Chapter 9

4.4K 63 2
                                    

"PAGKATAPOS ng graduation, ano'ng plano mo?" bulong sa kanya ni Baste. Magkatabi silang nakaupo sa harap ng klase, parehong may hawak na libro.

"H-hindi ko pa sigurado...maghahanap siguro ng trabaho?" tugon niya, nang pabulong rin. Hawak ni Sahara ang makapal na libro at itinayo niya iyon doon sa desk, na ginaya ni Baste. "Ikaw?"

"Ganoon rin." Hinawakan ni Baste ang isa niyang kamay at pinisil-pisil iyon. "Kung puwede lang na pareho tayo ng kumpanya na pasukan, mas maganda sana. Para parati pa rin tayong magkasama."

Inihilig ni Sahara ang ulo sa balikat ni Baste at tsaka ipinagpatuloy ang pagbabasa. Sa mga ganoong pagkakataon lamang siya nakakaramdam ng katahimikan ng utak ng katahimikan ng loob. Sa tuwing kasama niya si Baste, parang biglang nawawala ang lahat ng alalahanin niya sa buhay at parang kayang-kaya niyang lampasan ang kahit na anong pagsubok na darating pa.

"Salamat, ha," narinig niyang sabi nito. Nang tingnan niya ito ay hindi ito sa kanya nakatingin kundi sa librong binababasa.

"S-salamat saan?"

"Sa pagbibigay mo sa akin ng pagkakataon. Alam ko, ang dami kong karibal sa iyo pero ako pa rin ang pinili mo."

"Ako ang dapat magpasalamat sa 'yo. Kasi, mahal mo ako kahit makulit ako, kahit matigas ang ulo ko, kahit hindi ako 'yung 'ideal girlfriend' para sa 'yo."

"Ano ka ba, ikaw ang ideal girlfriend. Wala nang makakahigit sa iyo para sa akin."

Umiling si Sahara dahil kung mayroon mang higit na nakakakilala sa sa sarili niya, siya iyon at wala nang iba. Kung pwede nga lang ibalik ang nakaraan niya, marami siyang gustong burahin mula roon bago niya makilala si Baste.

"Basta, mahal kita, Sahara. Kahit na ano ka pa, mahal kita, okay?"

"Thank you." Hindi napigilan ni Sahara ang sarili na haplusin ang pisngi ni Baste at halikan iyon. Nagulat ito sa ginawa niya at lumingun-lingon. Ilan sa mga kaklase nila ang nakatingin sa kanilang direksyon.

"Pinagtitinginan na tayo," nakangiting bulong ni Baste.

"So?" natatawa niyang sabi. Kinuha niya ang kamay nito at itinapat itaas na bahagi ng kanyang dibdib. Sa simula ay nagulat ito dahil akala siguro ay kung ano na naman ang binabalak niyang gawin. "Basta kahit anong mangyari, tandaan mo, ikaw ang narito, ha?"

"Bakit, ano ba ang mangyayari?" natatawang tanong ni Baste.

Marami, kung pwede lang sabihin ni Sahara – napakarami. Ngayon pa lang, hindi na niya alam kung paano makakawala sa banta ni Max at alam niyang hindi lang iyon basta banta. Kilala niya ang pagkatao ni Max. Dominant, possessive. And she's sure that his threat was real and that she has to keep Baste safe.

"Uy, natahimik ka na d'yan." Muling naramdaman ni Sahara ang paghawak ni Baste sa kanyang kamay. "Alam mo, kinakabahan ako kapag natatahimik ka," bulong nito.

"B-bakit naman?"

"W-wala lang, baka lang kasi magbago bigla ang isip mo...baka na-realize mo na hindi mo pala talaga ako mahal...baka iiwan mo na 'ko."

Hinigpitan ni Sahara ang kapit sa kamay ng nobyo at muli siyang humilig sa balikat nito. "Kakasabi ko lang hindi ba? I love you...marami lang akong iniisip."

"Tulad ng?"

Umiling siya at humarap kay Baste. "Basta. At basta, mahal kita, okay?"

"O-okay," tugon nito sabay ngiti. Napatingin ito sa paligid nang unti-unti nang naglalabasan ang iba nilang kaklase. "Teka, ano'ng oras na ba? Hindi na ba darating si sir?"

Napatingin si Sahara sa relong-pambisig na suot niya. Halos kalahating oras na pala silang naghihintay roon at bihirang ma-late si Del Mundo sa klase nila at kapag nagkaganoon, parati itong nagpapasabi.

Sahara's Dirty Little Secrets (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon