Chapter Four ♕

95 4 0
                                    

“GOOD Morning ma’am. May I take your order?”

Kasalukoyang kumukuha ng order si Pam sa isang babaeng kararating lang sa pinagtatatrabahoan niyang fast-food chain. Suot niya ang kulay-kape na may halong kulay pulang uniform. Siya ang tumatao ngayon sa isang counter dahil absent ang isa nilang kahera. Kalimitan kasi ay lagi siyang nadedestino sa ‘dining area’ kung saan naglilipigpit ng pinagkainan at naglilinis ang trabaho niya.

Gamay niya ang menu at presyo ng mga pagkain sa loob ng kainan kaya siya lagi ang napipiling substitute bilang kahera. Nakapag training na din siya sa pagkakahera kaya kampante siya sa ginagawa.

“3-5 minutes po ma’am. Okay lang po ba?”

 

“Okay lang.”

 

“Okay.”

Inulit ni Pam ang inorder ng babae bago binigyan ng number at sinuklian sa binayad nito.

“Good Morning S- IKAW?!”

 

Nanlaki ang mga mata ni Pam nang makilala ang customer na nasa harapan niya. Ang lalaking naging dahilan nang pagka-guidance niya, ang dahilan kung bakit may sugat ang magkabilaang siko niya at ang dahilan kung bakit siya magtatrabaho sa Library ng isang buwan, si Ivo.

Magkasalubong ang kilay ni Ivo nang makita si Pam dahil sa loob-loob niya ay sa lahat ng kahera dito ay si Pam pa ang nakaharap niya. The feeling is mutual, they hate each other.

“Excuse me?! Is that your new spiel?” lumabas sa boses ang pagkairita ni Ivo kay Pam.

“Anong ginagawa mo dito? Sinusundan mo ba ako?” tiim-bagang na tanong ni Pam kay Ivo. Binabaan niya ang kanyang boses dahil iniiwasan niyang marinig ito ng mga kasamahan at lalung-lalo na ng manager niyang sumilip mula sa kanyang kwarto.

“Can I talk to your manager?”

Bahagyang nilakasan ni Ivo ang kanyang boses, tama lang para marinig ito ng katabing kahera. Natigilan si Pam at naninigas sa narinig niya. Pati ba naman sa trabaho niya ay sasabutahiin ni Ivo?

“Ay Sir. I’m sorry. Can I take your order… please?” 

Diniinan ni Pam ang huling salita at nagbigay ng pilit ngunit matamis na ngiti. It was done overly kaya para tuloy siyang eng-eng para sa mga kasamahan niya.

Nagbago ang mukha ni Ivo nang makita ang ngiti ni Pam. Hindi niya akalaing maganda pala ang mga mata nito kapag nakatawa.

At sa kauna-unahang pagkakataon ay narining ni Ivo ang tibok ng kanyang puso. Hindi ito pag-ibig alam niya iyon pero ngayon lang niya ulit naramdaman na may ganitong parte pala sa katawan niya.

Matagal nang naging bato ang puso niya simula ng sinunod niya ang lahat ng kagustuhan ng ama. He was only 9 years old then and he was not allowed to have weaknesses. Ang pag-iyak, paghingi ng sorry, panghihinayang, kalungkotan, to make it short, he’s only allowed to think in a business way, nothing personal.

The Billionaire Prince ♕ (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon