Chapter Five ♕

76 3 0
                                    

LANGO na sa alak si Ivo ngunit gusto niya pa rin uminom. Itinaas niya ang kaliwang kamay para umorder ngunit inawat siya ni KJ.

“Bro, enough. That’s enough.”

Alam ni KJ na lasing na sila pareho ngunit mas lasing sa kanya ang katabi. Kanina niya pa to inaawat pero ayaw nitong magpapigil. 

Alas-syete na ng gabi at halos hindi na makatayo si Ivo. Nagsidatingan na din ang iba pa nilang kaibigan.

“Hey guys!”

Tawag ni Natalie Gomez nang makita sila nito mula sa pintuan. Kasama niya ang kakambal na si Nathaniel. Half-Spanish ang mga ito at anak ng major shareholder ng AsCorp, ang kompanya nila Ivo. Sila din ang bestfriends nito.

Mabilis na naglakad si Natalie papunta sa kinaroroonan ni Ivo at KJ. Tahimik lang na nakasunod sa kanya ang kakambal.

Gumuhit ang ngiti sa labi ni Ivo nang masino ang babaeng tumawag sa kanila.

“Nat!” Masayang bati ni Ivo at niyakap ng mahigpit si Natalie.

“Ugh! The smell! Amoy alak ka na!” Nandidiring sabi ng babae habang tinutulak palayo sa katawan niya si Ivo.

“Get off her bro.” Tinulongan ni Nathaniel ang kakambal na tanggalin ang mga mabatung braso ni Ivo sa liig niya.

“Nate! My two bestfriends!”

Inakbay ni Ivo ang kanang braso sa liig ni Nate. Gumiwanggiwang na ang katawan ni Ivo at muntik nang ma-outbalanced ang tatlo.

Wala sa kalingkingan ni KJ ang tolerance ni Ivo sa alak kaya naman nakakatayo pa ito sa dami ng nainom nilang dalawa.

“KJ, why didn’t you stop him?”

“I’m sorry bro. I tried but look at me? I got drunk too.”

Umupo ulit si KJ sa kanyang upoan at hinayaan ang kambal na kontrolin ang pagiwang-giwang na katawan ni Ivo. Matapos ang ilang minuto ay napahiga nila si Ivo sa isang sofa sa pinakasulok ng bar.

Patuloy ang Jazz music na tinutugtog ng DJ sa bar. Ganitong klase ng tugtugin ang tinutugtog kapag early hours palang ng gabi. Nag-iiba ang genre nito kapag malapit na ang hating-gabi dahil sa iba’t-ibang klaseng VIP ang pumapasok ng bar.

Magkatabing umupo ang kambal sa katapat na two-seater sofa at si KJ naman ay sa single seater na nasa gitna kaharap ang center table.

“What happened Kej?”

Tanong ni Nat pagkatapos mag-ayos ng make-up at magsuklay. Itinaas niya ang kanyang black tube dress at hinila ang manggas nito pababa.

The Billionaire Prince ♕ (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon