Pahina

57 6 0
                                    

(Isang tula para pagbubukas ng taon late nga lang for new year.)

Lamukot na binitiwan ang nakaraang dumaang mga libro.
Sunog at gula-gulanit ang mga pahina.
Lumipas...
Umalis...
Tumalikod...
At nawala na.
Tapos na ang nakaraang k'wento na ako ang lumikha ngunit iba at iba ang nakikita kong bida.
Bago na namang akda ang uumpisahan pintahan.
Nang napakaraming salita
Na walang kasiguraduhan.
Libo-libong mga salita na hindi na naman nila siguro maiintindihan
Dadaiti ang pluma sa papel
Walang kaabog-abog na bibitawan at papakalatin ang tinta
Oras na para lumikha ng mga bagong alaala.
Mabuti?
Masama?
Hindi sigurado...
Walang kasiguraduhan.
Sa pag-ikot nang mabilis ng oras.
Kung saan,
Dumarating ito sa punto ng buhay na parang mag-uumpisa muli na magbuklat,
Bumuo,
Umayos
At muling sumubok na lumikha ng bagong pahina.
Pahina na katulad nang napaka raming mga istorya.
Na sa umpisa ako ang bida, at kapag may dumating na ekstra ako na ang magiging kontrabida.
Madali sanang lumikha ng k'wento at bumuo ng pahina.
Kung hindi sakit ang dulot ng pag-buklat at pagsara kung hindi ay saya.
Malawak ang mundo at buhay para i-k'wento sa iisang bungkos ng pahina.
Ngunit sa pamamagitan nito nalilikha ang imortalidad.
Sa pahina ang bawat
Sakit,
Saya,
Problema,
At iba pang emosyon ay nagiging problema.

AlagwaWhere stories live. Discover now