"Are you with someone?"

Tiningnan muna ni Sahara ang katabi bago umiling. Ito ang tipo ng lalaking maipagkakamali mo sa isang artista. He's got clean-cut hair and stunning chiseled jawline na lalong nagpa-guwapo rito. Kahit na medyo madilim sa bahaging iyon ng bar ay kitang-kita niya ang light brown nitong mga mata. Matangos rin ang ilong nito at tila may lipstick ang manipis na mga labi dahil sa pagkapula nito.

"Wow, a gorgeous girl like you shouldn't be alone."

It's too obvious that he's flirting. She just smiled at him.

"Care for a drink?"

Umiling siya. "I don't take drinks from strangers."

Sa halip na mainis ay lalong gumanda ang ngiti ng binata. Um-order ito ng isang baso ng rhum para sa sarili. "You know what? I like you." sabi pa nito. "I'll give you time to get to know me, then."

May sasabihin pa sana ang binata sa kanya pero mabuti na lamang at tinawag na siya sa entablado for her last set of songs. Tumayo na siya, pinatay ang sigarilyo sa ashtray at tuluyan nang umalis. Yeah, the guy is hot, no doubt about it but she's no longer interested in men – in general. Because when she committed herself to Baste, she promised to be faithful.

Nang nakatayo na siya sa harap ng mikropono at nagsimula nang kumanta ng 'The Nearness of You', napansin niyang mataman pa ring nakatingin sa kanya ang binatang nagpakilala sa kanya kanina. She felt his stare from afar, measuring her.

It's not the pale moon that excites me

That thrills and delights me, oh no

It's just the nearness of you

Siguro, kung single lang si Sahara at walang nobyo, hindi na siya ang magdadalawang-isip at susunggaban na niya ang pagkakatao'ng iyon - guwapo, mayaman. Pero pinili niyang ilayo ang tingin sa binata at mag-focus sa kinakantang piyesa.

It isn't your sweet conversation

That brings the sensation, oh no

It's just the nearness of you...

Sahara always sings with emotions and sensuality and that night, she made sure to outdo herself. Sabi nga ni Karen, malaki ang posibilidad na mayroong maka-diskubre sa kanyang potensiyal ngayong gabi kaya kailangan niyang gawin ang makakaya para mapansin.

When you're in my arms and I feel you so close to me

All my wildest dreams came true

I need no soft lights to enchant me

If you'll only grant me the right to hold you ever so tight

And to feel in the night...the nearness of you

Muling napuno ng palakpakan ang kabuuan ng bar, na hindi niya inaasahan. Ramdam niya ang lahat ng mata ng mga naroon ay nakatutok lamang sa kanya at may ilan pang kumuha ng litrato at video niya habang kumakanta – at sa mga ganoong pagkakataon niya nararamdaman na importante siya.

Pagbaba niya ng maliit na entablado ay sinalubong na agad siya ng isang maliit na lalaki. May katabaan ito, medyo nauubos na ang buhok sa bumbunan. Nagpakilala ito bilang Mr. Arturo Villahermosa, may-ari ng isang modeling agency. He gave her his business card, saying that if she's interested in a modeling career, just give him a call.

At iyon na marahil ang pagkakataon na matagal nang hinihintay ni Sahara.

~~

"HEY!"

Sahara's Dirty Little Secrets (REVISING)Место, где живут истории. Откройте их для себя