Chapter 2

6.3K 114 6
                                    

"G-GOOD morning po, sir.

Naabutan ni Sahara ang propersor na abala sa pagbabasa ng mga papel ng mga estudyante nang pumasok siya sa opisina nito. Bahagya itong nag-angat ng tingin at inayos ang salamin sa mata

"S-sir, tungkol po sa..."

"Miss Smith," matigas nitong sabi na lalong nagpakaba sa kanya. Hindi nito inaalis ang atensiyon sa ginagawa. "Sit down."

Agad naman siyang tumalima at mabilis na naupo sa upuang nasa harap ng mesa nito. Sa halip na sa propesor ay doon sa mesa niya itinuon ang mga mata. Prof. Del Mundo's table was so neat. Parang kabibili lamang nito kanina dahil sa sobrang linis at kinang ng salamin sa ibabaw noon. Organisadong-organisado ang bawat gamit - ang mga lapis ay nakalagay sa isang canister at ang mga ballpen ay sama-sama sa isa pang tin can na katabi nito. Ang mga folders, papeles at isang rim ng bond paper ay maayos na nakalagay sa kulay itim na 3-layer document tray sa kaliwang bahagi ng mesa.

Wala yatang mali at hindi organisado sa loob ng opisina ng terror na propesor nilang iyon. Maging ang floor tiles ay napakakintab na maari yatang higaan, at parang pati ang mga alikabok ay mahihiyang tumuntong roon.

"So, what is it, Miss Smith?"

Halos mapatalon siya sa sobrang gulat dahil masyadong naging abala ang utak niya sa pag-oobserba sa kabuuan ng opisina. Huminga siya ng malalim at tumingin sa kausap. Sa pagkakataong iyon ay hinubad na nito ang salamin sa mata at mataman siyang tiningnan.

"Miss Smith?'

"S-sir...tungkol po sa exam...baka po kasi puwedeng..."

"Pag-usapan ang bagsak mo?" mahinahon pero matigas nitong tanong. Inayos nito ang kaninang binabasa sa mesa, maging ang ginamit nitong ballpen ay ibinalik sa tama nitong lalagyan at maingat na pinagpantay-pantay ang mga maliliit na angel figurines na nakahanay sa mesa. Pagkatapos ay tumayo ito at naglakad-lakad sa kanyang harap. "Sige, let's hear what you have to say, Miss Smith. Do you have a proposal to offer?"

Proposal. Ano nga ba ang puwede niyang i-propose rito sa halip na i-retake ang exam at gumawa ng sangkatutak na projects, na alam naman niyang hindi tatanggapin ng masungit na propesor? What could she possibly propose to him?

"None, right?" Mula sa kinatatayuan ay lumapit ang propesor sa kanya. He was standing in front of her, inches away from her. Nang tumingala si Sahara ay napansin niyang hindi ito sa kanyang mukha nakatingin.

And all of a sudden, light bulb. Dahan-dahan siyang tumayo at hinarap ang mapanuring mata ni Del Mundo. Halos kasing tangkad niya ito kaya hindi mahirap para sa kanya na pantayan ang mga titig nito. "H-handa po akong gawin ang lahat, sir." At mas lalo pa siyang lumapit rito.

"Kaya mong gawin lahat?" pabulong nitong tanong. Sahara could sense the sudden change of his mood. Wala na ang galit at pagkairitable nito, at napalitan na iyon ng kakaibang apoy sa mga mata nito.

"Y-yes, sir...lahat," sagot niya, nang pabulong rin. Ngayong nakuha na niya ang atensiyon ng propesor, alam na niya kung paano makukuha ang kailangan niya.

Del Mundo cleared his throat. Tila kailangan pa nitong pilitin ang sarili para bumalik sa upuan. "Okay, Miss Smith." Kumuha ito ng ballpen at isang piraso ng maliit na papel at may isinulat roon. "Magkita tayo rito sa Biyernes, seven-thirty. That's the cafeteria 20 minutes away from the campus," sabi nito sabay abot sa kanya ng papel. "Let's talk about what we can do about your standing."

Hanggang sa pag-uwi ay hawak-hawak pa rin ni Sahara ang ibinigay na address ni Del Mundo. Tama ba ang gagawin niya? Dahil kahit wala itong sinabi, alam na niya ang ibig sabihin noon. They're going to talk about her standing, he said. But the truth is, there's nothing to talk about anymore because the moment she said that she's willing to do anything, she has already buried herself into the mess that she herself has created.

Sahara's Dirty Little Secrets (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon