Untitled memapoetry no.1

378 22 6
                                    

Hayaan mong bumuo ako ng isang kwento; 
Iyong kwento na sigurado akong 'di mo gusto,
Iyong kwento na puro kalungkutan katulad ng pagkawala niya na tila abo, 
Kwentong binuo mula sa pighati at panibugho, 
Ang kwento ng kabiguan ng lahat ng tao.

Umpisahan natin ito sa paraang 'di mo gusto,
Katulad na lamang noong araw na iniwan mo ko,
Ngunit baligtarin natin ikaw ang hahabol at ako naman ang tatakbo.
Nang maramdaman mo ang sakit ng mga ginawa mo.

Susundan natin sa paraang siguradong kaiinisan mo; 
Katulad na lamang ng pagkainis mo
habang binababa mo ang mga tawag ko.
babaligatarin natin at ikaw naman ang papaasahin ko.

At tatapusin natin ito sa pinaka masalimuot na paraang alam mo.
Ikaw ang nag paasa sa isang tulad kong gago.
Muli ulit natin babaligtarin at ikaw naman ang magmumukhang tanga
ako naman ang magiging santo-santuhang iyong hinahabol at sinasamba.

Ngunit lahat ng ito'y parte lang ng kathang kwento.
Na aminin na natin na 'di magkakatotoo.
Dahil kailan man ay 'di naging tayo

at 'di magiging tayo.

AlagwaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon