Pang-apat.

170 6 2
                                    

Ika-apat na Kabanata

Fries

Buwan ng Wika. Este, araw. August 31 na ngayon at kailangan namin magsuot ng filipiniana, tradisyon na kasi iyon sa mga school. Pero pagtapos naman ng parada, pwede na kami magpalit ng damit. Baka sakali lang naman kasing mainitan kami o kating-kati na kami sa suot namin, o 'di kaya kapag napipilitan ka lang.

Nakapagpalit na ako ng damit, nag-cocommute lang naman kasi ako at nakakahiya kung mag-filipiniana agad ako. Maria Clara ang filipinianang suot ko ngayon, pero hiram lang. Ewan ko ba kasi kay mama at ito pa ang hineram. Okay lang naman sa akin magsuot ng baro't saya, eh.

"Oh, bumaba na raw tayo sabi ni Ma'am. Pila na." Anunsyo ng presidente namin. Kinuha ko ang cellphone at wallet ko at pumila na kami. Nagtabi-tabi kami nina Amarie, Maxine, Bianca, at Leila sa pila, nasa harapan kami, nasa likod ni Jana. Siya kasi ang pambato namin si Ginoo at Binibining Wika, ang Ginoo naman namin ay si Vin. Ayaw talaga ni Vin pero wala siyang choice, eh. Wala na kasing pwedeng pambato. Isa pa, muse and escort kasi silang dalawa kaya sila na ang pinili namin.

Pagdating namin sa grounds, naghintay muna kami. By grade level at section kasi ang pagkasunod-sunod ng paglabas sa gate ng school namin. Nagpicture-picture muna kami.

"Vin, picture raw kayo ni Jana!" Sumigaw si Amarie kaya hinampas siya ni Jana. Napangiwi naman si Amarie at binulungan niya si Jana ng 'arte ka pa, gusto mo naman.'

Naghiyawan ang mga kaklase namin kaya napangiti at nagtawanan kami nina Maxine. Blanko lamang ang mukha ni Vin na nakatingin sa amin habang si Jana ay halatang nagpapanic na. Para kasing nalukot na papel ang itsura niya, hindi mo maintindihan kung kinikilig ba o naiinis.

"Oh, dali na!" Sigaw ni Maxine. Wala naman nang nagawa si Jana.

Kinuha ko ang cellphone ni Maxine at itinapat sa kanila. "1..2..3.." Pagbibilang ko. Ngumiti si Jana at nag peace sign, habang nagulat kami noong ngumiti si Vin. Minsanan lang kasi siya ngumiti, masungit kasi talaga siya.

Binigay ko ang phone ni Maxine sa kanya pagtapos ng ilang shots nila. Pinasadahan ni Vin ang buhok niya gamit ang kamay niya at tumalikod na sa amin. Si Jana naman ay nakitingin sa cellphone ni Maxine habang tinatago ang kilig. Kahit kasi makapal ang mukha nito, nahihiya pa rin 'to. Lalong-lalo na kay Vin dahil minsan natatakot siya rito.

Bumalik na ako sa pila at tumalikod na rin si Jana para maghanda na sa paglabas namin ng gate. Lumingon ako sa likod para tignan ang mga kaklase namin. Agad ko namang namataan si Off na seryosong nakatitig sa akin kaya ibinaling ko agad ang tingin ko sa harapan.

Lumabas na kami ng gate at nagdaldalan lang kami nina Maxine. Si Jana ay paminsan-minsang nakikisali sa amin, pero hindi siya masyadong maingay. Hindi siya sumisigaw dahil syempre, katabi niya si Vin. Ang tahi-tahimik pa naman nito.

"Nauuhaw na ako." Sabi ni Maxine habang hawak ang lalamunan niya. Nanunuyo na siguro.

"Oh." Nanlaki ang mata namin nang abutan ni Arch si Maxine ng tubig. Tinitigan niya muna iyon pero agaran itong ininom. Blanko lamang ang tingin ni Arch sa kanya.

Pinunasan ni Maxine ang bibig niya pagtapos uminom at isinara niya ang water bottle nito. Binalik niya agad ito kay Arch.

"Salamat." Sabi ni Maxine sa kanya habang nakangiti. Ngumiti naman ng kaunti si Arch sa kanya at umalis na.

"Woah." Reaksyon ni Leila nang makaalis si Arch. Inirapan naman siya ni Max.

"WOAH." Pag-uulit ni Max ng mas malakas pa. Si Leila naman ang umirap.

"Parang gago." Sambit ni Amarie sa kanila kaya napatawa kami ni Bianca. Wala talagang filter bibig nito.

Nakaabot na ulit kami sa grounds namin at huminto muna roon. Nauna kasi ang grade 8 pumasok sa lumang building. Naghintay muna kami ng ilang minuto bago kami ang papasukin. Pagdating namin sa classroom namin, inanunsyo ng presidente namin na break time na at pagtapos naman nito ay ang pagpapakilala ng mga kandita't kandidato para sa ginoo at binibining wika.

Saving the Fallen Constellation (Athánati series #1)Where stories live. Discover now