Chapter Three ♕

92 6 0
                                    

GAYA ng sinabi sa kanya ni Professor Mon pumunta si Pam sa Guidance Office at kasalukayan na siyang nakaupo sa visitors chair na nasa harap mismo ni Dr. Julie Anne Zaragoza. Nakaupo siya sa kanya swivel chair.

“Ms. Gonzales what made you act that way to a new student?”

Ang tinutukoy nito ay ang pagsipa ni Pam sa upoan habang papalapit ang bagong studyante na si Ivo. Nakayukong nakaupo si Pam sa upoan at hiyang-hiya sa nangyari. Nanatili siyang walang kibo dahil ayaw niyang sabihin ang talagang rason kung bakit nagawa niya iyon.

“Ms. Gonzales?”

“Ahm… I was just…”

Kailangan niyang, at least, pagtakpan ang totoong rason kung bakit nagawa niya iyon para hindi siya magmukhang masama sa harap ng doktora.

“I was just… giving him a vacant chair but it came across rude.”

 

“Well, it is rude to show him that kind of attitude. The students are the front line of our school. Whatever you act, bad or good, it will reflect to the school. If I may point it out, each students is responsible for the school’s image.”

Seryosong sabi ni Doktora Zaragoza. Tumayo siya sa kanyang upoan at umupo sa upoan na nasa harapan ni Pam. Pinagmasdan niyang mabuti ang mukha ng huli. Nanatili itong nakayuko.

“You’re supposed to know all this because you’re one of our scholars. This could affect your scholarship.”

“Please, Doc. Julie. No. I’ll do better po.”

Parang nagising si Pam nang binanggit ni Doktora ang scholarship niya. Ito ang dahilan kung bakit siya nakapag-aral ng koleheyo. Full-grant scholarship ang nakuha niya nang mag-apply siya ng scholarship sa koleheyong pinapasukan. Kaya kapay nawala ito sa kanya ay mawawala na din ang tsansa niyang makamit ang pangarap.

“You should be. I’m not mad, I’m rather disappointed. This if your first time to be here in this office with issues like this.”

Doc. Julie folded her arms under her chest. Alam niyang makakaapekto sa scholarship ni Pam ang maari niyang gawin or sabihin kaya napaisip siya sa gagawin.

“I’m sorry Doc. I promise not to do it again.” Alam ni Pam na napaka-cliché ng sinabi niya ngunit ito lang ang naisip niya.

“What will you propose for me to do?”

“Pwede po bang maglinis nalang ako ng banyo o library o gymnasium, huwag lang po ‘to masali sa evaluation ng scholarship ko.” Pagmamakaawa niya kay Doktora.

“If I will agree to any of your proposal, what is it there for me?”

Argh! I hate this type of question. Pagrereklamo ni Pam sa isip.

“Wala po akong maibibigay sa inyo Doc but just a promise that I will never be in this office for the same matter again.”

The Billionaire Prince ♕ (On Going)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang