Chapter 11

402 13 0
                                    

Cindy’s P.O.V.

Nasa loob kami ng bus ngayon, ngayong araw kasi ang taunang gala nang section namin. Field trip kumbaga. Nakaupo na ako ngayon at katabi ko ang walanghiya kong kapatid. At kung pinaglalaruan nga naman ng tadhana si Hara ay katabi ngayon ang nagbabalik na si Ace Knier. Kaya ang kapatid ko ngayon, ay umuusok sa inis dahil mukhang agrabiyado na naman ang kanyang lovelife.

“Kung ako sayo Hale mag move on ka na. Kita mo oh, kahit wala silang matandaan pareho, magkatabi pa din sila.” Panunukso ni Trevor na nasa likod namin ngayon. Kita mo tong tukmol na’to. Kung makatukso kala mo naman di nasasaktan.

“Para ba yan sakin o para sa sarili mo? Wag ka nga Trevor. Dinadamay mo pa ako sa pagseselos mo.” Sagot naman ni Hale sa kanya. Aba tong dalawa.

“Magsitahimik nga kayong dalawa. Pareho lang kayo. Wala kayong pinagkaiba.” Sita ni Rence sa kanila. Kita mo tong taong to. Di porket pinsan mo yang katabi ni Hara, gaganyan ganyan ka na.

Bigla naming dumating si Jayson at tumabi sa amin. Pagkaupong-pagkaupo niya ay tumingin agad siya sa bintana at nalunod na sa kanyang imahinasyon. Kaya pinitik-pitik ko siya nang magsing siya sa katotohanan.

“Huy ang aga-aga lunod ka na agad. Gising huy!” Saway ko sa kanya. Tiningnan niya naman ako at humarap sa akin.

“Alam mo, I really don’t get the point kung bakit pa natin kailangang gawin to.” Reklamo niya sa akin.

“Ano bang pinagsasasabi mo?” Sagot ko naman sa kanya.

“Napakaboring kaya, paulit-ulit na lang. Kailangan pa talagang matulog sa lugar na yon eh napakaliblib naman. Kung may mangyari man, mahihirapan tayong humingi ng tulong. Tsaka, aksaya lang sa oras.” Reklamo niya ulit. Pagkatapos niyang sabihin yon ay humarap ulit siya sa bintana at nangalumbaba. Kita mo tong taong to, isa pang weirdo.

Umabot ng mahigit dalawang oras ang biyahe naming papuntang gubat. Oo gubat yung pinuntahan namin. Wala ni isang bahay. Kaya pala nagpadala sila nang mga tent at higaan. At ngayon alam ko na kung bakit ganoon na lang makareklamo si Jayson. Ang hirap naman pala talaga dito.

“Ano ba tong pinasok natin? Field trip o survival show?” Tanong ni Nash sa amin.

“Kung makareklamo ka kala mo naman di ka sanay ng ganito sa La Morte. Mas masahol pa nga don kasi literal na survival show ang mangyayari.” Sagot naman ni Yael sa kanya. Pinandilatan naman ni Vince ang dalawa. Tama nga naman si Vince, pag yan ay maririnig ni Hara, tiyak magtatanong yun. At hindi naming lam kung ano ang isasagot.

“Hindi pa ba kayo magtatayo ng pansamantalang bahay niyo? Marami pa tayong gagawin. MArami pa tayong hahanapin. Mas mabuti pa sigurong magsikilos na tayo at nang makapagsimula na tayo sa mga gawain natin.” Sita ni Hara sa amin. Nagtinginan naming kami.

“Medyo malumanay yung pagkasabi niya pero alam mo talagang siya yun.” Manghang-manghang komento ni Nash.

“Parang di magtatagal ay makakaalala nayan.” Sagot naman ni Rence.

Sinunod naman naming si Hara at nagsiulang itayo ang mga pansamantalang bahay naming sa loob ng dalawang araw. Inayos na din namin ang mga gamit namin. DI ko kinalimutang dalhin ang espada ko. Nakita ko ring ibinulsa ni Hale ang mga daggers niya. Paglabas naming ng tent ay nakita kong nasa gilid ng katawan ni Nash ang FSFK niya. Pati na rin sa mga Monarchia Nero ay dala-dala din nila yung mga sandata nila. Nakita ko namang nagtaka si Hara kung bakit may dala kaming mga ganito. Tama pala, wala siyang naalala.
Tinawag kami ng teacher namin. Hinati kami sa ilang mga grupo. Kasama ko si Hale at Nash. Habang magkasama naman si Hara, Jayson at isa pa naming kaklase. Napanatag naman ako kahit papaano kasi kasama ni Hara si Jayson. Alam ko namang di niya yan pababayaan.

Naatasan kaming maghanap ng mga isda para sa hapunan namin mamaya. Nakita kog ngumiwi si Nash at tila napilitan na lang gawin ang bagay na ito.

“Sabi ko sa inyo eh, literal na survival show to.” Anunsiyo niya sa amin. Nakaramdam naman ako ng hindi normal kaya nagging alerto ako sa aking paligid.

“Hale, parang may nagmamasid sa atin.” Nasabi ko habang pa linga-linga ako sa aming paligid.

“Natural maraming unggoy ditto, marami talagang nakatingin sayo.” Sagot ni Nash sa akin. Kung siya gawin kong unggoy?

“Akala ko ako lang ang nakaramdam. Ikaw din pala. Maging alerto na lang tayo.” Sagot naman ni Hale sa akin.

Di nagtagal ay narrating naming ang ilog kung saan kami hahanap ng mga isda. Hindi naman ito kalaliman at malinaw din ang tubig. Kaya lumusong agad kami at nagsimulang mamana ng isda. Ginamit ko ang espada ko habang gumawa naman ng parang panusok si Hale na yari sa kahoy, ganoon din ang ginawa ni Nash.

Habang nanghuhuli kami ay nabigla ako sa biglang tili ni Nash. Itong tukmol na to, nakakagulat. Pagtingin ko ay nadapa na pala siya at nabasa ang buong katawan ng tubig sa ilog. Tanga.

“Umayos ka nga Nash.” Saway ko sa kanya.

Napansin ko naman na dumating ang grupo ni Hara sa ilog kaya agad ko silang nilapitan.

“Uy, anong ginagawa niyo dito?” Tanong ko sa kanila. Nakakita ako ng mga batya at balde. Isda rin ba ang kukunin nila?

“Tubig yung kukunin namin. Doon sana kami sa batis pero ang walanghiyang Rence umihi doon kaya napilitan kaming dito na alng kumuha.” Sagot niya sa akin. Jusko Lawrence, malamang nabatukan ka ni Ace dahil sa ginawa mo.

“Teka lang Hara, Jayson, babalik muna ako, nahulog kasi yung cellphone ko. Andun pa yun sa may batis eh, babalikan ko lang sa dinaanan natin.” Paalam nung isa naming kaklaseng kasama nila Hara. Napatingin naman si Jayson at Hara sa kanya. Makikita mo na nabigla sila. Si Jayson naman makikita mong kontra siya sa gagawin ng babae.

“Samahan na kita. Delikado ang daan baka maligaw ka. Magtatakipsilim na din.” Suhestiyon ni Hara. Pero umiling lang ang kaklase namin.

“Hindi na, nag-iwan naman ako ng bakas. Didiretso na lang din ako sa Camp para di na kaho maghihintay sa akin.” Sabi niya at umalis na. May sasabihin pa sana  si Jayson ngunit kumaripas nan g takbo yung kaklase naming kaya napailing na lang kami.

Bumalik naman kami sa mga dapat naming gagawin. Di nagtagal ay pumalakpak si Hara kaya tumingin kaming lahat sa kanya.

“Mauna na kami sa inyo! Magkita na lang tayo doon!” Sigaw niya at umalis na sila. Sinundan naming sila ng tanaw hanggang sa tuluyan silang mawala sa aming paningin. Makalipas ang mahigit sampung minuto ay umahon na kami at nagsimulang mag-ayos pabalik ng kampo nang may narinig kaming sigaw. Kinuha namin ang mga isda at inihanda ang mga sandata at kumaripas ng takbo sa pinagmulang ng tinig.

Nabigla kami nang si Hara ay nasa gilid, akap-akap ni Jayson.

“Anong nangyari?!” Sigaw na tanong ni Hale. Nanginginig ang kamay ni Hara sa pagturo sa punong nasa harap nila. PAgtingin ko ay di ko rin napigilang sumigaw.

‘Ang kaklase naming kasama lang nila Hara kanina ay wala nang buhay na nakabitin sa puno ng Narra.’

Catastrophic Destiny (HOD 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon