sa uniberso
Ginagalugad ang misteryo ng oras matapos ang takip-silim
Nilalatag ang mga palad para abutin
Titingkayad at papangarapin
Na makuha ka mula sa matayog na karagatan ng ulap at bituin.
Nakatingala ako at nakasulyap sa uniberso
At ikaw ang tanging bituin na pinapangarap ko.

AlagwaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon