Unang Kabanata
Assignment
Hi Lizie.
Napakunot ang noo ko at dali-dali akong nagtype. Ano na naman ba ang problema nitong lalaking 'to? At talagang humaba pa ang tawag niya sa'kin. Ang layo-layo ng Lizie sa pangalan ko, eh.
May problema ba tayo, Off?
Pagkasend na pagkasend ko ng message sa kanya, naseen niya agad ito at agaran ang pag-type niya. Atat?
Wala naman, Liz. Gusto lang kita makausap.
Tumaas ang kaliwang kilay ko habang tinignan ang message niya. Nagtype agad ako nang mariin.
Wala kang maloloko rito. Ano kailangan mo?
Nagta-type agad siya pagkatingin ko. Ginawa kong silent ang notifications ko dahil sunod-sunod itong tumutunog, at ayoko ng ganoon.
Patingin assignment sa filipino.
Napangiwi ako nang makita iyon. Sinasabi ko na nga ba.
Liz: May sagot na ako.
Off: Okay lang 'yan.
Liz: Ayoko.
Inexit ko ang chat namin at pumunta naman ako sa groupchat ng aming section. Nanlaki ang mata ko nang makita na pinag-uusapan pala nila ang aming assignment sa Filipino. Nagtatanungan sila ng mga pupwedeng isagot at ang mga kahulugan nito. Kahit kailan talaga, mga baliw 'to.
Inexit ko iyong groupchat ng section namin dahil wala naman akong mapupulot doon. Tinapos ko na kasi ang assignments ko sa school, noong nagkaroon kami ng free time. Tinatamad kasi ako gawin mga assignment ko rito sa bahay.
Pinuntahan ko iyong chat namin ni Off. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang sandamakmak na messages na sinend sa akin ni Alcazar. Ano ba 'to, atat masyado! Saglit pa lang noong tumingin ako sa gc namin, ah?
Uy. Dali na.
Liz? Hoy.
Lizie.
Lizieeeee.
Sige, 'wag na nga. Patulong na lang. Please?
Wow, sumuko na rin 'to. Napabuntong-hininga ako at nagsimula na mag-type. Nakaka-guilty naman kasi kapag 'di ko 'to tinulungan. Hindi naman ako ganu'ng klaseng tao.
Ano ba ang hindi mo maintinidihan? o hindi mo alam??
Off: Ikaw.
Kumunot ang noo ko.
Off: Joke. Number 3.
Napabuntong-hininga ako at bumaba ng kama. Kinuha ko ang bag ko at binuksan ang zipper nito. Inalabas ko ang filipino assignment ko at tinignan ang sagot sa number 3.
YOU ARE READING
Saving the Fallen Constellation (Athánati series #1)
Teen FictionMaxzille Heydie Peralta can't get over her ex boyfriend even though she's still young. She believes that she's madly in love with him and no one can change that fact. Pakiramdam niya ay may nawala sa katauhan niya dahil sa pag-iwan nito sa kanya at...