Chapter 8

579 17 4
                                    

Hara's P.O.V

Pagkagising ko ay nasa isang lugar na ako kung saan lahat ng nakikita ko ay kulay puti. Nababalot ako ng takot sa mga maliliit na piraso ng alaalang pumapasok sa aking isipan. Hindi ko na alam ang susunod na nangyari.

Pagmulat muli ng aking mata ay nakita ko ang 6 na taong nakatitig sa akin.

"Sino kayo?" Tanong ko sa kanila. Pamilyar sila sa akin pero di ko alam kung saan ko ba sila nakita.

"Hara, sila ang mga kaibigan mo." Sagot sa akin ni mommy. Siguro nga't kaibigan ko sila hindi naman magsisinungaling yung nanay ko sa akin.

Nagawi ang tingin ko sa isang lalaki. Tila sumakit ang dibdib ko at tila ba maluluha ako pag tinitingnan ko siya.

"Ako nga pala si Jason, ka-" agad siyang napatigil noong nakita kong tiningnan siya ni mommy. May binulong naman sa kanya yung lalaking may katangkaran. Kaya ngumiti na lang siya sa akin.

"Ako si Cindy at ito naman si Hale, kapatid ko" pagpapakilala ng babaeng napakaganda sabay turo sa katabi niyang lalaki. Mukha siyang manika. Ngumiti naman ako bilang tugon.

"Ako si Rence, short for Lawrence" ngumiti naman siya sa akin ngumiti lang rin ako sa kanya.

"And I'm Nash hehe" nagulat ako kaya, napatawa ako bigla. Kita na kasi yung gilagid niya.

"Tita, napakalaki po ng pinagbago ng personality ni Hara, hindi po ba nakikipanibago yon?" Tanong nung Cindy sa mommy ko.

"Later Hija," tugon naman ni mommy sa kanya at ngumiti.

Pero di pa rin nawawala sa akin ang feeling ng pagkasawi pag dumadaan ang paningin ko kay Jason. Kaya tinuro ko siya.

"Huh? A-ako?" Tinuro niya ang sarili niya habang nililingon ang bawat gilid niya. May sira ata to sa utak eh.

"Ba't nasasaktan ako pag nakikita kita? Bakit ang sakit-sakit ng puso ko? Ano bang nangyari sa'yo at ba't ganito nararamdaman ko?" Napaigtad naman si mommy sa tanong ko. Tila naguguluhan pa silang lahat sa sinabi ko.

Lumapit naman si Jason sa akin. Ngumiti siya at sinabing "Naaksidente kasi ako noon, muntik na akong mawala kaya ganyan ang nararamdaman mo"

Sabay gulo sa buhok ko.

"Oh sige na Hara, magpahinga ka na diyan, kakausapin ko lang muna ang mga kaibigan mo sa labas ha." Paalam sa akin ni mommy at lumabas na siya ng kwarto kasama ang mga kaibigan ko.

Cindy's P.O.V.

"Bakit po ganoon tita? Parang ibang tao ang kaharap namin kanina. Napaka malumanay niya" nasambit ko habang nakaupo kami ngayon sa isang Cafe malapit sa Hospital kung saan naka confine si Hara.

"Matagal na siyang nagising ngunit nagkatrauma siya at 9 kapag nagigising. Pinatherapy ko siya at ngayon nalimutan niya na ang mga nangyari sa kanya. Parang nagkaroon siya ng Temporary Loss of Memory dahil sa trauma na na nakuha niya" sagot niya habang nakatingin sa aming lahat.

"Nakalimutan niya si Leonora, Kayo, si Ace ang tatay niya, ang stepbrother niya, pati pagkamatay ni Jaden nalimutan niya." Her tears started to fall down to her cheeks. Habang tinitingnan ko siyang ganito, she really do look like Hara.

"Kaya nakikiusap ako sa inyo, wag niyo ng ipaalala sa kanya ang masasakit na alaala, nahihirapan akong tingnan siya pag nahihirapan na siya." Sabi ni Tita Cleo

"Tita pano na po yung papa niya tsaka si Eros? Kakakilala pa lang po niya sa kanila." Nasabat ni Hale kay tita.

"Sinabihan ko na si Sullivan sa nangyari kay Hara. Hindi ko naman siya masisisi kung ganito ang nangyari. Hindi niya naman kasi intensyon na mapahamak si Hara. Alam ko na gustong-gusto niyang nasa mabuti si Hara." Sagot ni tita kay Hale.

"Sa katunayan, ako pa dapat yung sisihin eh. Pinadala ko siya dun. Di ko na kasi talaga alam kung ano ang gagawin ko sa kanya non eh. Ang gulo-gulo na ng buhay niya matapos mawala si Leonora." Dagdag pa niya.

"Eh tita, kelan naman po makakalabas si Hara dito?" Tanong naman ni Nash

"Uuwi na kami mamaya. Bukas papasok na yan kasabay ninyo. Maayos na naman daw siya sabi ng doctor. Wala na daw dapat ipag-alala." Sagot ulit ni tita.

Nagpaalam na kami at umuwi na sa kanya-kanya naming bahay. Bukas magsisimula ang panibagong kabanata sa buhay ni Hara.

Kinabukasan.....

Cindy's P.O.V.

Maaga kaming nagising ngayon ni Hale. Malamang di pwedeng ma late. Baka mamaya biglang bumalik ang memory ni Hara magkanda yari yari pa ang eskwelahan. Wala pa namang laban mga estudyante don.

"Hale nakakaloka ka na ha ang tagal mong naliligo jan. Pag ako natutong mag drive makikita mo. Aalis talaga ako mag-isa" sigaw ko kay Hale na mahigit mag kakalahating oras na sa banyo.

"Edi mag grab ka! Arte mo. Anong oras pa lang Cinds. 4:30 pa lang ng umaga! Bukas na ba yung school natin na pwede lang lakarin?" Sigaw niya pabalik sa kin.

Literal kasi talagang maaga akong nagising mga alas dos pa lang naligo na ako. I can't miss a thing. Dinamay ko naman si Hale. Ba, damay damay na to.

Matapos ang isang oras na paghihintay kay Hale para matapos maligo dahil nakatulog na pala sa CR. Nakonsensya naman ako sa pambubulabog ko sa kanya.

Nakarating kami sa school matapos ang 5 minuto lamang. Mag aalasais na rin yun at kinunchaba ko yung guard na tawagan kami kung dadating na si Hara.

Pagdating namin dun, tumambay muna kami ni Hale sa lobby at naghintay sa pagdating ni Hara.

Di nagtagal sabay na dumating si Nash at Rence. Aba tung dalawang to oo.

"Oh ba't kayo sabay?" Tanong ni Hale sa kanila.

"Tutal isang kanto lang naman layo ko sa kanila, nagkita na lang kami sa tapat at sumakay ng taxi. Mas nakakatipid kaya" sagot ni Nash kay Hale.

"Kurimaw ka. Kuripot ka talaga." Banat ni Hale sa kanila.

Maya-maya pa ay dumating si Hara. Agad ko naman siyang nilapitan at sinamahan.

"San ka pupunta Hara?" Tanong ko sa kanya.

"Pupunta ako sa guidance kukuha ako ng locker at magpapakita na ako" sagot ni Hara sa akin.

Talaga ngang nagbago na siya. Matapos niyang pumunta sa Guidance ay dumiretso na siya sa Locker at binuksan ang unit niya.

"Ahhhhhh! ANO YAN?!" Tili ni Hara na ikinagulat ko.

At pagtingin ko sa unit niya,

"Welcome Back Sahara" ang nakalagay sa loob ng locker. At isang pusang naliligo sa sarili niyang dugo.

A/N: I'm back 😘 expect for more updates love yahhhh ❤

Catastrophic Destiny (HOD 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon