"Baka nga hindi na papasok 'yon," narinig nilang sabi ng isa nilang kaklase na nakapuwesto sa likod nila. Maliit itong lalaki pero mahaba ang buhok nito na parating naka-ipit. Mahilig rin ito sa mga kulay pink na shoulder bag. "Baka totoo 'yung nabalitaan ko na na-suspend si Prof. Del Mundo."

Kinabahan si Sahara sa narinig.

"Bakit raw?" tanong ni Baste sabay lingon sa kaklase.

"Ewan, ang intindi ko, parang may naka-relasyon yatang estudyante."

Biglang bumitiw si Sahara sa kamay ni Baste. Parang ayaw na niyang marinig ang susunod pa nitong sasabihin.

"I don't know the whole story pero parang may nakakita raw yata na may kasamang estudyante si Prof na pumasok sa isang hotel. Grabe ano, sa itsura ni Prof na gano'ng sobrang seryoso, uma-affair rin pala."

Nagtawanan ang iba pang nasa loob ng silid. Nagsimula nang mag-ayos ng gamit ang iba pa at naghanda na ring lumabas.

"Totoo kaya?" tanong sa kanya ni Baste nang pababa na sila ng hagdan.

Hindi niya alam pero malaki ang posibilidad ng balita'ng iyon. At hindi alam ni Sahara kung paano iyon sasabihin kay Baste. Na siya ang dahilan kung bakit maaaring masuspendido si Del Mundo.

"Kawawa naman si Prof. Ang galing pa naman tapos masu-suspend dahil lang doon?" napapailing na sabi ni Baste. "Kung sa bagay, kasalanan rin naman niya. Alam naman niyang bawal makipag-relasyon sa estudyante, ginawa pa rin. Tsk, tsk. Pero mas kawawa 'yung estudyante, baka ma-expel pa 'yon."

Expulsion. May posibilidad na ma-expel siya sa eskuwelahan nang dahil sa mga mali niyang desisyon.

She immediately called Del Mundo to ask him about the situation but his number could not be reached. Lalo tuloy siyang kinabahan. Paano kung totoo ngang nalaman na ng school administration ang tungkol sa kanilang dalawa?

Iyon pa rin ang laman ng utak ni Sahara nang umuwi siya ng condo unit. Sa sobrang pag-iisip ay hindi niya namalayan na may isang lalaking kanina pa nagmamasid sa bawat niyang galaw.

~~

"HI, may I join you?"

Nilingon ni Sahara ang lalaking biglang lumitaw mula kung saan. Hinahanap niya noon ang lighter sa loob ng kanyang maliit na bag kaya hindi niya napansin na may umupo na pala sa bar stool sa kanyang tabi.

"I'm Ace...you are?"

Kumuha siya ng isang stick ng sigarilyo at inilagay iyon sa kanyang labi. Without looking at the man, she introduced herself, "Sarah."

"You were great back there," sabi nito sabay alok ng sarili nitong Zippo. Binuksan nito iyon at itinapat sa kanyang sigarilyo.

"T-Thanks," simple niyang sabi. Wala siya sa mood makipag-usap sa kahit na sino, lalo na ngayong pagod siya. She just finished 10 songs and still had to perform on stage but she already felt exhausted. She's not even supposed to have a cigarette but she's got to calm her nerves. Hindi niya inaasahan na napakaraming tao pala ang kakantahan niya sa business party na iyon.

The bar was located at the 2nd floor of a 5-star hotel. The place looked expensive, the food was great. Pagpasok na pagpasok pa lamang niya kanina sa lugar ay alam na niyang mayayaman ang mga tao na naroon. Wala yatang hindi naka-amerikana sa mga kalalakihan samantalang ang mga babae naman ay puro mga naka-long gown at cocktail dresses na sa mga magazines at fashion shows lamang niya madalas makita.

Mabuti na lamang at pinahiram siya ni Karen ng damit para sa gabing iyon – isang simple pero elegante'ng 'little back dress'. Mayroon itong swarovski trimmings sa laylayan at pinahiram rin siya ng kaibigan ng diamond earrings and necklace set to complete the look.

Sahara's Dirty Little Secrets (REVISING)Where stories live. Discover now