Chapter 3

1.2K 39 2
                                    

Cindy's P.O.V.

"Monarchia Nero and Buio E Luce may dapat kayong malaman." biglang sabi ni Mr. Sullivan

"Ano po yun?" Tanong ni Wade kay Mr. Sullivan

"Kailangan niyong hanapin yung mga estudyanteng nawawala." Sabi ni Mr. Sullivan sa amin. Biglang napabalikwas si Hara. So hindi talaga tulog tong babaeng to? Kawawang Vince ginawang unan ni Hara.

"So ano ang gusto niyong palabasin?" tanong ni Rence kay Mr. Sullivan

"Magiging isang grupo na lang kayo" Sagot ni Mr. Sullivan sa amin

"Wait Dad, you can't expect us to follow that. We were-" pagdismaya ni Hara sa plano ng kanyang ama ngunit bigla niong pinutol ang kanyang sinasabi

"And you are not expected to talk back Sahara. Para ito sa mga estudyanteng napahamak ng dahil sa atin. Kaya kailangan nating hanapin sila." Sermon ni Mr. Sullivan kay Sahara.

"Dad! He worked hard for this group. Wag mo namang basta-basta bubuwagin lang!" Sigaw ni Sahara

"Kahit na andito pa siya Sahara ito rin ang gagawin ko! Kayong dalawang grupo ang pinaka inaasahan ko sa mga pagkakataong ito. Kaya please Sahara, makisama ka naman kahit papaano." Sagot ni Mr. Sullivan kay Sahara.

"Magtratraining pa rin kayo. After 2 weeks lalabas na kayo at magsisimula na kayong maghanap ng mga estudyante sa loob at labas ng isla. Maari ka nang magpahinga Sahara, the rest of you, sumama kayo sa akin." Sabi ni Mr. Sullivann at bigla na lang siyang umalis. Sumunod naman kami sa kanya.

_________After 2 hours__________

"What?! So hindi talaga-" Tanong ko kay Mr. Sullivan. Pero hindi niya na ako pinatapos sa sasabihin ko.

"Umalis siya bago pa man mangyari yon" sagot ni Mr. Sullivan sa akin.

"Dahil inilalayo ko silang dalawa sa problema. Hindi ko gusto na may masaktan sa kanilang dalawa." Dugtong niya sa sinabi niya

"Si Jaden? Buhay ba siya?" Tanong ni Rence sa matanda.

"Yun lang ang hindi ko inaasahan. Ang pag-atake ng anak ng asawa ko. Pero nahanap ko ang kakambal niya, si Jason." Sagot ni Mr. Tanda.

"May kakambal si Jaden?!" Sabay-sabay naming nasabi. Parang prinactice namin ang pagiging synchronized namin ah.

"Hindi ko nga rin inaasahan yun. Pero guess what? Expect the unexpected. Makikilala niyo rin siya pag uwi niyo sa Pilipinas." Sagot niya sa amin

"Uuwi kami sa Pilipinas?" Sabay-sabay naming tanong sa kanya.

"Oo. Oh siya pwede na kayong makapagsimula ng training niyo bukas." Sagot niya sa amin. At umalis na sa office niya

"I can't believe this." Biglang sabi ni Wade sa amin. Ako lang ba or nagiging close na talaga kami sa mga tukmol na'to?

"Ikaw lang ba ang di makapaniwala?" Sagot ni Rence kay Wade.

"Pero paano?" Tanong ni Yael sa amin.

"Shunge lang? Di ka ba nakinig kanina?" Sagot ni Trevor sa kanya. Lokong leader to.

"Pero di parin mag sink-in sa akin eh. WOW just WOW." Sagot ni Yael.

"Wala ka namang utak saan mag sisink-in yon?" Sagot ni Vince kay Yael.

"1 point." Sabat ni Nash sa usapan. Mga ugag talaga to.

"Ikaw Vince panira ka talaga eh no? Kung wala ka lang deperensya, kinutusan na kita." Sagot ni yael sa kanya.

"Bahala na kayo basta ako, babalik na ako sa kwarto ko. Babooo" Singit ko sa kanila. At tuluyan na akong lumabas ng office.

Nasa labas na ako ng kwarto namin ni Sahara nung bigla akong mapaisip. Paano kaya kung malaman niya ang totoo? Paano kung magkita sila? Anuena??????

Nabigla ako nung biglang bumukas ang pinto ng kwarto namin.

"Oyy!" Sigaw niya pagkakita niya sa akin. Hahaha yung mukha ni Hara, superb hahahahaha.

"Gaga ka! Ba't nakatayo ka lang jan?!" Tanong niya sa akin.

"Bubuksan ko na sana ang pinto tas bigla ka lang lumabas." Sagot ko sa kanya.

"Aish baliw ka talaga." Sagot niya sa akin.

"San ka pala pupunta?" Tanong ko sa kanya.

"Sa Cafeteria." Sagot niya sa akin.

"At ano namang gagawin mo dun?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Kukuha ako ng makakain ni Cream." Sagot niya sa akin.

"Besh Cafeteria tas si Cream yung kukunan mo ng pagkain? Yung totoo?" Tanong ko sa kanya.

"Soda Candies. Bye." Sagot niya sa akin sabay takbo. Walang hiya talaga tong babeng to. Napailing na lang ako sa kanya. Kahit anong gawin mo, asal bata pa rin talaga si Hara.

_________________Training Room (A day before their voyage)___________________

"Parang mas naging malakas tong mga dummy ng training room kaysa dati ah." Reklamo ni Wade sa amin.

"Akala ko kami lang ang nakaka access dito?" Tanong ni Nash sa kanila.

"Nung nasa Games kayo at nung nasa labas kayo, kami yung laman ng training room na to. Kaya medyo nakatraining rin kami dito. Ewan ko nga kung bakit parang energized na energized tong mga tukmol na dummy nito at ang hirap patumbahin." Sagot ni Trevor sa amin.

Take note kaming lahat na ang lumalaban ha, kasama si Hara. Pati siya nahihirapan na rin. Di ba to dahil wala si Ace at Jaden kaya mahirap kalabanin tong mga dummy na'to? Pero si Hara lang naman ang kumalaban dito dati ah. So lumakas nga talaga sila.

"Dammit! Di ba pwedeng patayin na lang natin yung machine? Pagod na ako ha." Reklamo ni Rence sa amin. Tingnan niyo tong isang to, dakilang tamad talaga.

"Gutom na ako." Reklamo ni Hara sa amin. Nagtinginan naman kaming lahat at humagalpak ng tawa.

"Ba't nagsitawanan kayo?" Tanong niya sa amin. Balik na naman yung pagiging yelo niya.

"wala lang." Sagot ni Trevor sa kanya. Pinaningkitan naman ng mata ni Hara si Trevor at isa-isang pinatumba ang mga dummy. Medyo naging madali na alng kay Hara ang pagpapatumba ng mga dummy. Sabi ko naman sa inyo na Ice Princess yan pag galit eh. Pero di niya napansin yung dummy na inasinta siya sa likod.

"Hara sa likod mo!" Sigaw ko sa kanya. Pero its too late, natamaan na siya.

"Argh!!!" Sigaw ni Hara.

"Anong nangyari sa'yo?" Tanong ni trevor sa kanya.

"Dugo? Totoong may sugat?" Tanong sa amin ni Hale habang hinawakan niya ang likod ni Hara.

A/N: Annyeonghaseyo!!! Chapter 3 is done. Keep supporting po thank you.

Catastrophic Destiny (HOD 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon