Walang Tayo

74 12 3
                                    

Walang Tayo
ni Hikari

Walang tayo!
Oo,may ikaw at ako.
Pero,walang tayo.
Tama ka! Sawa na ako.
Oo,sawa na ako!
Sawa na akong maging aso---
Na noo'y laging sunod-sunuran sa iyo...
buntot at kasunod mo.
Matapos kapag na puna ng iba 'kung tayo nga ba?'
Ang sagot mo ay wala pong kami.
Tama ka nga naman.
Umpisa pa lamang ay wala na talagang tayo.
Nga pala nalimutan ko,
nilinaw mo na nga pa lang kaibigan mo lang ako.
Patawad ha!
Nakalimutan ko.
Iyan tuloy akala ko mayroong tayo.
Pero tama na...
hayaan mo na lang na ako ang magsabi.
Msakit kasi kung magmumula ito sa iyong mga labi.
Kaya hayaan mo na kapag may nagtanong ay isagot ko ito:
Kaibigan lamang po ang tingin sa akin ng babaeng ito.Wala pong kami,
Mayroon lamang pong ako at siya.
Ngunit kahit anong asa ko---
Kahit anong pilit ko ay hindi mabubuo ang kami---
Ang tayo.
Kasi nga walang tayo,
at tanging mayroon lang ay ikaw at ako.

AlagwaUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum