Pang-labindalawa.

93 3 4
                                    

Ika-labindalawang Kabanata

16-25-23

Mabilis ang oras. Natapos na iyong Intramurals namin at kami ang over-all champion ngayong taon. Hindi na kami gano'n nagulat doon dahil ganu'n naman taun-taon. Mananalo iyong grade 10 seniors dahil karamihan ay lilipat na at moving-up na rin namin.

Sa sobrang bilis ng panahon, hindi ko namalayang matatapos na ang taon na ito. Disyembre na agad at naghahanda na ang lahat para sa christmas party. Naging busy kami dahil syempre ay moving-up na, hahantong na naman kami sa bagong yugto ng buhay namin, ang senior high school. Hindi pa nga ako sigurado sa gagawin ko. Kung mananatili ba ako rito o maghahanap ng ibang school. Napag-usapan namin iyon isang araw habang nakapa-bilog kaming kumakain magkakaibigan, lunch time kasi. Ako, si Brianne, Ivy, Jana, Leila, Maxine, Bianca, Amarie, Eliott, Rizza, Mateo, Franco, Off, Anton at Vin ang naroon.

"Anong strand kukunin niyo?" Tanong ni Brianna na katabi si Ivy sa kaliwa at sa kanan ay si Mateo na katabi naman ni Franco. Sinubo niya iyong pagkain niya.

"Mag-HUMSS siguro ako." Ani Jana na kinakamay na iyong chicken na kinakain niya.

"Ako rin." Nagkibit-balikat ako at uminom ng tubig dahil katatapos ko lang nguyain ang pagkain ko. Katabi ko sa kanan si Jana at sa kaliwa si Bianca. Sa tabi naman ni Bianca ay si Amarie na katabi si Max na katabi si Leila. Katabi ni Leila si Eliott, tapos si Rizza, Ivy, Brianne, Mateo, Franco, Vin, Off, at Anton.

"STEM siguro ako." Si Off na seryoso lang ang titig. Tapos na kasi siya kumain dahil kinain niya ang baon niya noong unang break namin.

Tumango naman si Anton at tinapik ang balikat ni Off. "Ako rin."

"Hindi ko pa alam ang kukunin ko!" Paghihisterya ni Leila.

"Walang nagtatanong." Sabat naman ni Max at umirap pa kaya napatawa kami. Sinimangutan na lang siya ni Leila dahil sanay na rin siya sa pambabara nito.

"Baka mag-GAS lang ako. Hindi pa ako makapili, e." Ani Bianca.  Tumango ako, naisip ko rin kasi iyon. Hindi ko talaga alam kung sigurado na ako sa HUMSS.

"Ako rin." Pagsasang-ayon naman ni Eliott na sumimsim sa iniinom niyang juice.

"Gaya-gaya." Umirap si Rizza sa kanya. Inirapan niya na lang din siya.

"STEM din ako." Si Amarie.

"Architect Miranda." Pangungutya ni Ivy. Namula naman si Amarie dahil doon, gustong-gusto niya talaga na tinatawag siya ng ganoon. Mabilis din siyang mamula dahil maganda ang maputi at makinis niyang kutis.

"Ayieee." Pang-aasar namin kaya napa-irap na lamang siya, nakangiti pa rin.

"Hindi ko pa talaga alam ang pipiliin ko." Sabi ni Brianne na lukot na iyong mukha.

"Mag-ABM ka na lang," sabi naman aa kanya ni Mateo at sumubo sa kinakain niya.

"Bakit, mag-ABM ka?" Taas-kilay na tanong ni Brianne sa kanya. Ngumisi si Mateo.

"Sige, para sa'yo." Tinaas-baba niya ang kilay niya kaya napatawa kami. Umakto namang nasusuka si Brianna.

"Harot!" Sigaw ni Amarie. Umirap na lang din si Brianne at pinag-krus ang braso.

"TVL siguro ako." Si Max. Sa aming lahat ay siya lang iyong kakaiba ang sagot. Gusto niya kasing mag chef.

"STEM na lang din yata ako." Si Ivy na nakasandal ang ulo sa balikat ni Brianna. Nakaligpit na ang pinagkainan niya, halos lahat din kami ay ganoon.

"STEM din ako." Malalim ang boses ni Vin ng sabihin iyon. Napatingin kami sa kanya dahil akala nami'y hindi siya magsasalita dahil nakatuon lang siya sa cellphone niya, malamang ay naglalaro na naman.

Saving the Fallen Constellation (Athánati series #1)Where stories live. Discover now