XIII: The Reinforcements

1.2K 71 28
                                    

Chry's Point of View

Nandito kaming tatlo sa loob ng kwartong aming nire-rentahan. Si Ace naman ay nanonood ng T.V. Heshiena was sitting near the glass window. Habang ako naman ay nakaupo lamang sa kama, tinitingnan ang mga profile backgrounds ng apat na demigods. Inabot ito sa akin ng mga satyrs na nakahanap sa kanila.

Mavros, on the other hand, was doing an errand.

Since he can shadow travel, inutusan ko itong siguraduhing makaalis ang dalawang grupo. O 'di kaya'y i-report sa akin if something's wrong. Pinagpatuloy ko ang pagbabasa.

Hanzel Mark Sarsozo. He's already twenty years old. A son of Meira Sarsozo. Sabi rito, lumaki sa Maynila si Hanzel. Pero umuwi sila ng Mama niya rito sa Cebu, kung saan lumaki ang ina niya, nang mamatay ang mga magulang nito.

Binuklat ko ang susunod na pahina. Unang bumungad sa akin ang iilang mga stolen pictures. Dionysus Pineda. He's eighteen years old. Sabi rito ay anak siya ng isang club owner. Bigla akong napaisip. Minsan kasi sa mga nagugustuhan ng mga Greek gods ay may similarities sa kung sino sila bilang Olympians.

For example, Fuego's mother is a mechanical engineer.

Blaze's father is a campus director, and Nkri's mom is a college professor. Violeta . . . her father is a former popular actor before he became that kind of person. Ina rin ni Ace ay isa ring actress.

Nagpatuloy ako sa pagbabasa.

Dionysus is a chess player. Naipanalo niya raw ito sa nationals. I just shrugged my shoulders. I turned the page to the next one. Arresaine Marqueen. This demigod is a feisty one. A trouble-maker. I mean, hindi na nakakagulat.

Lahat naman kami ganito sa mortal realm.

Demigods had this shared feeling of not being able to belong. Muli akong tumingin sa aking binabasa. Mabilis akong napailing. Dumaan na ng anim na paaralan si Arresaine. Sa St. Francis Academy lang ito nagtagal. She's also a daughter of a police chief.

Pagkatapos ay sinunod ko na ang huling page.

Tumigil ang aking kamay nang unang tumambad sa akin ang picture nito. My heart skipped a beat. I gritted my teeth, and sweat profusely coming out of my forehead. Lumunok ako ng laway, subalit tila ba'y merong bumara sa lalamunan ko.

"Mayumi," ang pagbanggit ko sa pangalan niya. "You are alive?"

I quickly restrain my tears from falling down. A memory suddenly flashes in my mind. "My name's Mayumi!" I gritted my teeth one last time. "My name's Maica."

"Maica! No! Please! Don't hurt her!" Her painful cries rang into my ear. Her tears won't stop falling. "I can't lose another sibling."

I instantaneously averted my face to the window. Para iwasang hindi ako makita ng kasama ko rito sa kwarto. At tuluyan na ngang bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

"Maica . . ." It's still vivid in my memories how she looked at me terrified. "Sinunod mo ang gusto nila! Your hands are now tainted with blood of innocents that will probably live in your conscience forever. It will haunt you!" Bumuntonghininga ako nang malalim.

Mas lalong bumigat ang nararamdaman ko. I silently inhaled, while wiping the tears that seemed won't stop falling. My eyes grew wider when I felt two pairs of eyes staring behind my back.

"How could you do this to yourself, Maica!"

Muling bumalik sa alaala ko ang pagkadisgusto sa mukha niya. Her eyes were filled with fear and pain. Tila ba'y nakatingin siya sa isang halimaw. It's painful. I just did sold my soul to the devil. At kahit ano mang pilit kong kumawala sa kulungang 'yon, hindi ako makakatakas.

The Alpha GoddessWhere stories live. Discover now