Pang-tatlumpu

149 3 5
                                    

Ika-tatlumpung Kabanata


Headband

"Tara na!" Hinila ako ni Achlys palabas ng pinto ng building namin. Tumakbo na lang din ako kasama siya, pumunta siya sa likod ng building at agarang umakyat sa gate roon at tumalon. Nangunot pa ang noo ko dahil hindi ko namang aakalain na posible pala ang cutting dito. Puta, sci high, cutting?

"Ayoko! Cutting 'yan!' Pagmamatigas ko kay Achlys nang marinig ko ang sigaw niya sa kabila.

"Tanga ka ba? Gusto mo ba makita ang Liz mo o papaiwan ka na lang diyan kaiisip ko ano nangyari sa kanya?" Sigaw niya ulit.

"Bakit ba kasi ayaw mo na lang sabihin?" Sigaw ko pabalik.

"Bahala ka sa buhay mo, maiwan ka na!"

Napakamot ako sa batok ko at ginulo ko pa lalo ang buhok ko. Ilang beses akong napahilamos dahil simula naman ngayong grade 11 ay nagbago na ulit ako.

"Isa!" Nagsimulang magbilang si Achlys kaya suminghap ako at inakyat ang gate para tumalon. Halatang nagpipigil siya ng tawa pagbaba ko dahil nahulog pa ako sa lupa.

"Tulungan mo na lang kaya ako rito!" Sigaw ko. Nilahad niya na lang ang kamay niya at tinanggap ko iyon bago tumayo. Tawang-tawa pa rin siya sa'kin.


"Saan ba tayo pupunta?" Iritadong tanong ko habang pinapagpag ang suot ko pagtayo. Pinitik niya naman ang noo ko kaya napahawak ako roon.

"Tanga, sa ospital nga, e. Kasasabi ko lang na isinugod si Zil." Sagot niya. 'Di na lang ako sumagot at nagpatuloy na lang siya sa paglalakad hanggang sa makapara siya ng taxi. Sumakay na lang kami roon.

"Bakit wala naman akong narinig na tunog ng ambulansya?" Tanong ko pagpasok sa front seat. Umupo siya sa likod.

"Makati Med po." Ani Achlys sa driver.

"Paano mo maririnig e nasa gym ka, nagpapatugtog pa ng kay lakas lakas?" Sagot niya sa'kin. 'Di na lang ako sumagot dahil babarahin lang ako nito palagi kapag nagtanong pa.

Napatingin na lang ako sa bintana, pinipilit ang sarili kong kumalma. Kanina pa mabilis ang takbo ng puso ko at parang may kumukulong kung ano sa tiyan ko dahil sa kaba. Ano namang nangyari roon kay Liz? Parang kanina lang ay nakita ko pa siyang nasa grounds at nakikipagkulitan kina Jana, tapos ngayon ay nasugod na siya sa ospital.

Pilit kong tinatanggal sa isip ko ang nangyari dalawang taon na ang makalipas. Huling punta ko sa ospital ay ganoon ang nangyari. Hindi ko maiwasang mag-alala at mag-isip ng kung anu-ano dahil sa traumang idinulot noon sa akin. Panay ang pagdadasal ko na sana hindi ganoon ang sitwasyon. Hindi ko na kakayanin pa kung pati siya ay mawala pa sa akin. Gugustuhin ko na lang mamatay kapag ganoon.

"Alcazar!" Kinaltukan ako ni Achlys. Sinamaan ko siya ng tingin at binaklas ang seatbelt bago lumabas ng taxi. Hindi ko man lang napansing narito na kami.

Pumunta kaming Emergency Room at pagpasok pa lang ay nakita na namin si Jana at Cax na nakaupo roon. Silang dalawa kasi ang kaklase ni Liz.

"Si Maxzille?" Tanong ni Achlys. Tumayo si Cax at lumapit dito habang si Jana ay nanatiling nakaupo at nagcecellphone. Kumunot ang noo ko. Wala ba 'tong pakeelam?

"Hoy Alcazar, halika na." Sabi ni Achlys at naglakad ng deretso hanggang sa mapadpad sa isang kurtina. Binuksan niya iyon at bumungad sa kanya ang nakangiting si Liz. Kumaway pa siya sa amin. Napabuntong-hininga naman ako, akala ko kung ano nang nangyari sa kanya.

Saving the Fallen Constellation (Athánati series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon