Chapter 3

6K 89 3
                                    

NAISTORBO ang pagbibihis ni Sahara nang umagang iyon sa malakas na tawanan sa labas ng kanyang kuwarto. Nang buksan niya ang pinto ay nagulat pa siya nang makita si Michaela na may kaharutang lalaki. Si Max. Sa sobrang gulat ay hindi na niya nakayanang makagalaw. Samantalang inaasahan na dapat niya iyon, na simula ngayon ay makikita na niya si Max doon sa bahay araw-araw.

"O, Sahara, gising ka na pala," nakangiting bati ng kanyang pinsan, na isa pa niyang ikinagulat. Ngayon lang kasi iyon nangyari sa loob ng isang taon niyang pagtira roon. Ah, oo nga pala, nagiging maganda ang turing nito sa kanya sa tuwing naroon ang nobyo nitong si Max. "Tamang-tama, sumabay ka na sa aming mag-almusal ng kuya Max mo."

Hindi pa rin natitinag si Sahara sa pagkakatayo, nakatingin lang siya sa mag-kasintahan. At nang tapunan niya ng tingin si Max na noon ay nasa likod ng pinsan, napakaganda ng pagkakangiti nito na tila nanalo sa lotto. And damn, he looked even hotter than she last saw him. He's got stubble on his chin, his hair is a bit ruffled. Ramdam niya ang paghagod ng tingin nito sa buo niyang katawan, mula ulo hanggang paa. At bigla niyang naalala na naka-bathrobe pa nga pala siya dahil kagagaling lamang niya sa banyo dahil sa narinig na ingay na iyon.

Agad siyang pumasok sa kanyang kuwarto at napasandal sa pinto. Max's really back and that only meant one thing - TROUBLE. Pleasurable, but still, trouble.

Hindi niya akalaing muli niyang makikita si Max pagkaraan ng ilang taon. She was just 16 when they first met. Inosente siya, wala siyang ibang pakialam noong mga panahong iyon kundi ang makapag-aral at mabuhay nang tahimik. Pero hindi niya akalain na ang pagtigil pala niyang iyon sa bahay nina Michaela at ang pagkakakilala niya kay Max ay ang magiging dahilan ng malaking pagbabago sa kanyang buhay.

Max personifies the 'tall, dark and handsome' image. Matangkad si Sahara sa taas na 5'8 pero mas matangkad ito sa kanya ng tatlong pulgada. Mas matanda rin ito sa kanya ng limang taon, tulad ni Michaela. He also got toned muscles at perfect abs. She knew it because she has seen it, many times. At ang mukha nito – maamo na para bang hindi gagawa ng masama. Pero sa lahat ng magagandang aspeto nito, isa lang ang pinakagusto niya – mabait si Max sa kanya at ito ang naging kakampi niya sa bahay. And every time he's around, Michaela seemed nicer to her. Kaya naman napakadali nitong makuha ang kanyang loob, at pagtitiwala.

"O, Sahara, dito  muna ang kuya Max mo hangga't hinihintay niya ang schedule niya sa barko. At least may makakasama ka na dito sa tuwing umaakyat ako ng Baguio."

Mayroong transient home sina Michaela sa Baguio at kailangan nitong umakyat roon minsan sa isang buwan. Should she be happy about it? Isipin lang niya na makakasama si Max sa iisang bubong ay halos manlamig na ang buo niyang katawan – actually, manlamig at mag-init, dahil sa iba't-ibang dahilan.

"Hopefully, next month makasampa na uli ako," nakangiting sabi ni Max na kay Sahara nakatingin. Nakaupo na sila ngayon sa bilog na mesa at nagsisimula nang kumain. "Sana okay lang kay Sahara na dito muna ako."

Hinaplos ni Michaela ang pisngi ni Max at ngumiti ng isang napakatamis na ngiti. "Bakit naman hindi magiging okay? Tsaka madalas namang hindi naglalagi rito sa bahay 'yang si Sahara. Alam mo na, mga kabataan. Sabi ko nga diyan, iwasan ang paglabas-labas sa gabi. Aba, delikado ang panahon ngayon. Baka mamaya impluwensiyahan ng mga kaibigang mag-inom o kaya'y mag-drugs."

Yumuko na lang si Sahara at pinigilan na ipagtanggol ang sarili. Sino ba ang tuwang-tuwa sa tuwing hindi siya umuuwi sa bahay na iyon?

"May punto ang ate Michaela mo, Sahara. Sa edad mong 'yan, hindi ka dapat nagpapagabi sa kung saan-saan. Maraming loko diyan, siguradong may mga magkainteres sa iyo. Maganda ka pa naman."

Ininom na ni Sahara ang natitirang tubig sa kanyang baso at tumayo na. Bukod sa male-late na siya sa klase ay hindi niya kayang tagalan ang ka-plastikan na iyon ng mga kasama sa bahay. Kinuha na niya ang bag sa katabing upuan at tumayo na.

Sahara's Dirty Little Secrets (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon