Chapter Two ♕

116 5 0
                                    

NASA loob na si Pam ng Alfonso Rogellio College campus kung saan siya nag-aaral ng coleheyo ngunit hindi pa rin nawawala sa isip niya ang pinag-usapan nila kanina ni Sir Albert.

“Five thousand… Five thousand…” nagniningning ang mga mata niya habang paulit-ulit na binabanggit ang halaga na ibibigay sa kanya. Hindi na kasi niya tinuloy ang planong magpapa-assign sa ibang lugar para maiwasan ang nasabing Prince dahil lang sa pera na iyon.

“Dapat hindi niya malaman na ako ang may gagawan nang aksidente kanina.” Determinadong sabi niya sa sarili.

Nasa gayong pag-iisip si Pam nang may bumangga sa kanya mula sa likuran. Tumapon ang librong yakap-yakap sa basang lupa sa gilid ng pathway’ng nilalakaran niya. Ang lalaking nakabangga ay walang-lingong naglalakad papuntang AB building.

“HOY!” sigaw ni Pam.

Hindi huminto ang lalaki sa paglalakad.

“HOY TUKMOL!” sigaw niya ulit.

Huminto ang lalaki at binaba ang backpack na nakasukbit sa kanang balikat ngunit nanatili itong nakabitin sa kamay niya. Lumingon ang lalaki at klaro sa mukha niya ang pagkairita.

Kahit may band-aid ito sa ibabaw ng ilong ay hindi nabawasan ang pagkagwapo nito. Promenente pa rin ang linya ng matangos nitong ilong. Mahaba ang pilikmata na tumatabon sa kulay kayumangging mga mata. Matangkad at makinis ang maputing balat nito lalung-lalo na sa  kanyang mukha.

“ANONG SABI MO?!”

“TUKMOL!” Alam ni Pam sa sarili na hindi totoo ang sinabi niya dahil parang kalahi ni Zeus ang bumaba sa lupa at nalaglag sa harapan niya ang hitsura nito. Inis siyang lumapit sa lalaki. “Manhid ka ba at hindi mo naramdamang may nabangga ka?”

“HOY babaeng split-ends! Bago ko sagutin ang tanong mo ay ilayo mo muna ang nagmamantika mong mukha.” Ngumingiwi pa ang lalaki nang sabihin ang mga katagang ito.

Ramdam ni Pam ang pamumula ng pisngi dahil sa mga sinabi ng kaharap. Umatras siya hindi dahil sa inutos ito ng lalaki kundi dahil sa hiyang naramdaman niya. Umayos ng tayo ang lalaki at isinukbit ulit ang bag sa balikat.

“Hindi ko kasalan na nabangga kita. ‘Yang malapad mong balikat at mabatung braso ang nakaharang sa dinadaanan ko.” Nangungutyang sabi ng lalaki kay Pam.

“Aba! Sumusobra ka na ah!” Nagtitimpi si Pam pero alam niyang any minute from now maglalanding na ang kamao niya sa mukha nito.

“Keep distance! Ang oily ng mukha mo!”

“Gag* ka ah!” Tumaas ang kamao ni Pam ngunit bago pa man niya ito mapalanding sa mukha ng kaharap ay may biglang nagsalita sa kanyang likuran at alam niya kung kaninong boses ito, kay Professor Mon Alquizar.

The Billionaire Prince ♕ (On Going)Where stories live. Discover now