Chapter One ♕

382 6 0
                                    

MAAGANG naulila sa ama si Pricy Amanda Gonzalez o kilala sa pangalang Pam. Walong taong gulang siya nang mamatay ang ama sa sakit sa baga kaya maaga siyang nadilat sa mundo ng kahirapan. Bilang nakakatanda sa tatlong makakapatid ay natutunan niyang dumiskarte sa paraang alam niya upang kahit papaano ay maibsan ang kahirapan ng Ina.

Nasa unang taon na siya ng koleheyo kaya malaya na siyang nakakapili ng oras at subject na papasokan niya. Sa ngayon ay apat na subject muna ang kinuha niya para sa kursong AB English. Bukod sa gigipitin siya sa pagbabayad, eh kailangan niyang kumita ng pera hindi lang para sa kanya kundi para na din makatulong sa Ina niyang nanlalabada.

Alas-singko pa lang ng umaga ay mulat na ang dalawang mata ni Pam. Hindi dahil maaga ang pasok niya sa school kundi dahil maaga ang pasok niya sa una niyang trabaho – News Paper Carrier. Deni-deliver niya ang mga ito sa bawat nakasubscribe sa The Sun, ang pangalan ng pahayagan.

Dahil medyo madilim pa sa labas ay nagpasya siyang magsuot ng jacket at sombrero. Itinago niya ang nakataling mahabang buhok sa ilalim ng sombrero upang hindi mahalata na babae siya. Hindi naman sa tinatago niya ang kanyang kasarian kundi siya’y nag-iingat lamang. Ayaw niya kasing mabastos ng mga lalaki dahil kawawa ang mga ito sa kanya.

Isa lang naman kasi siyang black belter na lumalaban sa national competation. Hindi man kasingtulad ng totoong bakbakan ang mga laban niya ay alam niyang wala paring panalo ang babastos sa kanya.

Gamit ang second-hand na besiklita ay binaybay niya ang makipot na eskineta palabas sa main street. Pagkarating ng unang kanto ay hininto niya ang besikleta sa harap ng bukas na building. Ito lang ang nakabukas sa oras na iyon dahil nga dito sila kumukuha ng mga pahayagan para e-deliver.

“Good Morning Sir Albert.” Tawag ni Pam mula sa labas.

“Good Morning din sayo Pam. Ito sayo. 10 copies.” Sabi ng ‘di katandaang lalaki na nagngangalang Albert. Inabot nito ang nakarolyong newspaper maliban sa isa.

“Oh! Ba’t naka-plastic ‘tong isa? At di-sealed pa ha!” Ngatatakang tanong niya.

“Request ‘yan ng isang subscriber. Masilan kasi. Ito ‘yong listahan.” Inabot nito ang parihabang putting papel. “’Yan ang listahan ng pamilyang nakasubscribe sa The Sun.

Sinuri ni Pam ang mga pangalang nakasulat sa papel. Sa ibabaw nito ay may nakasulat na Rosario Heights Subdivision at sa baba ay may tatlong columns –Subscriber, House/lot/block # at Instructions.

“Billionaire Prince?!! Ang hambog naman nito! Kailangan talagang e-advertise ang kayaman niya?!” Iritadong komento niya nang makita ang pinakahuling pangalan.

“Sshhh! Baka may makarining sayo. Huwag ka ng magreklamo at e-deliver mo nalang para maka-move on ka kaagad. Hahaha” Pabirong sabi ni Sir Albert sa kanya.

“Psh!” reaksyon niya sa sinabi nito.

“Seriously, huwag mo nang pagtoonan ng pansin ‘yan. Isipin mo nalang na kahit ano pang ilagay nila diyan sa papel eh sila pa rin ang dahilan kung bakit may trabaho tayo ngayon. Lalo kana, part-time mo ‘to kaya habaan mo ang pasensya mo sa mga kapretchuhan nila.”

The Billionaire Prince ♕ (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon