29. Exchange Student

Start from the beginning
                                    

Bakit ba nangyayari to sa buhay ko..?

My life was peaceful.. without knowing Ivan's feelings and before Keiji came..

Kung hindi kaya kami nagkilala ni keiji, may magbabago kaya sa sitwasyon namin ni Ivan ngayon?

Maybe..

Kung wala si keiji... magugustuhan ko siguro si Ivan.. siguro lang naman..

Pero wala eh, pakiramdam ko nakatali ako kay Keiji..

"Wag mo nang isipin yun Ivan, pinapatawad na kita pero sana w-wag mo ng ulitin yun.."

Niyakap nya naman ako ng mahigpit...

"Meiko salamat.."

Nakaramdam ako ng pagkagaan ng loob dahil magkabati na kami, kahit kailan hindi talaga ako sanay na hindi kami nag uusap ni Ivan o may hindi kami pinagkaintindihan..

"Oh em gee may nadistorbo ba kami?!"
"PDA Ha!"
"Level up na sila oh! Hahaha!"

Pareho kaming napalingon sa pintuan ng classroom..

Laking gulat ko nalang na nakasilip yung mga kaklase namin sa pintuan!

W-wag mong sabihin kanina pa nila kami tinitignan?!! At hindi sila pumasok para hindi namin sila mapansin?!!

"Alam nyo kanina pa kami nandito eh pero gusto muna naming tignan kung anong mangyayare! Hahaha!"

Huh?!

"Seryoso ba kayo?!" Sabi ni Ivan.

"So ano? Kayo na? Yiieeee!"
"Baka nga, may yakapan nang nagaganap eh! Hahahaha!"

Ayan na naman sila sa tukso nila! Bakit palagi nalang kami mini-misunderstand ni Ivan? Hindi ba pwedeng magkaibigan ang isang babae at lalake?

Lahat nalang talaga nilalagyan nila ng malisya..

"Nagusap lang kami tungkol sa hindi pinagkakaunawaan namin tsaka tigilan nyo na nga yung panunukso samin!"

Tumahimik naman sila pagkasabi ko nun..

Napako ang tingin ko sa wallclock ng classroom namin, mag a-alas otso na pala... Hindi ko man lang namalayan..

"Meiko tignan mo.."

Tinignan ko ang school grounds mula dito sa bintana, napakunot naman ang noo ko nung magkagulo dun at nagkadagsa ang mga estudyante.

Nakasirado ang bintana dito pero rinig na rinig ko ang mga sigawan at tilian ng mga babae.

Anong meron? May artista ba? Wala namang sinabi eh..

"Ano kayang meron?"

"Hindi ko rin alam.."

Nakita ko na parang gumawa sila ng daan sa gitna para padaanin kung sinong pontio pilato man yung tinitilian nila.

Pareho pa talaga silang lahat na nakatingin sa iisang direksyon..

Maya maya pa'y may nakita akong isang lalake na dumaan dun sa espasyo..

Sino ba sya at bakit pinagkakaguluhan sya ng mga babae dito sa school namin? Sikat ba sya? Artista? Singer? Or kpop idol?

Hindi ko na rin maiwasang magtaka kung sino yun..

Tinignan ko naman yung itsura ng lalake, naka uniform sya pero hindi uniform ng skwelahan namin..

Taga ibang skwelahan? Ano naman kaya ang ginagawa nya dito sa school namin?

T-teka... bakit parang pamilyar yung uniporme saken...?

[R18] My Step Brother Where stories live. Discover now